C9

1 0 0
                                    

RYL_POV.

Nasa rooftop kami ngayon at nakatingin sya sa paligid habang ako ay nag hahandang sabihin lahat.

"Mac!" sabi ko, Bigla naman sya tumingin, "para saan tung sasabihin mo? para ba sa prutas?" tanong nya, Agad akong umiling at handa na sanang sabihin ng bigla syang mag salita.

"Mac ang asawa mo-" "alam ko" sabi nya at napatingin sa kaliwa. "ha?" nagtataka kong sabi. "Alam ko na kong anong sasabihin mo, matagal ko ng alam" sabi nya ng mahinahon.

"na niluluko nya ko" mahinahon nya lang sabi, "ha? alam mo na? pero bakit mahinahon kalang? alam mo naba kong sino ang lalaking tinatagpo nya?" tanong ko.

Tumango naman sya habang nakatingin sakin, "Nakita ko kahapon, sa Coffee shop kong saan naroon ka tama?" sabi nya, Hindi ko alam kong bakit naluluha ako hindi ko den alam kong bakit hindi ko mabuka ang bibig ko, sa mga oras nayun gusto lang pakinggan sya.

"Sinundan ko sya, Nabasa ko kasi yung text na mag kikita daw sila sa lumang coffee shop tapat ng grocery store, Alam ko na nameron syang ibang lalaki, anong hindi ko lang alam kong sino.... hanggang sa malaman ko kong sino" sabi nya at naupo sa lapag.

Napatulo naman ang luha ko ng madinig yun sakanya, Hindi ko makitang nasasaktan sya dahil walang emosyon sa mukha nya, Mahinahon ang buses nya at ni walang luhang namumuo sa mata nya.

"alam mo na? noon pa?" lapit kong sabi at napaupo din sa sahig, "Oum" sabi nya habang nakatingin, "thanks sa prutas kahit alam ko na excuse mo lang yun para ma komperma talaga kong asawa ko yung babae sa c'shop I hindi" sabi nya.

"ang galing... pano mo nalaman" sabi ko, "madali lang hulaan ang takbo ng isip ng isang tao, Nakita kita na gulat na gulat sa C'shop habang tinitignan si Trisha, Malamang kokompermahin mo kong ang babaeng kaharap mo at ang wife ko ay iisa, pero para malaman yun kailangan mo pumunta sa bahay para tignan... kailangan mo ng excuse kaya ginamit mo ang prutas" sabi nya. 

"gusto ko lang talaga makomperma" malungkot kong usal (totoo nga matlino sya wait nabanggit nya bang nabasa nya takbo ng isip ko, oh no baka malaman nyan gusto ko sya)

MAC_POV.

Tama nga ang hinala ko alam nya na, ngayon hindi ko alam kong anong gagawin ko?.

*Flashback...

++++++++++++++++++++++++++++
[Hun Sa Dore Coffee shop, 11am]- sweetheart.
++++++++++++++++++++++++++++

Nasa shower sya ng oras nayun at hindi ko sinasadyang mabasa ang massage. Hahayaan ko nalang sana pero hindi ko maaring palampasin ang oras nayun para malaman kong sino ang sweetheart na katagpo nya.

(c'shop)

Nakita kong nabangga ni Trisha si Ryl habang papasok, Kita ko den ang mukha ni Ryl.

Nong time nayun, Sumonod dumating ang apo ni Chairman na si Warren, Dun na ako kinutuban. Kitang kita ko ang pag bago ng expression ng mukha ni Ryl.

***skip.

"Mac may pumta dito dinalhan ka ng prutas... actually kaaalis nga lang" usal ng asawa ko, Nag taka naman ako kong sino, "Rael? ely?" pag iisip nya.

"Ryl?" tanong ko. "tama... Ryl, Crush ka banun? may paprutas pang nalalaman, Nong makita nya ko bigla syang namulta... siguro akala nya wala kapang asawa" pagbebero nya.

"Ahh tika nasa ref pala kong gusto mong Kainin"  sabi nya at pumasok sa kwarto.

**endofflasback...

"Bakit walang emosyon yang mukha mo? Ni walang gulat o lungkot?" sabi nya, Nasa harapan ko sya at kitang kita ang pagkalungkot nya.

"hmm... siguro kasi kaya kong itago ang emosyon ko?, O baka tapos nako malungkot kaya wala ng natira sa mata ko" pag bebero ko.

wala paren pag babago sa mukha nya lalo nya lang ako tinitigan, Ayaw ko pa naman sa ganitong position pa talaga, Kong saan kaharap ko sya.

'wag kana mag taka, ganto talaga ako" usal ko at tumingin sa langit, "Pag malungkot ka tumatahimik kalang, Pano nmn pag masaya?" biglaang tanong nya. "ahh... hindi ko kasi alam kong anong takbo ng utak ng mga introvert na kagaya mo' dugtong nya.

"Hindi ko den alam, Sanay lang ako na tinatago ang sakit na nararamdaman hanggang sa parang wala lang sakin" sabi ko. "bakit wala kabang taong mapag sabihan?" sabi nya.

"Hmm... Ayaw ko silang malungkot para sakin, masyado na silang nasasaktan dahil sakin... ayaw konang dagdagan pa" sabi nya. "pero pano ka? sasanayin mo nalang na masaktan ka? anong plano mo? hahayaan mo na maging misirable buhay mo tapos ang asawa mo hindi? eh bat pa kayo nag pakasal?" sabi nya.

"siguro dahil sa awa" derettyahang sagot ko. "Naawa kalang sakanya kaya sinagot mo sya? at pumayag ka na pakasalan sya?" gulat nyang sabi. "Nong una oo, Hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng pag mamahal, Una hindi ko naiisip na mag asawa"

"hanggang sa mamatay ang bestfriend ko, Tapos bigla nalang akong nakaramdam ng takot na baka isang araw tulad nya mamatay ako na wala manlang pamilya at asawa na nakasama" sabi ko.

"Kaya naisip ko, Magpapakasal lang naman at least naranasan kong mag karoon ng kasama habang hindi paki patay, Nong oras nayun si Trisha lang ang babaeng Matapang at hindi umalis sa tabi ko, kaya sinagot ko sya at pumayag na pakasalan"

"ang alam ko kapag nag sama kayo matutunan mo na mas mahalin sya, Kaya tinry ko, Sibukan ko sya mahalin, Kahit na hindi ko alam kong anong ibig sabihin nun, Hanggang sa matutunan kong tumawa ma excite tuwing uuwi para makita sya"

"pero hindi ko alam mag babago yun, Hindi ko alam na masakit pala, tapos naisip ko ako den ang mali, Sino ba kasing mag kakagusto sa isang katulad kong boring... kaya ayun hinahayaan ko nalang na mag enjoy sya sa iba"

pagtatapos ko at muling tumingin kay Ryl, Tumaas ang kilay ko ng makitang umiiyak sya sa harapan ko. "Ang sakit nun siguro" sabi nya at bigla akong niyakap.

Iwan ko ayaw ko ng niyayakap ako pero ngayon parang gusto ko nalang manatili ang oras na ganito, Napa ngisi ako ng makitang may nag aalala pala sa katayoan kong ito.

The Truth of: FALLING in LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon