Level 15

1.3K 33 2
                                    

***

(Ashley)

I ran as fast as I could. Basag na basag, wasak na wasak. Ayoko na. Patayin nyo na lang ako.

Tama si Gray. Ang tanga tanga ko. Sana... Sana, sana pala hindi na ako bumalik pa...

Gulong gulo ang utak ko, dahil lahat ng pinaniniwalaan ko hindi totoo. Pure lies, sweet words but with deep meanings. And they're stabbing me. Masyadong masakit. He said that he loves me but he lied. He fucking lied! And the worst part is, naniwala ako sa bawat salitang binitiwan nya. But still, he's upto his revenge, nang wala akong kaalam alam.

Hindi ko alam kung saan na ba ako nakarating. Ang alam ko lang tumatakbo ako, malabo ang paningin, at masikip ang dibdib. Pakiramdam ko hindi ako napapagod, kahit ang katawan ko sumasang ayon na malayo sa kanya. To that liar! Gusto ko nang layuan sya.

"Ashley!" Pinipilit kong magbingi bingihan kahit makailang ulit na nyang binigkas ang pangalan ko.

I should've followed my instincts way back, edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Ang tanga ko, I should've  chose Stan, pero nagbulag bulagan ako dahil mahal ko sya. At saan ako dinala ng pagmamahal na yun?! Sa masakit na katotohanang, niloko nya lang ako.

"You can leave Ashley, but please come back. Pakiusap bumalik ka." Nangunot ang noo ko. Di ko maintindihan kung bakit nya ginagawa to. Napasinghap ako nang hatakin nya ako and wrapped his arms on my body. He hugged me. Itinakip ko ang kamay ko sa bibig ko para hindi nya marinig ang hikbi ko. He's making it hard for me. Paano ako makakapag move on kung gumaganito sya?

"Ako naman ang maghihintay. Ipangako mo lang na babalik ka. Kahit gaano katagal, bumalik ka." He kissed my forehead before he leave.

I smiled bitterly. A big liar! Ang galing nya, ang galing galing nya! Napaglaruan nya na naman ako nang hindi ko nalalaman. Ang daya nya. Ang unfair. Pinaglalaruan nya na naman pala ang puso ko, wala man lang akong kamalay malay. Pailang ulit na ba? Ilang ulit ka pa ba nyang kailangang saktan at paglaruan para matauhan ka na hindi ka nya minahal, minamahal at mamahalin, ha Ashley?! Ilang ulit pa?!

Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa kusang tumigil ang mga paaa ko, dahil may kotseng pumarada sa harapan ko. I stared at it blankly.

"Ashley!" Nanlaki ang mga mata ko nang bumaba mula sa kotse si Gray. Inilang hakbang nya lang ang distansya namin at niyakap ako ng mahigpit. I hugged him back, at doon humagulhol sa dibdib nya. Makailang ulit na, ganito rin ang nangyari noon. Si Gray lang ang nagiging takbuhan ko, matapos ang mahabang maghapon na pakikipaglaro kay Rio. Sya ang iniiyakan ko, pagkatapos akong saktan ni Rio. This man has a huge heart for me. Pero kahit alam kong tama ang mga ipinapayo nya noon sa akin, pinili ko pa ring sumuway. Pero kahit ganoon, hindi nya pa rin ako sinusukuan, hindi nya pa rin ako iniwan.

"Ashley!" Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Gray nang marinig ko ang boses nya. It was when my world stopped on turning. Ang tanging naririnig ko lang ay ang paghangos nya. Hindi ko alam kung bakit pero, sumisikip ang dibdib ko. That all I wanted to do is to take my heart from my chest and give it to him. Tutal sinira nya na yun, pinagpira piraso na nya, then he can have it forever. Sa kanya na lang yun, I don't need it anyway. I just wanted to feel absolutely nothing. Gusyo ko nang mamanhid.

The Playful AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon