MAC_POV.
"Malapit na ang okasyon ng pasasalamat dito, Pwedi mo ba kaming tulongan sa pag hahanda Mac?" tanong ni mang Raol sakin, Tumango ako bilang balik sa tanong nya.
"Kong ganun hindi na pala tayo mag hahanap ng pwesing katulong, Total nariyan na si Mac" sabi naman ni Kalo. "Sigurado maraming tao ang pupunta sa lugar naten" sabi ni Mang Ising.
"Narito na ang pagkain!!" sigaw ni Lita palabas ng bahay, Sunod sunod na inilabas ang pag kain, "Woww" usal ng karamihan ng lumabas si Ryl na pambabae ang suot.
"ang ganda nya" usal ni Kalo, Nanatili lang akong tulala habang tinitignan sya, Oo maganda sya...
"Hindi ba Mac maganda sya?" tanong ni Kalo sakin, Agad naman bumalik ang katinoan ko at uminom ng tubig, Lahat naman siguro kami nagandahan sakanya kaya bakit ayaw ko sagotin ang tanong ni Kalo.
"Tama na ngayan kumain na tayo, dahil aakyat pa kami sa bundok para humuli ng baboy ramo para sa pasasalamat" lakad nasabi ni Mang Ising.
Lahat ay nag punta na para kumuha ng pagkain, Lumapit naman sakin so Ryl at ibinigay ang dala nyang pinggan na may pagkain, "Oh" usal nya na para bang walang mood.
"ayaw mo bang kumain?" tanong ko, "Wala akong gana" sabi nya at naupo sa tabi ko, "kanina lang ang laki ng ngiti mo tapos agad nawala?" sabi ko.
(siguro nawalan sya ng gana dahil wala manlang akong sinabi tungkol sa itsura nya ngayon).
"Tama sila maganda ka, kaya kumain kana" sabi ko at tumayo, "Ano?" tanong nya habang nakahawak sa kamay ko. "Oo na maganda kana, bagay sayo" sabi ko at inirapan sya. Nginitian nya lang ako at pinalo sa pwet.
Tinignan ko sya ng seryuso. "ayy sorry" usal nya, Ngumisi lang ako at umalis.
Habang patagal ng patagal masarap pala syang kasama... Ngayon ko nalang uli ito naranasan simula mawala ang kaibigan ko. Unti unti ko naren natutotonan ngumiti. Kahit na, pinagtataksilan ako ng asawa ko, Dahil sakanya nakakatawa pako.
***
KINAGABIHAN...Nagising ako dahil kay Ryl, Binabangungot sya.
"Ryl?" sabi ko habang tinatapik ang brasu nya, "RYL!!" Sigaw ko ng makitang pinagpapawisan sya. "ILAG!!!!!!!!" sigaw nya habang nahihirapan huminga.
Tumingin naman sya sakin at agad na niyakap ako, "bakit?" tanong ko at mas napalakas ang kapit nya sakin, "yung parents ko..." iyak nyang sabi, "panaginip lang iyon Ryl" sabi ko habang tinatapik ang likuran nya.
"Paulit ulit ko nalang napapaniginipan sila, Iwan ko pero bakit sa ganong setwasyon pa, nakahiga sila sa kalsada dugoan pariho, nakakatakot Mac" sabi nya.
"Huminga ka ng malalim ikukuha kita ng tubig" sabi ko akmang aalis na ng yakapin nya ako sa biwang. Bumilis ang tibok ng puso ko hindi ko alam pero wala akong magawa kundi hayaan syang yakapin ako.
Muling nag balik ang Kaba ko ng yakapin nya ako weird ang nararamdaman ko pero hindi naman tu ang unang bises na Kinabahan ako at bumilis ang tibok ng puso Ko, Yung una doon sa Bar ng hinalikan nya ako.
Alam kong mangyayari iyon pero hindi ko naiwasan, tapos ngayon ito naman, "Wag mo kong iwan natatakot ako sir Mac" usal nya ng mahina tama lang para marinig ko.
"kailangan mong uminom ng tubig, saglit lang ako" sabi ko.
Lumabas ako ng kwarto habang huminga ng malalim, Agad akong pumunta sa kusina, pabalik na sana ako ng dumating si Mang Ising. "Gising kapa?" sabi nya. "ahh kumuha lang ho ako ng tubig" sabi ko habang pinapakita ang basong tubig.
"hhmm... sige na mukhang kailangan nya yan" sabi nya. Kumunot noo nalang ako tyaka bumalik.
Nakaupo paren sya at nanginginig, "Ito uminom ka" sabi ko, Kinuha nya naman ang basong tubig at uminom, "Pasinsyana... dahil sakin na isturbo ko ang tulog mo" sabi nya.
"Ayus lang, buti nga nagising ako para gisingin ka, kasi kong hindi sigurado malalagay sa alanganin ang buhay mo, lalo pa binabangungot ka" sabi ko. "Hmmm... tama. salamat" sabi nya at ngumiti.
***
RYL_POV."Ryl namumutla ka ah...Hindi kaba nakatulog kagabi?" tanong ni Lita, Oo simula nong panaginip ko hindi naden ako natulog natatakot ako baka mapanaginipan ko na naman.
Napatingin ako kay Mac habang nag aayus ng mga upoan, "Ganun na nga" sabi ko, Pati den sya hindi na natulog dahil sakin.
Kumuha naman ako ng tubig para ibigay kay Mac, Ngunit hindi paman ako nakakalapit nabitawan kona ang basong tubig, Lumabo ang paningin ko dahilan para mapaupo ako sa sahig. "RYL!!" dinig kong sigaw nila.
Bago paman mawalan ako ng malay nakita ko si Mac na tumatakbo papalapit sakin, hanggang sa tuloyang dumilim ang paningin ko.
***
Nagising ako sa isang anino na tumatakip sa liwanag galing sa bintana. "gising kana?" dinig kong sabi, Kinusot ko naman ang mata ko at tinignan ang anino na iyon.
Nakita kong nakadungaw si Mac sa bintana, "anong nangyari?" tanong ko, "Dahil sa puyat bumigay yang katawan mo, wala kang lagnat pero malamig ang katawan mo" sabi nya at umupo sa tabi ko.
Hinawakan nya naman ng noo ko dahilan para mamula ang pisngi ko, "Normal na, hindi kana malamig katulad kanina... nakalimotan mo ring kumain kaya siguro nahimatay ka" sabi nya.
Tumingin naman ako sa labas, Madilim at wala ng tao, "Gabi na" sabi nya, "alam ko... ang haba pala ng tulog ko" sabi ko, "naguguton kaba? dinalhan ka ni Lita ng pagkain baka sakaling gutomin karaw" sabi nya.
Kinuha nya ito at ibinigay sakin, "Lugaw" sabi nya, Kinuha ko naman ito at kinain.
Akala ko hindi ko na iyon mapapaniginipan, pero bakit biglang bumalik?.