Level 25

1.3K 38 13
                                    

***

(Ashley)

Sunod sunod na malalalim na paghinga ang ginawa ko. I'm literally gasping for air. Ramdam ko ang nanunuot na sakit habang tinitingnan ko ang gulat nyang ekspresyon. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya pero siguradong hindi maganda na sinabi ko sa kanya iyon, pero ano pang magagawa ko? Hindi ko na pwedeng bawiin alinman sa mga salitang yun. I deserve peace, kami ni Ashton, pero sya, bahala syang bagabagin ng konsensya nya habambuhay.

"Tell me you're lying."

Mababa ang boses nya at puno ng lamig. And as easy at that, para kaming napunta sa isang sitwasyong nasa binggit ako ng kamatayan, while he has all the choices on how to save me, but then he chose to pull the trigger, and let me bleed. Para nya akong pinatay sa sinabi nyang iyon.

What? Ano ang gusto nyang aminin ko na hindi totoo? That I got pregnant? Na dinala ko sa sinapupunan ko ang anak nya? Is he disgusted of that fact? Or his thoughts about that?

"Iyon ang totoo."

Because unlike you, hindi ko ugali ang pagsisinungaling. Kung nagsinungaling man ako, iyon ay noong sinabi kong hindi ko na sya mahal. Because the truth is, I still love him. I know, I still love him, hindi na nga lang pwede. Iyon ang totoo.

Kung may hindi man totoo, iyon ay ang pahayag na kung kayo, kayo hanggang dulo. Na kung papalayain nyo ang isa't isa, malalaman nyo kung kayo ba talaga. That's bullshit! Kung mahal mo, bakit kailangan mong palayain? Bakit kailangan mong ipagtulakan? Kung mahal mo, bakit kailangan mo ng mga signs? Hindi pa ba sapat na mahal mo para pahalagahan mo? Kung mahal mo, bakit kailangan mong pakawalan?

Kung mahal ko, bakit hindi kami pwede?

Dahil, balewala rin kung ako lang.

Mahal ko si Rio, pero dumating na sa punto, na hindi sapat ang pagmamahal lang. We've been through enough, kung isa akong babasaging bagay, wasak na wasak na ako, durog na durog. I got broken by him, and he can never fix me.

"B-akit ngayon lang? Bakit hindi mo sinabi noon?" Punong puno ng pait ang boses nya. And for the first time, I watch as tears flow sincerely from his eyes. Gusto ko syang daluhan, dahil anak nya rin si Ashton. But I lost my sympathy for him a long time ago.

"Alam mong hindi pwede."

Ano bang magbabago? Ano ba sana ngayon? Kung hindi ako umalis noon, magiging ganito pa rin kaya ang kinalabasan?

"Bullsht! Bakit hindi? Why not? He is my son!"

And with my own two eyes, I witness how Rio Alcantara Maniago lost the last thread of temper he's saving, in a public place. Marahas nyang hinawi ang mga plato at kubyertos sa ibabaw ng lamesa.

Halos lahat ng tao sa restaurant ay napatayo sa gulat sa biglaan nyang pagwawala. He's breathing heavily at ramdam ko ang takot sa paligid namin, na para syang isang bomba na ilang segundo na lang ang hinihintay, at sasabog na.

We've been through a rollercoaster, and my feelings are mixed up too. He's right, Ashton is his son, pero kailanman hindi ko inisip na magiging ama sya sa kanya.

"Fuck! Putanginaaa!" He screamed so loud na kahit ang mga sekyu na aawat sana ay napaatras na. I can see Rio's men outside, na kapag nagpatuloy pa ang kaguluhan dito sa loob, ay hindi sila mag aatubiling pumasok, and that will cause more trouble.

The Playful AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon