RYL_POV.
"WUAHHHH!!" gising kong sabi, Napaupo ako ng mapaniginipan ko namuntik daw kami mag kiss ni Mac.
"gising kana pala" nanlaki ang mata ko ng makita ko syang nakasandal sa gilid ng pinto, "wuahhhh!!" sigaw ko at nahulog sa kama.
Inusisa ko ang bahay at hindi pamilyar ang bahay na ito sakin, "nasa bahay kita, tumayo kana dyan at kumain na tayo" sabi nya at iniwan ako. (Tika? Wag mong sabihin na kamuntikan ko na talaga syang halikan?) bulong ko.
Napasapo ako sa noo ko habang inaalala ang pangyayari, "bumangon kana dyan!" sabi nya ulit tama lang pala madinig ko.
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at nag punta sa hapagkainan, "ahmmm... sir Mac-" naputol agad ang pagsasalita ko ng tumingin sya sakin ng seryuso. "Alam ng tita mo na nandito ka, tinawagan ko sya kagabi" sabi nya at umupo.
"umupo kana" dugtong nya. dahan dahan akong umupo, Tinignan ko ang buong bahay, Simple lang ito pero mukhang mahahalaga ang laman ng bahay.
Napatingin ako sa litrato, Litrato ng kasal iyon at kita kong si sir Mac yun at isang magandang babae. "asawa mo?" turo ko sa litrato at tumingin sakanya.
Humihigop sya ng sabaw habang ang mata nya ay nakatingin sakin, "oum" sabi nya at kumain, "asan sya?" sabi ko at napasubo, "akala ko ba ikaw yung tipo ng tao na hindi nakikialam sa buhay ng ibang tao" sabi nya at uminom ng tubig.
Nabulonan naman ako ng madinig ko iyon, "nasa trabaho pa sya" sabi nya, "trabaho? aga naman" sabi ko, "hindi sya umuwi" sabi nya at tumayo, niligpit nya ang kinainan nya at inilagay ito sa lababo.
"maliligo lang ako" sabi nya napalunok naman ako ng madinig iyon, Iba meaning na pumapasok sa utak ko, Saglit nag init ang katawan ko ng madinig iyon.
---
"Ilang taon na kayong kasal?" pagbubukas ko ng usapan, Nag lalakad kami ngayon papunta sa train station. "4yrs" Tangin sabi nya habang nakapamulsa.
"owhh.. matagal naden yun, e plus mo pa sa in relationship nyo... tama matagal na nga" sabi ko, "btw ang ganda nya pano mo sya napasagot?" tanong ko, "anyway gwapo ka naman" sabi ko.
"Hindi ko sya niligawan, Hindi ren ako ang umalok na pakasalan sya, 1months in relationship kami, Nag propose sya sakin nong monthsary namin" lingi nyang sabi.
"wuahh!!, 1month palang kasal agad?, anyway kapag ako naman yun siguradong dikita pakakawalan, sa perfect mong yan" lakad kong sabi, Napahinto naman ako at nanlaki ang mata ko.
Agad kong hinawakan ang labi ko, (sh*ttt anong pinagsasabi mo Rylll) bulong ko. Napatingin naman ako sakanya. Biglang nag awkward ang paligid na sya naman nag papula ng pisngi ko.
"Hindi ako perfect!" sambit nya at naunang mag lakad. (sh*tt nadinig nya lahat) bulong ko at binatokan ang sarili.
-----
"Mag iingat ka pag uwi" usal nya bago ako makapasok, "thank you ulit ha" naka smile kong sabi. "sge!" sabi nya at umalis na. Naupo naman ako. "Gagooo masamang kiligin Ryl!!! tumigil kana!!" sabi ko habang tinatakpan ang mukha.
****pagkauwi.
"oh ayus kalang ba pamangkin?, Gusto mo ba ng sabaw ipag luluto kita" usal ni tita, "wag na tita, maliligo nalang ako" nahihiyang sabi ko.
Nakakahiya naman kasi yung pinagdaanan ko, Pano kong mag isip si Mac ng masama sakin, Ehh di lalayo sya, "ehh ano naman kong lumayo sy pake mo!!" sabi ko naman sa sarili ko.
"ano?" usal ni tita, "ahh wala akyat nako sabi ko" usal ko at tumakbo papuntang kwarto.
(MAC_POV)
"Naku nag dala kapa nito, sayang lang ang pera mo" sabi ni Mama salon, "ayus lang Ma, tika asan sila kuya?" sabi ko. "Pauwi nayon, nag gala na naman siguro" sabi ni Mama habang nasa kusina.
"Kumain kana ba?, Dito kana mag tanghalian" malakas nasabi ni Mama, nasa sala ako at binuksan ang tv para manood, ilang saglit pa ay dumating naman si Maron.
Napatingin ako ng makitang may pasa sya sa mukha, "anong nangyari?" pag aalala ko. "Wala!" sabi nya at pumasok sa Kwarto. Sunod namang dumating si Kuya may pasa den ito sa mukha.
"Anong nangayari sayo? saan ba kayo nag punta" sabi ni Mama, "Nag apply kami dun sa Tinatayong building bilang construction worker, Kasu lang may dumating pangkan ng loan shark daw" sumbong ni kuya.
"Oh eh anong sabi?" tanong ni Mama, "Yung may ari pala nong building nangutang, hanggang ngayon hindi pa nag babayad kaya ayun sinira nila yung building pati kami sinali, Eh alangan naman hindi kami mag laban bugbog sarado na ang iba samin"
Sabi ni Kuya, Ilang minuto pa lumabas si Maron, napalingi kaming lahat ng makita syang may hawak na bomba. Agad naman kami ni kuya napatayo. "Oi saan mo dadalhin yan?" natatakot na usal ni kuya habang dahan dahan na lumalapit kay Maron.
"Babalik ako dun at gagamitin ko ito para patayin ang mga sigang yun!!" Galit nyang usal, Lumapit naman ako ng dahan dahan. "Maron... Masama yang gagawin mo makakapatay ka" sabi ko, "ehh ano naman, sila nga eh" sabi ni Maron.
"wag na bumalik dun, Ibigay mona yan sakin, akin na Maron mabait ka diba" pakikiusap ni kuya, "akin na bigay mo na kay kuya" sabi ko naman.
Bigla naman kaming napalingi ng may papalapit na sadok sa mukha ni Maron. "TARANTADO!!!!" usal ni Mama at nasalo ng mukha ni Maron ang sandok.
Nasya ang dahilan ng pag katumba nya, "hayyysss hindi na talaga nag bago, Pinaglaroan pa ang bomba ng papa nya" sabi ni Mama at kinuha ang bomba sa kamay ni Maron.
"Maron patay kana ba?" lapait nasabi ni Kuya, Sinampal naman sya ni Maron, "huhuhu buhay pa syaaa" iyak nasabi ni Kuya at niyakap si Maron, Napakamot naman ako ng ulo.
"mababaliw ako" usal ko at naupo