C10

1 0 0
                                    

MAC_POV.

Nasa bar kami ni Jessa at umiinom, Nandito den ang mga kaibigan namin.

"Hayy kong hindi ikaw ang kakampi ko nun malang panalo ako!" sigaw ni Maron kay Kuya.

"Siguradong mas panalo ako kong hindi lampa ang kakampi ko!" sigaw den ni kuya, Nasa gitna nila ako at naging tahimik ang paligid ng mag simula sila mag bangayan.

"pwedi ba tumigil na nga kayo!!, Pareho naman kayong talunan!!" sigae ni Jessa. "sshhsss mas talonan yung Bf nho!!" sigaw ni Maron.

"Anong talonan!!! gusto mong buhosan kita ng mantika!!!" sigaw ni Jessa. "sigeeee ngaaaa!!!" sabi nmn ni Maron.

Bigla ko naman hinampas ang lamisa na syang umagaw sa attention ng lahat, Miski si Jessa napatingin sakin, Lalo na ang nasa tabi ko.

"Bakit? masama ba pakiramdam mo Mac?" tanong ni Kuya, Napatigil naman sila ng Ibuhos ko ang beer sa basu hanggang sa umapaw ito.

"Oiii ano bang nangyayari sayo?' tanong ni Maron, Tinanggal ko naman ang kamay ni Kuya na nasa basu ko, At ininom ko ito ng walang hinto.

"Mac" pag aalala ni kuya, Muli kong binagsak ang basu sa lamisa at muling sinalinan ito hanggang sa umapaw ulit. "oii ano ba mag papakamatay kaba?" tanong ni Maron.

Tinignan ko sya ng seryuso at ininom uli ang alak. "dahan dahan naman kasi" sabi nya ng mahinahon. "Pag ako ang sumigaw bakit ni isa sainyo walang sumisigaw sakin pabalik?" tanong ko bigla at muling sinalinan ang basu.

"lasing kana ba?" tanong ni Ramon ang kaibigan namin, "May problema ako kaya nag yaya ako uminom, First time ko mag yaya tapos ganito pa? Pwedi bang maranasan ko naman na isang araw na walang sigawan na madidinig?... Alam nyo bang mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko?" pag sisimula ko.

Bigla naman silang na nanahimik. "Hayyysss... kaya ayaw ko mag sabi tuwing may problema ako eh, E kasi wala naman makikinig!" tayo kong sabi.

Kinuha ko ang jacket ko at sinuot ito, "nga pala oi ikaw Maron wag mong sasabihing talonan ang bestfriend ko!!" sabi ko tyaka umalis. Alam kong lasing nako pero hindi ko mapigilan na hindi magalit.

Ngayon lang ako naging ganito, Ni hindi nga ako nalalasing eh, siguro dala na ito ng problema ko.

•RYL_POV•

"SA WAKAS NAKAPAG GALA REN!!!" sigaw ko habang naglalakad ng mapayapa. Habang naglalakad bigla ko naman nabunggo ang isang lalaki at sa hindi naman malakas na pagkakabangga bigla syang napa dapa sa sahig.

"ayy sorry!" sabi ko at hinawakan ang brasu nito, Nanlaki nman ang mata ko ng makitang si Sir Mac ito.  "sir Mac?" pag uumpisa ko. Tumingin lang sya sakin habang nakanguso. "hmm... tinulak moko?" papikit pikit nyang sabi, "hhmm, Amoy alak ka... uminom ka?" sabi ko.

"Bakit? ano naman sayo kong uminom ako?, bawal ba ako uminom at mag pakalasing!?" nasisinuk nyang sabi. "Hayy wala naman akong sinabi ahh, halika nga tumayo kanga!" sabi ko at inalalayan syang tumayo.

"Bitwan mona ko uuwi nano" taboy nya sa kamay ko at naglakad ng pagiwang giwang. "Tika!!" takbo kong sabi. "hmm?" sabi nya, "ano ahmm, Dun den kasi ang daan ko sa Dereksyon mo kaya... sasabayan na kita" pagkakamot ko sa batok.

(Ryl ano ba tung ginagawa mo?, Ehh self gusto ko lang naman makasiguro na aabot tung si Mac sa bahay nya, Nag aalala lang ako self) Bulong ko sa utak ko.

Nabigla naman ako ng bigla syang sumaklay sakin at nilapit ang mukha nya sakin habang nakakunot noo, "Talaga?" tanong nya, Napaatras naman ako ng mukha, "oo" sabi ko at yumuko.

Nagulat uli ako ng hawakan nya ang baba ko at inangat ito, "naaawa kaba sakin?" sabi nya, "ha?" tanong ko habang pinisil nya ang pisngi ko. "Ano yan mas type mo ang matatanda?" sabi nya.

"ha?" muling usal ko, "tks!" at ngumiti, Sa oras nayun napangiti den ako ang cute nya ngumiti, "Bakit ka naka smile?" tanong nya habang nakangisi. "wala... ang cute mo kasi pag nakangiti" mahina kong sabi.

"killer smile ba?" sabi nya. "Pwedi na" natatawa kong sabi, "Mas ok ka pala pag lasing kisa Seryuso" sabi ko, "Seryuso?" tanong nya. "oo... lagi kasing seryuso ang mukha mo hindi ka manlang ngumiti" sabi ko.

"Bakit hindi naba ako gwapo pag hindi nakangiti?" lapit nyang sabi sa mukha ko, "Ha?" sabi ko, "Sabi mo nong lasing ka, gwapo ako  tapos hinalikan mo pako" sabi nya, Tumaas naman ang kilay ko at nanlaki ang mata ko, "Ha? h... hina..Hinalikan kita?" pinagpapawisan kong sabi.

"Oo... hindi ako nakatulog dahil dun" sabi nya at inatras ang mukha, "Sabihin mo nga...Gusto mo ba ako" dugtong nya.

•|flashback|•

"Sir Mac." napatingin naman si Mac sakanya. "may nag sabi naba sayo na subrang hot mo?" lasing nasabi ni Ryl. Napalunok naman si Mac namadinig yun. "lasing ka na nga" usal nito.

"Hindi ha" pag tayo ni Ryl at lumapit kay Mac, "ang gwapo mo" sabi ni Ryl habang mag kalapit ang mga mukha nila.

"pwedi ba kitang halikan?" lasing na usal ni Ryl at uting unting inilapit ni Ryl ang labi nya sa labi ni Mac.

Hanggang sa mabitawan ni Mac ang basu nya at nanlaki ang mata dahil hindi man lang nya napigilan ang binata, Nakadikit paden ang labi ni Ryl kay Mac, Agad naman napalingi si Mac at ganun paden kagulat ang mukha nya.

----
Natutulog na si Ryl at hanggang ngayon nakatulala paren si Mac habang hinahawakan ang labi nito, Hindi nya alam kong bakit hindi nya naiwasan ang halik ng binata.

Mas lumakas palalo ang pintig ng puso nya ng paulit ulit na sumagi sa utak nya ang pag kakadikit ng labi ni Ryl sa labi nya. "nababaliw nako" tanging usal nya.

end of flashback.

"bakit namumula?" sabi nya, "Alam mo lasing kalang" nanlalaki matang sabi ko, "Ay oo nga... sige uuwi nako"  Sabi nya at tinapik ang brasu ko.

Sa pag kakataong ito nanatili akong tulala (kala ko panaginip lang ang lahat ng iyon) bulong ko.

The Truth of: FALLING in LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon