Level 13

1.3K 35 0
                                        

Warning: Mature content. Be open minded, not green minded. Lol. 😂

***

(Ashley)

"Two people in love, alone, isolated from the world, that's beautiful." Isinara ko ang binabasa kong libro at humugot ng isang malalim na hininga. Isolated, yes we are. But this ain't like those in books.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at napagpasyahang maglakad lakad muna sa labas. Baka hapunin na si Rio. Pumunta sya sa bayan para mag withdraw at mamili na rin ng supplies. Mag aanim na buwan na simula nang mapadpad kami rito. At hanggang ngayon hindi ko alam kung nasaan ba talaga kami. I tried to ask Rio but ang lagi lang nyang sinasabi is that somewhere in Cebu. Wala naman akong makausap dahil wala namang ibang tao rito bukod sa amin, minsan lang kung mamasya kami.

I sighed. Ang tagal na rin pala. May anim buwan na lang kami. We only have six months to be together. Napag usapan na namin ito ni Rio, that we will come back after a year, pero hindi ko alam kong kakayanin ko pa nang ganun katagal. My conscience is slowly eating me. Ginagambala na ako hanggang sa panaginip. Natatakot akong bigla akong balikan ng karma, at pakiramdam ko may masamang mangyayari.

Naupo ako sa isang kawayang upuan at iginala ang tingin. Nakakalanghap ako rito ng sariwang hangin, but my system still not in peace. How's Gray kaya? I'm sure he's gone furiously mad, at alam kong hanggang ngayon hindi nya tinitigilang mahanap kami. Kilala ko sya, gagawin nya ang lahat.

Kung hindi ko kaya iniwan si Stan, natutuhan ko kaya syang mahalin? Will I be happy with him? Unti unti na naman akong natatabunan ng mga what ifs ko. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. I can hear my own heart beat dahil sa katahimikan sa paligid.

I never imagine my life to be like this. Ang dami na ng nangyari simula nung bumalik ako. Umuwi ako sa Pilipinas para kay Rio, isinugal ko ang lahat not minding kung ano ba anh dadatnan ko. I have to choice back then, ang magkaroon ng closure o patuloy na mahalin sya. Sinubukan ko yung una, God knows how hard I tried, nag come up pa nga ako sa desisyon na maghiganti, but the latter consumed me. I am under Rio's spell ever since kaya hanggang ngayon hindi ako makawala.

Napahalumbaba na lang ako at inis na kinamot ang braso ko sa makailang ulit na pagkakataon. Kanina pa ako kinakagat dito ng lamok sa labas pero ayoko namang pumasok. Hihintayin ko sya. Baka naman on the way na.

Pero bakit ba sya natagalan? Ghad! Alasais pa nang umaga nung umalis sya, at past 8:00pm na pero wala pa sya. Pinapak na ako ng lamok sa kahihintay pero walang Rio na dumarating. Unti unti na akong kinakain ng kaba sa dibdib ko. What if may nangyaring masama? Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na umalis ng bahay at hanapin sya.

Napabalikwas ako ng tayo nang marinig ko ang makina ng sasakyan at patakbong sinalubong iyon. Finally he's home!

Labis labis ang sayang naramdaman ko nang makita syang bumaba ng kotse at nginitian ako. Agad ko syang nilapitan at napakunot na lang ako ng noo. Saan ba sya galing?

He's drunk. Amoy na amoy ko ang alak sa katawan nya. And the way he walks parang matutumba na. Damn! How did he managed to drive kung ganoon ang kundisyon nya?!

"Naglasing ka?! Ghad Rio paano kung may nangyaring masama sayo?!" I asked habang paggewang gewang syang naglakad papasok ng bahay. Sinundan ko sya at galit na iniharap sya sa akin.

"Where have you been? Alam mo bang ilang oras na akong naghihintay, tapos uuwi kang lasing?! Rio naman!" Nakatitig lang sya sa akin at wala akong mabasang kahit anong ekspresyon. Mapupungay ang mga mata nya at makailang ulit syang kumurap bago ako tinapunan ng isang hindi siguradong ngisi.

The Playful AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon