Level 26

1.2K 34 10
                                        

***

(Ashley)

Maaga akong nagising kinabukasan. Tulog pa si Rio ng nadaanan ko sya sa couch. Payapa na ang itsura nya, hindi gaya kagabi na halos makita pa lang sya, nanghihina na ako. I shrugged my thoughts out at ipinagpatuloy ang paghihiwa ko ng sibuyas. Wala naman sigurong malisya kung pag aalmusalin ko muna sya bago umalis, baka ito na rin kasi ang huli. Think of this as my farewell breakfast.  Damn. What am I thinking?

A farewell breakfast huh? What a shame Ashley.

Nagpasalamat na lang ako na hindi pa gising si Rio, kapag nagkataon malamang maririnig nya kung ano ang iniisip ko, my thoughts are so loud, nakakairita.

Nagpatuloy ako sa paghihiwa, until I felt something wrapped around my stomach. Napasinghap ako at natigil sa ginagawa.  Seconds after at naramdaman ko naman ang pagpatong ng noo nya sa kaliwang balikat ko. And as easy at that, nahirapan na naman akong huminga.

Nanginginig ang kamay na binitiwan ko ang kutsilyo, and was about to say something pero naunahan nya ako.

"You've been thru alot."

He said. Napayuko ako sa hinihiwa kong sibuyas, kanina naman hindi ako naiiyak, pero ngayon konti na lang, papatak na naman sila.

He's right, I've been thru alot. Looking back, isa lang naman akong ulila na gustong makahanap ng pamilyang magmamahal sa akin, and now, I'm still longing for a family na hindi ko na kailanman makakamtan. And that's my reality.

"Sorry. Sorry sa napakalaking parte ko sa paghihirap mo."

Naikuyom ko ang mga kamao ko sa sinabi nya. Gustong gusto kong kalasin ang pagkakayakap nya mula sa akin, pero wala akong lakas. If he's upto something, natatakot akong hindi mapigilan ang sarili ko sa pagkakahulog. Dahil kahit itanggi ko, malinaw sa akin na gusto ko ang nangyayare ngayon. Being this close to him. And this is dangerous, because this close means falling, again.

"I'm sorry for being a coward. Pasensya na kung hindi kita nasamahan habang lumalaban ang anak natin. I'm truly sorry for that."

Ramdam ko ang pamamasa ng mangas ng damit ko at ang marahang pagyugyog ng katawan nya. Oh my ghad, this is too much. Hindi ko na nakaya pang pigilan ang hikbi ko, kusa na lamang iyong lumabas, waring nakikisangayon sa mga sinasabi ni Rio. He's like casting a spell, at maloloko na naman ako sa kanya.

"R-io, please stop this."

I swallowed the lump on my throat at pilit kinalas ang yakap nya sa akin, pero habang pinipilit ko iyong iwaksi, mas lalo lamang iyong humihigpit.

He remained silent. Habang ako, unti unti nang bumibigay ang mga tuhod dahil sa emosyong biglaan kong naramdaman. I just wanted to cook, make his breakfast, and watch him leave.

Ilang minuto kaming ganoon, nang maramdaman ko ang pagkalma nya at ang bahagyang paghupa ng emosyon naming dalawa, matagumpay kong kinalas ang yakap nya at sinsero syang hinarap.

Nakayuko lamang sya at ayaw akong tingnan, na parang isang batang may kasalanang ginawa. Hinawakan ko ang baba nya at inangat ito para matitigan sya sa mga mata.

Sa ilang sandali ko pa lamang na pagtitig sa mga iyon, ginusto ko na lamang tumakbo at magtago. Yet I know, kailangan kong linawin ang kung anomang meron sa aming dalawa, kung mayroon man.

"Rio, napatawad na kita."

Pinunasan ko ang landas na ginawa ng mga luha mula sa mga pisngi nya. I sincerely smiled at him. Kita ko naman ang bahagyang paglambot ng ekspresyon nya. Alam kong iyon ang gusto nyang marinig. Kagabi ko pa ito pinag isipan, kung tama bang ibigay ko na ang kapatawarang hinahanap nya. And I realized, na kapag napatawad ko sya, mapapalaya ko na rin ang sarili ko mula sa mga sakit ng noon at ng ngayon. That after this, pare pareho na naming tatahakin ang kani kaniyang landas, at wala ni isa man sa amin ang magbabalak na lumingon pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Playful AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon