A/N_POV.
Lahat ay busy dahil sa deadline na ibinigay ni Mac sa team. Nakaupo si Ryl sa harapan ng misa ni Mac.
"Bakit kanga pala nandito?" nagulat naman si Ryl ng mag salita si Mac habang pumiperma ito sa mga papel.
(Tika napansin nya bang tinitignan ko sya kanina pa?) -bulong ni Ryl sa utak nya, "Pag kakaalam ko binigyan kita ng schedule" huminto saglit si Mac at tumingin sa mga mata ni Ryl.
"Nakasaad dun bukas kapa kukunan ng photoshoot" pagtatapos nya. "ha? ahmm kasi... hmm tama! Pinapunta ako ni chairman" napakamot naman si Ryl habang hindi mapalagay.
(Ano nga bang ginagawa ko rito? Ryl ang ingot mo talaga!!) -muling bulong nya. "si Chairman? nasa meeting sya" sabi ng sekretarya ni Chairman na kararating lng.
"ha?" sabi ni Ryl habang pinagpapawisan. "yung matanda yung oo... siguro nakalimotan nya nanaman hayyy lately ulyanin na sya ha" lapit nyang sabi kay Ryl. "Gusto mo tawagan ko-" Napahinto sya sa pagsasalita ng tumayo si Ryl bigla.
"HINDI!!" tayong sabi ni Ryl, nagulat naman sila at napatingin kay Ryl, napansin ni Ryl natinitignan sya ni Mac na para bang iniimbistigahan sya.
"ahh..." pag kamot ng ulo ni Ryl. "I mean wag na" sabi ni Ryl at tumawa, "ahh ehh dapat sinabi mo nalang hindi yung nanggugulat ka, Ikaw talaga" sabi ng sekretarya at pinalo si Ryl.
"Ms.Karin, wag mong upoan yan!" sambit ni Mac, Napatayo naman si Karin "ayy sorry Robot" sabi nya.
"Robot" tanong ni Ryl. "ahh..yan kasi yung tawag namin sakanya, kong mag salita kasi sya parang isang robot, yung tipong hindi kayang makabasag pinggan" sabi ni Karin ang secretary ni Chairman.
Huminga lang ng malalim si Mac at muling itinuon ang tingin sa mga papel na hawak nya. "Isa payan kong bakit robot ang tawag namin sakanya" usal ni Karin.
"ang alin?" sabi naman ni Ryl at tumingin sa binabasa ni Mac. "yan!, yang pagiging workaholic nya, yung tipong pag upo nya palang agad na nakatutok na sya sa trabaho nya, Tep lng hindi mo sya maiisturbo dahil subrang haba ng pasinsya nya" pag irap ni Karin.
"ganun si sir Mac, Matalino kasi sya at iniisip nya ang mga point para agad kaming matapos sa trabaho at makauwi agad" nakangiting sabi ni Gelo.
"Pogi points yun para sakin" namumulang sabi ni Raya. 'hayy!! tigilan nyo na nga ako mag trabaho na kayo!" sabi ni Mac. "Ayy suss nahihiya na naman sya" usal ni Karin.
Napahinto naman ng usapan ng may dumating bigla, Maangas sya mag lakad Formal ang kasuotan nya, Ang pangit tignan ng aura nya para bang walang nagawang mabuti.
"ahh Sir!" lapait nasabi ni Karin, Napatingin naman si Mac sakanya. "Nasan si Lolo?" tanong ng lalaki, "ahh nasa meeting po sya ngayon" sabi ni Karin habang nakayuko.
Nanahimik ang paligid sa pag dating ng lalaki, Nakatulala naman si Ryl habang tinitignan ang lalaki, nagulat sya ng tignan den sya nito pero ilang segundo lang inalis agad ng lalaki ang tingin nya at dumapo ito kay Mac.
Inirapan lang sya ni Mac at sa halip itinuloy ni Mac ang trabaho nya. "gusto nyo po bang tawagan ko sya" ani ni Karin. "Ahh hindi na, uuwi den naman sya sa bahay... sige mauna nako" pag papaalam nya "sige po mag ingat po kayo" nakayukong sabi ni Karin.
Nang makaalis ang lalaki agad namang bumalik si Karin sa pwesto nya tabi ni Ryl. "hayy delubyo talaga pagbumibisita sya" sabi ni Karin at pinunasan ang Pawis nito. "naku sinabi mo pa" bulong naman ni Calex.
"bakit naman... mukang ok naman sya ah" sabi ni Ryl. "kala mo lang yun bhe!" sabi ni Raya. "Naku!! siguradong pag iinitan kaden nya pag nalaman nyang modelo ka ng team namin" sabi ni Aj.
"ayy oo nga" kagat labing sabi ni Karin, "bakit?" paulit ulit na tanong ni Ryl. Bigla naman sya napatingin kay Mac ng tumayo ito. Hawak ni Mac ang cp nya.
"bakit?" tanong ni Karin, "Babalik ako bago mag 2pm" sabi ni Mac at nag mamadaling sinuot ang jacket nya, kinuha ang bag at lumakad ng mabilis.
"may nangyari na naman kaya?" tanong ni Karin, "wala akong maintindihan" nagugulohang sabi ni Ryl. "halika at ikikwento namin lahat sayo... hali nakayo guy's lunch na tayo" pag akbay naman ni Calex kay Ryl.
*****
RYL_POV.
"wait³!, ibig nyong sabihin kaya nya kayo pinag iinitan dahil kay Mac I mean sir Mac?... Bakit?" pagkagulat ko.
"Si Mac kasi ang kareval ni Sir Warren" usal ni Raya. "pano naman yun e empleyado lang naman si Mac at anak ng CEO si Warren kaya bakit naman napunta ang galit nya kay Mac!, iste sir Mac" sabi ko.
"dahil sa selos malamang" sabi ni Gelo. "bakit galing ba sa mayamang pamilya si Mac kaya pinagseselosan nya ito" bulong ko.
"hindi!" sabay sabay nilang sabi, napaatras naman ako "ok" sabi ko.
"Galing si Robot (Mac) sa mahirap na pamilya, bata palang wala na syang ama kaya naman pinagsabay ni Mac ang pag aaral at pag tatrabaho"
"Kamamatay palang ng anak ni Chairman nun na si William, Mag isa lang si Chairman sa bahay nila dahil nga laking America itong si Warren, Dahil sa pag kamiss sa anak nya"
"Nag lakad lakad ni Chairman sa tabi ng dagat yun kasi ang laging ginagawa ni sir William tuwing palubog ang gabi, swerti naman dahil sa dagat na pinuntahan nya doon nag tatrabaho si Mac bilang tiga pulot ng basura"
"sabi ni Chairman, may ilang mukha raw si Mac na kaparihong kapariho kay Sir William... Kaya natanggal ang lungkot nito tuwing sasapit ang hapon binibisita ni Chairman si Mac sa dagat nayun"
"yung point dito bakit naman nag seselos si sir Warren kay sir Mac kong wala namang intensyon na aagawin ni sir Mac si Chairman" sabi ni Calex.
"pataposin nyo mona kasi ako" sabi ni Karin.
"Itinuring ni Chairman na tunay na anak si Mac, Pinaaral nya si Mac sa maganda at respitadong paaralan, Kong saan umuwi naman ng pilipinas si Warren ang apo chairman'
"nasaksihan nya na close na close talaga itong si Mac kay Chairman, kaya madalas walang time si Chairman sa apo nya, Napansin yun ni Mac kaya naman agad syang lumayo kay Chairman para lang mag karoon ng time ang mag lolo"
"pero hindi paden natapos ang inggit ni Sir Warren kasi, Nong nag transfer si sir Warren sa paaralan na pinapasokan ni Mac, nakita nya kong gano kasikat si Mac" sabi ni karin.
"sikat? kpop idol?" tanong ni Raya, "mala matinee idol, Sikat si Mac dahil subrang pogi nya hindi lang yun, tinalo den ni Mac si Warren sa isang contest na patalinohan" sabi ni Karin.
"tika may picture ako nun ahh, piniktyuran ko kasi yung litrato na nasa table ni Chairman, tika" Paghahalungkat nya sa cp nya.
"ito!!!" Sabi nya sabay pakita samin.
Litrato yun ni Chairman at isang Estudyanteng may hawak na Deploma. "kahit napakaluma ng litrato, makikilala mo talaga kong sino yang mga tao" sabi ni Aj.
"grabiii gwapooo naman ni Sir Mac, New Crush unlock!!!" sabi ni Raya. "noon papala sya ganyan, innocent face tatak talaga sakanya" ngiting sabi ni Gelo.
"Kaya naman pala... Kong ako si Warren mag seselos din ako sa taong tu, Favorite na,Ma bait, Matalino at gwapo pa"
"Gwapo pa!"
"gwapo pa!"
Bigla nalang umulit ang salitang yun sa utak ko, Tyaka kumabog ng mabilis ang puso ko.
Namula ako bigla ng Paulit ulit na sumagi sa utak ko yung nangyari sa train. (tika bakit ba, nangyayari tu sakin!!??? bakit ba paulit ulit ko sya naiisip??) bulong ko.