RYL POV.
CONTINUE...
"alam mo ba, Hindi ko naranasan na maging masaya nong bata ako, Naka nakakaingit ang mga batang yan" Malungkot na usal nya. tinignan ko lang sya ng seryuso at nag kunot noo.
"hindi kasi ako lumalabas ng bahay" Tingin nyang sabi, "bakit naman?" seryusong sabi ko, "ganun na ba tayo ka close para ikwinto ko ang buhay ko sayo?" sabi nya, Napangiwi naman ako ng sabihin nya iyon.
"eh?... nakakainis tu, sinimulan mo na kasi kaya taposin moooo" sabi ko habang nakanguso.Tinignan nya lang ako ang nag smark, "kwinto naaa" kulit kong sabi.
"Pangalawa ako, Walong taon ang tanda ni Kuya sakin, Limang taon naman ang tanda ko sa bunso namin. Nakatira lang kami sa maliit na kubo, Sakto lang para sa lima katao"
"Mangingisda ang tatay ko, si Mama naman nangangalakal, Sakto lang ang kinikita ng magulang ko para sa pag kain namin, Pero kahit ganun, Masaya paden ang bahay dahil sa kuya at bunso namin, Mahilig kasi silang mag bangayan kahit ngayon"
"yung kuya ko ang laging talo kasi sya ang iyakin minana nya iyon sa Papa ko, Iyakin den kasi ang papa ko, Yung bunso naman namin ang nag mana kay mama, Napaka tapang nya kahit maliit palang"
"May Nag kalat na sakit noon, Na syang ikinamatay ng papa ko, Yung bahay na matibay bigla nalang naging marupok sa pag kawala nya, Nabawasan naden ang ingay sa bahay"
"Tuwing gabi, lagi kong naririnig ang iyak ni Mama, Sinisigawan sya ng bunso namin na "Mama bukas umiyak gabi na!!" sabi ni Maron, Hindi alam ni Maron na subrang sakit mawalan ng asawa at mapunta sayo ang pangangalaga ng naiwan"
"12yrs old kita ko ang pawis ni Mama habang binubuhat ang isang sakong puno ng plastic para lang mabinta nya at may kainin"
"kaya naman ipinangako ko na magtatapos ako at mag kakaroon ng trabaho at ilalayo ang mama ko sa kanyang kinasanayang trabaho"
"Kaya hindi na ako lumabas, at nanatili nalang akong nag aaral sa loob ng bahay, Ni hindi ko kayang makipag laro sa bunso namin, Dahil mas inuuna ko ang lebro kisa sakanya, Yung kuya ko naman hindi nya tinapos ang highschool at agad na nag trabaho para lang matulongan ako at may makain kami"
"Kaya siguro introvert" sabi ko naman, "kasi hindi mo naranasan na maki halo bilo sa ibang tao" sabi ko, 'Ang galing kasi napaka tapang mo" sabi ko.
Tumingin lang sya sakin at ngumisi, "eh ikaw?" sabi nya, "ako? hmmm, Naranasan kong makipag kaibigan, Kasu lang walang nag tatagal, Lahat kasi ng tinuturing kong pamilya nawawala bigla, 7yrs old ako ng mamatay ang magulang ko sa parehong aksedenti" sabi ko.
"anong klasing aksedenti?" tanong nya, "car accident!, kaya simula noon si tita na ang nag palaki sakin, At si Jay lang ang Kaibigan na nanatili sa tabi ko, kaya Subra akong spoil at papansin kasi pangarap ko na mag karoon ng malaking malaking pamilya, yung tipong subrang ingay" pagtatapos ko.
(sana hindi na matapos ang araw)
Nanatili kaming nakaupo hanggang sa lumubog ang araw.
***
KINABUKASAN...
"alam mo ba napaka ganda ng katawan mo hugis babae" sabi ni Inday, Nasa kusina kasi kami at nag hahanda ng kakainin.
"kong babae kalang tiyak maraming binata na mag kakaintiris sayo" sabi ni Lita, "Hindi bat modelo ka?" sabi ni Ining. Tumango naman ako.
"Magaling na mananahi ang mga kababaihan dito, Lalo na itong si Lita" sabi ni Ining, "Lita. Bakit hindi mo ipasuot sakanya ang iyong natapos na damit?" sabi ni Inday. "ano ba naman kayo... pangbabae lang ang mga damit na itinahi ko" sabi ni Lita.
"Ayus lang" sabi ko, "ha? ayus lang?' sabi ni Ining, "Oo... sa pag momodelo Walang pinipiling damit, Malay mo Lita bumagay sakin, sabi nga nya pangbabae ang sukat ng katawan ko" sabi ko.
"talaga?" usal ni lita, "sige na Lita kunin mo na at para makita naten ang ganda ni Ryl" Galak nasabi ni Ining.
Kumaripas naman ng takbo si Lita para kunin ang mga damit.
***
"ang ganda mo" sabi ni Lita "tiyak sasabihin den iyan ng mga kalalakihan dito" sabi ni Inday. "talaga?" sabi ko.-Oras na para ihanda ang pag kain na niluto namin, Marami na ang taong nag hihintay sa labas para sa pag Kain, Naroon den si Mac at nakikipag usap kila Mang Ising. Isa isa inilabas ang pag kain.
Nanahimik naman ang paligid ng lumabas ako, Kita sa mga tao ang kinang ng mga mata nila habang nakatingin sakin, (Isa lang naman yung gusto kong makitang reaksyon yung kay Mac).
Nakangiti ako habang nakaharap sakanya, Iwan pero hindi sya naka smile ngayon pero kita sa mata nya ang magandang katulad ko. (iwan delulu lang talaga ako).
"Abay Ryl bagay na bagay sayo ang suot mo" sigaw ni Mang Ising, "hindi ba Mac?" sabi nito kay Mac, Kinuha lang ni Mac ang tubig nya at tinignan ako tyaka uminom.
"ano kaba naman Mac, sabihin mo den na maganda sya hindi ba mga kabaryo?" sigaw ni Mang Ising, "Oo naman!!!!" sigaw nila. Napangiwi naman ako ng makitang hindi sakin ang focus ni Mac.
(Grabi wala talagang kaemo emosyon ang taong tu. Mabulonan ka sana dyan sa iniinom mo) bulong ko.