C17

1 0 0
                                    

A/N_pov.

KINABUKASAN...

Lahat ay nag kakasiyahan para sa pasasalamat, Nasa sulok ang dalawa at tinitignan lang ang mga nangyayari.

"kumusta pakiramdam mo?" tanong ni Mac sa binata. "ayie concern" sabi nya habang nakangiti sakin tinignan lang ni Mac si Ryl. "Pinagtatawanan mo ko kasi nag aalala ako sayo?" seryusong sabi ni Mac.

"ahh...h'hindi naman" nauutal nasabi ni Ryl. (kong ganun nag aalala na nga talaga sya sakin) bulong ni Ryl habang namumula. "Mac, pinapatawag ka ni itay" sabi ni Lita. Tumango lang si Mac at umalis na.

"Bakit ata hindi ka kumikibo riyan Ryl, ayus naba ang pakiramdam mo?" tanong nya sakin, "ahh oo naman" pag kakamot ko ng ulo, "eh bat yata namumula ka?" muling tanong nya.

"Ha? hindi kaya" sabi ko at kinagat ang labi ko, "Talagang matipuno si Mac" sabi nya, Tinitignan kasi namin ang di kalayoan na si Mac, Tinutulongan nya ang mga kalalakihan na mag buhat.

"Oo nga" sabi ko (pasinsyana hindi kasi ako kasing lakas nya huhu) "alam mo ba kinaya ka nyang buhatin" sabi ni Lita habang masayang nakatingin sakin. "Ha? talaga? binuhat nya ako?" sunod sunod kong tanong at muli na namang namula.

***
KINAGABIHAN...

"Totoo ba?... na ikaw ang nag buhat sakin?" nahihiya kong tanong. "kong nagugutom ka kumain ka, kong napapagud ka mag pahinga ka, wag mong hahayaan ang pangangatawan mo, Ang gaan mo para kang babae!" seryuso nyang sabi at pumasok sa bahay.

"magaan? babae? seryuso kaba!" sigaw ko. "Pumasok kana wag kang magtititili dyan, baka isipin nila may pusang ligaw" sabi nya. "nang aasar kaba!" sigaw ko uli.

(umaarti ba akong babae? excuse me hindi ako babae at hindi ako umaarti, Ang pagkakaalam ko lalaki ako, kasalanan ko bang gwapo sya kaya nababakla ako sakanya) Inis kong usal sa utak.

"hoy babae pasok na!" pag dungaw nya sa bintana.

MAC_POV.

Hindi ko alam pero komportable na ako sakanya, siguro dahil naalala ko sakanya ang kaibigan ko, ang sarap nyang asarin tulad ng bff ko.

"Ang saya mo ah" sabi nya ng pumasok sya sa kwarto. "Makagat ka sana ng ipis!" sabi nya at humiga. 
Umupo ako sa gilid ng kama at tumingin sakanya, Nakatalikod sya ngayon.

***

Isang araw bago ang alis...

"TARA NA SIR MAC!!' sigaw nya sakin habang nagtatatakbo kasama ang mga kabataan, Papunta kami sa ilog. "Sana makahuli tayo ng malalaking isda" usal ni Kalo.

"OHHMYYYY!!!! ANG GANDA!!!" sigaw nya habang nasa malayo, "mag iingat kayo, Isang paki alalayan ang kuya Ryl nyo!!!" sigaw naman ni Lita. "OPOOOOOO!!!" sigaw nilang lahat.

Naupo kami sa malaking bato, ang ilalim nito ang pinakamalalim na parti ng ilog, "marunong kaba?" sabi ni Kalo at binigyan ako ng ood.

"susubokan ko" sabi ko at inilagay ang ood sa panghuli ng isda. Ilang minuto lang ay sabay kaming napaangat, Maliit na isda ang nakuha nya, At malaki naman ang nakuha ko.

"WOWWW!!!" sigaw ni Ryl habang tumatakbo papalapit samin, hinawakan nya ang kamay ko at tumingin ng masaya. "grabi galing mo naman" sabi nya habang nakangiti sakin.

(Iwan pero bakit ang sarap makarinig ng magandang salita mula sakanya)

Nginitian ko sya bilang balik at kinuha ko ang isda para ilagay sa balding dala namin. "BILISAN MO DYAN AT MALIGO NA TAYO!!!" sabi nya at nag hubad sa harapan ko.

Napalunok ako at tumingin sa malayo ng makita ang katawan nya hugis babae ito, walang abs pedo napaputi at makinis. "Iba talaga ang taga manila anoh, Maganda na mukha maganda pa katawan" usal ni Kalo.

"mauna kana susunod ako" sabi ko, maiba lang ng topic, Hindi ko alam na nang iinit ulit ang tinga ko. "Bilisan mo na dyan!!!" sabi nya at tumakbo pabalik.

***

Pahapon na pabalik na kami, Nakita ko ang nginig nya dahil subrang lamig talaga. Hinubad ko ang dalang jacket ko at itinapon sa mukha nya.

"Malamig!" sabi nya, "kaya nga isuot mo" sabi ko, "ehh malamig nga pano ka?, basa karin!!" sabi nya habang inaabot ang jacket pabalik. "Hindi ako kagaya mo, BABAE!" sabi ko.

Nag iba naman sya ng expresyon ng mukha, "Hahahaha nakakatuwa kayo tignan" usal ni Kalo at tinapik ang brasu ko.

KINAGABIHAN...

Nasa labas paren ako at nagpapahangin, Gusto ko monang sulitin tu bago kami umuwi pabalik ng manila.

"kape mo!" usal ni Ryl at umupo sa tabi ko, "Kala ko tulog kana" sabi ko at kinuha ang kape. "Hindi ako makatulog, Mamimiss ko ang lugar na ito" sabi nya ng malungkot.

"Ako ren" usal ko, (actually lately hindi na ako natatakot mag labas ng saloobin, siguro dahil nararamdaman kong may nakikinig na sakin sa lahat ng mga hinanakit ko)

"Bukas balik na naman tayo sa simula, Pagagalitan na naman ako" sabi nya habang sinasabonutan ang sarili. "babalik na naman" sabi ko naman, Tumingin sya sakin ng seryuso.

"Sinabi mo na ba sakanya?" tanong nya, "ang alin? at kanino?" tanong ko, 'sa Wife mo, tungkol sa-" Hindi paman nya natatapos ang salita tumayo na ako.

"Natatakot kaba?" muling sabi nya na nagpahinto sakin "alam kong ayaw mo ng gulo... ang gusto mo lang mabuhay ng mapayapa at gawin ang nararapat gawin, Pero hindi naman tama na hayaan mo ang asawa mo na pagtaksilan ka" sabi nya.

"Mac... hindi mo yun dsrv, Mabuti kang tao, kahanga hanga ka sa lahat, marami kanang malungkot na pinagdadaanan wag mo ng pabigatin" sabi nya uli.

Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko sa oras na ito kong magagalit ba ako o sasaya?, Kita ko ang lungkot sa mukha nya na para bang mas nasasaktan sya kisa sakin.

"Piliin mo kong anong gusto mo Mac, e let go mona ang mga taong walang ginawa kundi saktan ka" huling sabi nya at lumapit sakin.

Tinapik nya ang brasu ko at pumasok na sa Bahay. Naupo ako ulit. "madali lang sabihin, mahirap gawin" sabi ko nalang at tumingin sa taas.

The Truth of: FALLING in LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon