***
(Ashley)
Bumuntong hininga ako sa huling pagkakataon at tinanaw ang matayog na gate ng mansyon ni Jacob. Kanina pa nakatigil ang taxi sa tapat niyon pero hindi ko magawang bumaba at ihakbang ang paa ko papasok.
"Ma'am kanina pa ho nagtatanong yung gwardya kung anong sadya nyo. Kapag hindi pa raw po tayo umalis eh pasasabugin nya itong taxi." Binalingan ako ng driver at nagkamot pa sya ng ulo. Bakas din sa mukha nya ang takot. Siguro ay dahil na rin sa aurang lumilibot sa mansyon, kahit bata ay masasabing nakakatakot iyon.
Tinungo ko ang ulo ko para masilip kung sino ba ang nakabantay sa gate at nagbanta sa driver. And it's Leon. Sya pala ngayon ang toka sa pagbabantay sa gate. Leon is an assassin at kasapi sya ng Daiamondo, at kasama sa responsibilidad nila ang magbantay sa mansyon at least once a month. I've known him for years dahil lagi ko syang nakakausap noon kapag bantay sya rito.
"Manong, pakiabante ho." I asked him na itapat ako sa bukana ng guard house na agad naman nyang sinunod. Ibinaba ko ang bintana at sinalubong ako ng mala agilang mata ni Leon.
"Who are you?" Gamit ang baritonong boses ay tanong nya. Natawa na lang ako at hinubad ang cap na suot ko. Awtomatiko namang nanlaki ang mata nya at di makapaniwalang itinuro ako.
"Long time no see, Leon." Bati ko sa kanya at sinuklian ng ngiti ang gulat nyang ekspresyon. Binayaran ko muna ang driver at humingi ng paumanhin sa kanya bago ako bumaba.
"Woah! Ashley ikaw nga!" Dinamba nya ako ng mahigpit na yakap at napatawa na lang ako. Kahit papaano'y nabawasan ang kaba sa dibdib ko.
"Sinong nasa loob?" Tanong ko matapos kaming magkamustahan. Itinabi nya ang hawak nya kaninang baril, mahaba iyon gaya ng mga nakikita ko sa mga guwardya ng bangko at dumukot ng sigarilyo mula sa bulsa nya.
"Madami." Sagot nya bago sinindihan ang sigarilyo nya. Agad akong dinubdob ng kaba, gusto kong itanong kung sa madami bang iyon eh kasama si Rio. I shook my head, hindi ako pumunta rito para sa kanya. Si Jacob ang kailangan ko.
"Samahan mo ako sa loob." Muli kong isinuot ang dala kong cup at pinakiusapan sya.
"Sus. Pumasok ka na. Patay ako kay Master kapag walang nagbantay rito." Humithit sya sa sigarilyo at gumawa ng bilog gamit ang usok niyon na ibinuga nya. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa nya iyon.
"Mabilis lang. Ihatid mo lang ako hanggang sa main door." Hinigit ko ang suot nyang uniporme at ginulo ang paninigarilyo nya para lang mapapayag sya. Kahit ano kasing kumbinsi ko sa sarili ko eh hindi ko talaga kayang ihakbang ang paa ko papasok sa bakuran ng mansyon.
"Tsk. Oo na! Basta sagot mo ako kay Master ha?" Initsa sa lupa ang hindi pa halos nangangalahating sigarilyo at tinapakan iyon para patayin. May kung ano rin syang pinindot mula sa tabi ng gate saka kinuha ang nakasandal nyang baril bago ako inakbayan papasok.

BINABASA MO ANG
The Playful Assassin
Ficción GeneralHe is a naughty man. He loves to play. Play with fire, play with hearts. Are you willing to be his playmate? How long can you play with him? Are you that skilled to win over? Or just dumb to wait until the game is over?