C18

1 0 0
                                    

MAC.

"Totoo ba ang narinig ko Mac?" lumingi naman ako habang papalapit si Mang Ising, "Hindi ko gustong marinig ang lahat, Nakalimotan nyo ata na nariyan lang ako sa pinto" sabi nya.

"Ayus lang ho" sabi ko at uminom ng kape. "sabihin mo nga Mac, Anong tingin mo kay Ryl?" tanong nya, "Si Ryl?" tanong ko, Tumango naman sya at nag hintay ng sagot.

"Maingay, Makulit, Kahit anong maisip nya gagawin nya at hindi iisipin kong anong mangyayari sakanya, padalos dalos sya kaya napapahamak" sabi ko.

"Bilang isang tao may napapansin kabang kakaiba sakanya?" tanong uli nya, "ho? anong kakaiba?" sabi ko.

"Kakaiba ang tingin nya sayo Mac, at alam kong ganun karen, Unang makita ko kayo akala ko mag katrabaho kayo, hanggang sa kwinto nya ang totoong nangyari at dahilan para mapunta kayo dito"

"Mac, Nong mag bihis sya pambabae, kita sa mukha mo ang pagkahumaling, Ganun den nong ibinahagi mo ang iyong buhay nong bata ka, Nong gabing magising ako dahil sa ingay mula sa kwarto na kita ko kong gaano sya natatakot tungkol sa pinanaginip nya"

"akala ko wala lang pero nong nakita kong niyakap ka nya, kitang kita ko ang mukha mo kong gaano kabilis mag bago ng expresyon, Kita ko sa kusina kong gaano ka kumilos, Nong natumba sya sa harapan mo mas lalong naging malinaw ang lahat"

"Kita sa mukha mo ang pagaalala agaran mo syang binuhat, Kaya Mac tama ba ang naiisip ko na nagkakagusto ka sakanya? o sadyang isip ko lang talaga" sabi nya.

"may asawa na ako" mahina kong sabi, "mahal mo ba?" tanong nya, "Hindi ka nakasagot? Mac totoo ba? nag tataksil ang iyong asawa?" tanong nya.

Tumango nalang ako at tumingin sa langit, "Hiwalayan mona, Kong hindi mo mahal mas mabuting taposin mona..." sabi nya at umalis.

***
Pumasok ako ng kwarto, Kita ko kong gaano sya napagud, Tulog na tulog sya na para bang naubos ang lakas sa katawan nya, e-uusog ko sana sya ng hawakan nya ang damit ko at hilain palapit sa kanya, Agad ko naman iyon pinigilan sa pamamagitan ng kamay ko.

Muli kong nadinig ang lakas ng kabog ng puso ko at naramdaman ko naman ang pag init ng Katawan ko, (totoo bang nag kakagusto ako sayo... RYL) bulong ng isip ko.

***

KINABUKASAN...

RYL_POV.

Iwan pero nagising akong wala sa tabi ko si Mac, Oras na para mag paalam, Mahaba ang mga nangyari, Tungkol sa iyakan, pangakoan na bibisitahin uli sila, Pag baon ng mga damit na itinahi ni Lita para sakin, at ngayon ang pag byahe.

Nasa bintana ako nakapwesto tabi ni Mac, wala paren syang kibo hanggang ngayon, Tungkol ba ito sa sinabi ko kagabi. "Mac" usal ko, tinignan nya lang ako ng seryuso. "Pasinsyana nakialam na naman ako" sabi ko.

'Wala yon" sabi nya. "Galit kaba sakin?" random na pagtatanong ko, "Hindi" Hayy naku bumabalik na naman ang pag kakaroon nya ng attitude.

***
TRAIN STATION.

Nakababa na kami ng train agad naman akong binatukan ni Jay, "katangahan mo, sinabi ko naman sayo sira ang kotse ko" sabi nya, "malay ko ba? baka pini playtime mo lang ako" pagkakamot ko.

"salamat, hindi mo iniwan tung baliw na tu" usal ni Jay kay Mac, "MAC!!" sigaw ng babaeng papalapit sakanya.

"Trish? anong ginagawa mo rito?, bat naman kayo nag punta dito e pauwi nako?" usal ni Mac na para bang nahihiya, "NAG ALALA KAMI SAYO!!" sigaw ng lalaki. "Ayus kalang ba? natakot kaba ha sabihin mo kay kuya" usal naman ng isa pang lalaki.

"Hayy.. ayus lang ako" sabi ni Mac, "Tyak gutom ka, halika na para makakain ka na" sabi naman ng matandang babae. Tinignan naman ako ni Mac, "Tara sumama kayo" sabi nya. "ahh hindi na nakakahiya, parating naden si Tita" sabi ko.

"Saglit lang naman" sabi ng matandang babae, "ahh hindi na po, Mauuna naren kami, Mac. Salamat don't worry babayaran kita" sabi ko at hinatak si Jay paalis.

***

"Yun ba yung asawa nya?" sabi ni Jay habang nagmamaniho, "Oo" mahina kong tugon habang malungkot na nakadungaw sa bintana.

"ahh kaya naman pala ayaw mong sumama" linging sabi ni Jay kay Ryl, "hindi iyon ang dahilan" malungkot na usal ni Ryl at tumingin kay Jay. "eh ano?" sabi ni Jay at ibinalik ang tingin sa kalye.

"Mukang malaki na ang abala ko sakanya, Sa byahe palang kita kona na iritable na sya sakin, Ilang oras syang walang kibo...Baka nag sasawa na sya sa pagmumukha ko kaya, Mabuti naden na umiwas mona ako" sabi ko at iniyuko ang ulo.

A/N_POV.

"Buti nalang walang nangyaring masama sainyo" sabi ng matandang babae habang hinihimas ang brasu ni Mac. "Wag mo nayun uulitin ha" seryusong usal ng babae na kaharap nya.

"Kong nasa kalagayan kita alam kong gagawin mo den iy-" Naputol ang salita ni Mac ng biglang tumayo si Trisha, "Alam mo ba kong gaano kami nag alala, wala kaman lang tawag o pasabi manlang, Muntikan na kaming pumunta sa police alam mo ba yun!" galit na usal ni Trisha.

"Hayy sister in law, kumalma ka" sabi naman ni Ron habang inaalalayang umupo si Trisha. "Nakalimotan kong tumawag bago pumunta ron, Sa pag alala sa batang iyon hindi kona inisip ang mangyayari, Bata pa sya ang napaka delekado ang lugar na iyon sakanya" usal ni Mac at uminom ng tubig.

"Tama ka, Kong sakaling mangyari den yun na isa sa katrabaho ko ang mapunta ron gagawin ko den iyon" sabi naman ni Ron, "TUMIGIL KA NGA!!!, TAXI DRIVER KA PANO KA MAG KAKAROON NG KATRABAHO?" malakas na usal ni Maron.

"Tumigil na nga kayo!" sabi naman ng matanda, "ang importanti nakauwi sya ng maayus" sabi ng matanda at malungkot na tuming kay Mac.

***

Nasa kotse si Mac at kanyang asawa, Nasa driving set ang asawa nya at nag mamaniho samantalang nakadungaw naman si Mac sa bintana, Pauwi na sila pero ganun paden katahimik ang dalawa.

Nang makarating na sila sa apartment, Agad namang pumasok si Mac at papunta na sana sa banyo ng biglang mag salita si Trisha.

"Sorry!" usal nya na inilingon ni Mac, "Nadala lang ako ng emosyon... Hindi dapat ako sumigaw" sabi nya, "ayus lang" sabi ni Mac at muli na sanang pupunta si Mac sa banyo ng Yakapin sya ng kanyang asawa.

"Wag mo na iyon ulitin... please lang" sabi ng babae, Tinanggal naman ni Mac ang kamay ng kanyang asawa at humarap sakanya hinawakan ang kamay at tumitigil ng matagal.

"Sorry" mahinang sabi ni Mac, Ngumiti naman si Trisha at niyakap si Mac, Ibinalik ni Mac ang yakap nya at dahan dahan namang inangat ni Trisha ang ulo nya para halikan si Mac.

Papalapit na sana ito ng Bumitaw si Mac sa pag yakap, "bakit?" tanong ni Trisha, "Matulog kana, gabi na may trabaho kapa bukas" sabi ni Mac at pumunta na sa banyo.

Naiwan naman si Trisha na para bang disappointed. Ginulo nya ang buhok nya at pumunta sa kwarto nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Truth of: FALLING in LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon