C8

1 0 0
                                    

RYL_POV.

"Saan paba kayo nag punta? kala koba sa C'shop lang kayo bat umabot ng 9pm yang usapan nyo?" salubong namin ni tita.

Pero hindi ko sya napansin, Lutang paden ako sa natuklasan ko, Hindi ko alam kong Pano ipapaalam sa taong......

"gusto nya" Bigla naman bumalik ang pag iisip ko ng madinig iyon, "ha? anong gusto" pag lingi ko, Nakita ko naman si tita na nabubulonan sa laway nya. "Wdym? Jay?" tanong ni Tita.

"sabi ko... Pumunta kami sa bahay nong boss na gusto nya" naka Cross arms nasabi ni Jay, "tika!! anong gusto? wdym?" tanong ko habang namumula.

'oh tiba nga sabi mo, para sakin perfect husband sya, tapos yung mata mo dun kanina parang bituwin, pakislap kislap... tapos dinig na dinig ko pa yang butterfly mo sa tyan mo" sabi nya at umirap sakin.

"wait sinong boss ba ang tinutukoy mo?" tanong ni Tita kay Jay,  Agad naman akong pumunta kay Jay at tinikom ko ang bunganga nya gamit ang kamay ko. "hmm... hmmm" sabi nya.

Hinatak ko naman sya papuntang kwarto at nilock ko ito. "nababaliw kana ba Jay!!!!" inis kong sabi, Umupo naman sya sa kama at inirapan ako, "sino ba saten ang nababaliw kakaisip sa boss nya?" sabi nito.

"hindi ko sya gusto ok, Concern lang ako" pagtatangi ko, "Concern hmm, Lumang style nayan bff, Nakakasuka madinig" sabi ni Jay at lumapit sakin 

"kilala kita Ryl, Alam ko kong pano ka mag kagusto sa isang tao, Alam mo naman diba na ako lang ang taong pinag sasabihan mo ng kong ano ano?... memoryado ko na yang kilos at pag iisip mo Ryl sa tuwing mag kakagusto ka" sabi sakin ni Jay.

Nanatili akong tulala at tikom ang bibig hindi ko alam kong anong sasabihin ko, "Gusto ko ba talaga sya?" tanong ko Hindi ko den kasi alam. "Bakit hindi mo alamin total puso mo yan" sabi nya.

"Sige ganito nalang saan ba nag umpisa yang pagiging weird na kilos mo?" sabi nya ng makita akong nahihirapan. "hmm?... sa train?" pag iisip ko. "Train?" taas kilay nasabi ni Jay.

"Oo, naalala mo nong last takas ko kay tita?... Yung nahuli mo ko sa train station, Yun yung araw ng unang pag kikita namin... kasu lang nasa awkward situation kami" namumula kong sabi at nag kamot ng batok.

"Mukhang pangit ang naiisip ko" sabi nya at napasapu sa noo nya, "ahh hindi naman sa ganong kapangit" sabi ko ng nahihiya. "puno na kasi ang train kaya-" "WAG MONG SABIHIN INUPOAN MO SYA? YUCK!!!" sigaw ni Jay.

"Hindi!, Pero nasa sulok ako non tyaka nasa harapan ko sya sakin sya nakatingin, tulad nga ng sinabi ko maraming tao nun siksikan kaya naman nag dikit ang katawan namin pero pwera mukha... hindi naman kami nag dikit mukha, katawan lang talaga" sabi ko.

"Mukhang na imagine ko ahh" sabi nya habang nasa noo ang kamay nito.  "Hehe... tapos ayun na dun na nag simula ang pag ka weirdo ko" sabi ko at napayuko. "anong ka werdohan naman?" sabi nya at umupo ulit.

Lumapit ako at umupo sa tabi nya, "Nakaramdam ako ng init sa katawan, Hindi ko mapigilan na hindi amoyin ang leeg nya... Tapos hindi ko alam na nakatitig ako kay Mac habang mag kadikit ang katawan namin" sabi ko.

"sinamantala mo talaga ha? Gwapo bayang sir mo para mabaliw ka dyan?" sabi nya, "Oo" sabi ko, "Alam mo ba nong una nag taka talaga ako, Ni hindi ko alam na magkakagusto ako sa kauri ko like... ang alam ko lalaki ako, Ilang babae na ang nakaka date ko may limang ex gf ako, tas biglang BOOM!! nag kagusto ako sa lalaki" sabi ko.

"Yan yung sinasabing pag tinamaan ka sapol ka, Bukol pag katapos, Ang pag mamahal kahit iwasan mo darating, At pag natamaan ka kahit anong gender ng magustohan mo wala kang magagawa kasi nga powerful ang love... kahit paulit ulit mo iwasan mas lalong lumalakas, So anong plano mo?" sabi nya.

"Hindi ko alam" sabi ko at nahiga, "Nalulungkot ako para sakanya" sabi ko at ipinikit ang mata ko.

***studio.

"Ryl!" Bigla naman bumalik ang katinuan ko ng madinig ang pangalan ko, "Start na tayo... ayus ka lang ba?" tanong ni Aj. "ahh oo" sabi ko naman, Tumingin naman ako sa dereksyon ni Mac at nakaupo sya sa upoan habang tinitignan ang mga papel na nasa misa.

***office.

"Isang kuha nalang namin sayo Ryl Matatapos na ang shooting naten" sabi ni Calex habang tinitignan ang mga pictures sa camera.

"ayy ano bayan, talaga bang 5days kalang dito Ryl? Hmm nakakalungkot naman" sabi naman ni Raya. "Sabi ni Chairman model na sya sa Kompanya" sabi ni Karin. "Hindi ang ibig sabihin ni Raya, Malapit na syang lumipat ng department... Hindi ba Ryl" sabi ni Gelo.

(Pano yan kong lilipat ako mas malalayo ako kay Mac, Pano ko masasabing ang asawa nya ay-) bulong ng utak ko.

Nagulat naman ako ng makitang malapit sa mukha ko si Karin, "Alam mo kanina kapa wala sa sarili ayus kalang ba?" sabi ni Aj. Napalingi naman ako kay Mac, At nasa tabi ko sya at nakakunot noo.

"ha? ehh wala... meron lang ako iniisip" sabi ko at napakamot ng batok. "Ohhh mukhang nag kakatuwaan kayo dito ah" pag dating ng isang payat na lalaki.

"Sir Rafael" sabi ni Karin, Gulat na gulat ang lahat habang nakatayu, Pwera kay Mac bumalik kasi sya sa pwesto at nanatiling nakaupo, Focus sya sa computer nya at para bang walang dumating.

"Sino ka naman?" tukoy nya sakin, "ahh model po sya rito" sabi ni Karin, "oww bago? Dito ka sa team natu naka asign?" pagtaas ng kilay nya.

"opo" sabi ko, "Malas mo naman, lalo pa ngayon... na mapapalitan na si Chairman, Team7 mag paka aso nalang kayo...Hindi ba Mac whahahaha"  malademonyo nyang tawa at umalis.

"kahit kailan talaga ang lalaking yun, Ang sarap nyang isaw saw sa suka" sabi ni Karin. "papalitan si Chairman?" tanong ko. "Masamang balita, May sakit kasi ngayon si Chairman at dahil nga hindi pweding walang mag manage nito'

"papalitan mona sya ng apo nya, Nakilala mo na sya hindi ba?" tanong ni Ms. Karin, "ahhh" sabi ko, Bigla naman nanlaki ang mata ko ng ma realize na.

ang lalaki na katagpo ng wife ni Mac ay... yung "APO NI CHAIRMAN!"  gulat kong sabi. (kaya naman pala pamelyar ang mukha nya... tika) Bigla naman ako napatingin kay Mac.

nakatingin den sya sakin na para bang confuse sya sa kinikilos ko, "Mac pwedi ba kitang makausap" sabi ko ng walang pag alinlangan. "tayo lang sana.... kong pwedi" sabi ko.

The Truth of: FALLING in LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon