RYL_POV."pag pasinsyahan nyo uli, Banig lang ang meron kami" sabi ni Lita habang ipinapakita ang iisang higaan.
"Saan banda mo gusto?" tanong ni Mac, "kahit saan" sabi ko, Humiga naman sya sa gilid at umupo naman ako sa kabila.
Huminga ako ng malalim tyaka humiga, Iniiwasan kong idikit ang sarili ko sakatawan nya kaya Palunok lunok akong umaatras.
"Aalis ba agad tayo bukas?" tanong ko, "malayo pa ang baryo ang sabi ni Lita, Sa lengo den dadaan ang bus na asul pamaynila, kaya mananatili mona tayo rito" sabi naman ni Mac habang nakapikit.
---
Napamulat ako sa liwanag na dumadapo sa mukha ko, Subrang lamig at ingay sa labas kaya naman napa tayo ako at napasilip sa bintana.
"Woww!!" sabi ko habang nakangiti, Kitang kita ang Sunrise, Kita den ang magandang tanawin sa paligid. "gising kana pala" napalingi naman ako sa labas na nag salita.
Nakita ko si Mac na nakaupo sa labas ng bintana kasalo ang mga kalalakihan roon. Kaya agad akong lumabas. "kanina kapa gising?" galak kong sabi, "ganun na nga" sabi nya, Itinulak ko naman sya at naupo sa tabi nya.
"araw araw po ba ganyan kaganda ang sasalubong sainyo umaga?" tanong ko sa mga lalaki, "ganun na nga, minsan maulan pero maganda den ang pag buhos ng ulan" sabi ni Kalo.
"Oh" abot ni Mac sa kape nya, "ha?" gulat kong tanong, "para sa isang katulad mo mahirap mag tipla rito ng Kape... mahabang proseso kaya ito" abot nya. "gawa sa bigas ang kape namin rito" sabi ni Lita na kararating lang.
"Akin na tulongan na kita" sabi naman ni Mac at kinuha ang dala dalang gulay ni Lita, "Ahh salamat" sabi nya, (may kakaiba sa ngiti nya ah, type den ba nya si Mac?) "bakit ka naman napangiwi dyan? mapait ba?" tanong ni Kalo.
Agad ko namang inayus ang mukha ko, "Hindi... hehe masarap" (lalo na timpla ito ni Mac tyaka kape nya den ito) napangiti naman ako ng maisip ko yun. "Alam mo ba ganyan den ako kagwapo at kamistiso nong kabataan ko" sabi naman ni mang Ramon.
"Itigil mo nga yan, Eh mas maitim kapa sa kapeng bigas nong kabataan mo" sabi naman ni Mang Ising, Nag tawanan naman kami at napadpad na naman ang mata ko sa nakangising si Mac.
Wow ha inaaraw araw nya na talagang ngumisi...
---
"Ano isa kang Modelo?" tanong ni Mang Ising sakin, dahil sa sabi nya Lahat naman ng tao sa paligid ay napunta sakin ang tingin."ganun na nga" ngisi kong sabi habang nag kakamot, "may artista pala tayong panauhin dini" sabi naman ni Kalo, Nag si lapitan naman samin ang mga tao.
"Kaya naman pala ganyan ang kutis mo iho" sabi ng babae habang hinahawakan ako. "dalaga pa ako" ngiting sabi ng matandang walang ngipin.
Napatingin naman ako kay Mac na halos mawala na ang mata sa kakatawa. "Masaya ka dyan ah" inis kong sabi (pero deep inside nahuhulog na sa ngiti nya).
"Lorita itigil mo nga, sampo na ang iyong apo... naku kong madinig iyon ni pareng Taoy naku!! mumultohin kanun" sabi naman Ni mang Ising sa matandang kaharap ko. "nag bebero lamang ikaw naman!" sabi nito.
"ikaw Mac anong trabaho mo?" tanong ni Lita na parabang intirisado ito, (inis nako rito) "ahh taga perma lang!" sabi nya, Tyak kasing hindi maiintindihan ng mga tao rito ang word na Manager.
"Akala ko naman artista den, Gwapo ka kasi at matipuno, Matangkad den at kaaya ayang pag masdan" sabi ni Lita,(kong pektusin kaya kita) bigla naman akong nag seryuso ng madinig iyon. "tama ka Lita, Kamahalmahal ang kanyang mukha" sabi naman ng babaeng kulot.
Tinignan ko naman si Mac, Ni hindi sya nakangiti parang wala syang narinig pero kita sa mata nya na ayaw nya ang usapan. "Kaya nga maganda den ang asawa nya eh" Sabi ko naman. "ha?" sabi ni lita.
"May asawa kana Mac?" sabi ni Mang Ising, "oho" sabi naman ni Mac (hehehe ano ka ngayon lita?)
Kita ko ang pag iba ng expression ng mukha ng mga babaeng kanina pa nakatingin kay Mac.
---
"bakit ka nandito?" tanong ko kay Mac at umupo sa tabi nya. "wala lang Maganda kasi ang tanawin dito walang stress tulad sa manila" sabi nya. "tamaa" sabi ko naman at tumingin sa paligid.
"nakatulog kaba ng maayus kagabi?" tanong ko, "oo" sabi naman nya, "Ako ren, pero ang sakit ng likod ko" sabi ko naman habang inuunat ang katawan ko. "Ganun talaga sanay ka sa kutson eh" sabi nya naman.
"ikaw ren naman ah" sabi ko, "Banig den ang gamit namin noon, Ngayon lang nag kutson" sabi nya.
"Talaga bang working student ka dati?" tanong ko napakunot noo naman sya ng madinig iyon, "ahh Sinabi lang sakin ni Ms. Karin" sabi ko. "ang daldal nya talaga" sabi naman ni Mac.
"Oo" sabi nya, "ang sipag mo, ang swerti ng magulang mo sayo" sabi ko.
"Ang ganda talaga dito, Alam mo ba ganito ang gusto kong maranasan balang araw... yung malayo sa maingay yung walang polosyon at toxic na mga tao" sabi ko.
"Tapos masaya lang sa paligid, mga matatandang nag beberoan, May mga babaeng pinag uusapan ang isang binata... at mga batang malayang mag laro" nakangiti kong sabi at tumingin sakanya.