RYL_POV.
Agad naman akong natauhan ng biglang bumusina ng malakas ang sasakyan na dumaan. "Mac!" sigaw ko. Agad naman akong tumakbo at hinawakan sya. "Sasamahan na kita makauwi" sabi ko.
Agad ko namang tinawagan si Jay para sundoin kami.
*meanwhile...
"Tika nga bat ba mag kasama kayo nyan? wag mong sabihin na nilasing mo yan!!" sabi ni Jay habang nasadaan ang tingin. "Hindi nho" sabi ko naman habang sinasalo ang ulo ni Mac. Tulog kasi ito.
"Eh bat mag kasama kayo?" ulit nyang tanong, "Nabun-go ko lang sya, diko naman alam na sya yun... eh alangan naman iwanan ko sya sa daan eh kamuntikan na nga sya mabangga" sabi ko.
"So ano? Iuuwi ba naten sya o sa bahay mo nalang, Total wala naman si tita tyaka malapit na yung bahay mo dito kisa sakanya" sabi ni Jay.
muling namang sumagi sakin ang Nangyari kanina, "oi" agad naman akong napatingin kay Jay, "sa bahay ko nalang" agad na sabi ko.
*meanwhile...
Nasa bahay na kami tinulongan ako ni Jay na Alalayan si Mac hanggang sa mahiga sya sa Kama ko, "Jay" sabi ko ng papaalis na sya. "pwedi bang dito ka mona" pagmamakaawa ko, "Oo naman" usal nya.
"may e k'kwinto ako sayo" sabi ko at agad na hinatak sya sa sala.
----
"wtf!! kiniss mo sya?" gulat nyang sabi. "lasing ako nun" sabi ko naman "kahit naaaa..." sabi nya.
"kilala mo ako hindi ko alam ang pinag gagawa ko tuwing lasing ako, malay ko ba" pabulong kong sabi, "Tapos ngayon inuwi mo pa sya, Ano ngayon iisipin nya" sabi ni Jas.
"ehh ikaw nag sabi na dito nag agree lang ako" sabi ko, "eh hindi ko naman alam na may halikan na nangyari" sabi nya.
KINABUKASAN...
MAC_POV.
"Aray ko!" sabi ko habang napasapo sa noo, Inilibot ko naman ang paningin ko, "nasaan ako?" usal ko habang papaupo sa kama.
Nakita ko naman ang litrato na nakapatung sa lamisa, Agad akong tumayo at kinuha ang jacket at mga gamit ko tyaka binuksan ang pinto, Nagulat naman ako ng makita kong inaagaw ni Ryl ang isda sa pusa.
"sabing akin tu!!!!" sigaw nya. Agad naman syang tumingin sakin, "halah, Nagising ba kita?" sabi nya at tumayo.
"yung isda mo" turo ko sa pusa, "ahh ok lang yan" sabi nya habang napakamot, "gutom kana ba?' tanong nya. "ha?" sabi ko, "tika lang, maupo ka mona ipagluluto kita ng sinigang" sabi nya at hindi paman ako nag sasalita agad na syang kumaripas ng takbo papuntang kusina.
(ano bang ginawa ko at napunta ako rito?) tanong ko sa sarili.
"Masarap ba?" tanong nya nong tinikman ko ang luto nya, Actually subrang asin pero dahil sa pinaghirapan nya yun Tumango nalang ako.
"Nag jojoke kaba?" agarang tanong nya, "ha?" sabi ko, "Ang asin kaya? Tika bat naging ganito kanina hindi naman ganito tu kaasin" sabi nya.
Napangisi naman ako ng Marinig ito, "Ok lang at least may lasa" sabi ko, "pwedi bang mag request?" sabi nya napatingin naman ako ng madinig iyon. "Pwedi bang araw arawin mong ngumiti?" sabi nya.
Napatingin lang ako ng sabihin nya iyon. Iwan pero pag kasama ko sya magaan ang pakiramdam ko feeling ko masarap syang kausap.
----
Nasa train station ako ng e on ko ang cp ko nanlaki naman ang mata ko ng makitang 121 missed call na ang nag notif sa cp ko.
Agad ko naman tinawagan si Kuya, "Bakit?" panimula ko habang may halong pagtataka. "Sorry na!!!" iyak nyang sabi, "Ha?" pagtataka ko, "Sorry talaga" sabi nya.
"Tika nga, Baba nako, wait hintayin mo ko dyan, dadaan ako sa bahay" sabi ko at dali daling bumaba ng train.
***
"Ano? Nagalit ako?" tanong ko, Dalawa naman silang sabay na tumango, "kilan? bakit?" muling tanong ko, "Kasi sumigaw kami" sabay uli nilang sabi.
"ahh... lasing lang ako nun" pag kamot ko naman sa batok, "Pero kahit naaa" iyak nasabi ni Kuya, "nasaktan kapaden namin" pag aalala naman ni Maron. "ayus lang ako" sabi ko.
Napatingin naman sila sakin, "totoo ayus lang talaga ako" sabi ko, "lagi mo naman yan sinasabi eh" sabi ni Maron at inirapan ako.
***Meanwhile...
-
-Papasok na ako ng apartment ng makasalubong ko sa pinto si Trisha. "Oh!" gulat nyang sabi, "May shooting ka?" sabi ko habang tinitignan ang porma nya.
"ahh...yea" sabi nya, "ah" sabi ko lang at pumasok, Pumasok den sya at sumunod sakin, "nasaan ka kagabi?" tanong nya. "sa bahay" sabi ko, "pero tumawag si Kuya, Pumunta den dito kagabi si Maron hinahanap ka nila" sabi nya.
"Sa Kakilala" sabi ko at uminom ng tubig, "sleep over?" sabi nya, "Sabihin na nateng ganun" sabi ko at tumingin, "ahhh...Ok, cge una nako" sabi nya at umalis na. "ano yun? interview?" tingin kong sabi at uminom uli ng tubig.
***Office.
Habang ang nag pophotoshoot sila hindi nasa upuan naman ako at tinitignan ang mga bagong larawan ni Ryl, "Kahit anong design bagay sakanya ano satingin mo sir Mac?" tanong ni Raya.
Tumango nalang ako bilang balik sa tanong nya, Anyway tama naman bagay naman talaga, "OK DONE!" sigaw ni Calex habang nag uunat.
Tumakbo naman sa dereksyon ko si Ryl at umupo sa tabi ko, "hmm? gwapo ba?" tanong nya habang naka ngisi sakin, Tumingin lang ako ng seryuso at huminga ng malalim.
"Tyak! pangunahing team na naman tayo sa month natu" sabi ni Calex, "Sinabi mo pa" sabi naman ni Aj at umupo sa kabilang upoan. "hayy sana bigyan tayo ng break" pag uunat nasabi ni Raya.
"Bakit? pag nanalo ba ang team bibigyan ng reward?" tanong ni Ryl habang nakatingin sakin, "ganun na nga, Halimbawa yung team naten ang mas maaga matapos,Maganda ang gawa at masasabing perfect sa lahat, Bibigyan ng rewards" sabi ni Gelo.
"Tulad ng ano?" nakatingin paden sakin na tanong ni Ryl, Tumingin naman ako na para bang naiilang (actually naiilang na talaga ako)
"Malaking sweldo" sabi ni Calex.
"party" sabi naman ni Raya.
"Trip sa ibang bansa" sani naman ni Aj.
"Break!" usal ko naman na nagpa akit ng attention sa lahat, Nakita ko naman ang puppy eyes ni Ryl na mas lalong nag pa ilang sakin.
"Gusto ko yun" nguso nyang sabi, "actually Ryl lahat naman yun mararanasan mo ikaw kaya ang Star, Dahil sa model sisikat ang magazine na pinagawa ng customer, so lahat ng Gusto mo makukuha mo" sabi ni Calex.