Chapter 14

9 1 0
                                    

Red Pov

He's still courting me ng taong na nangulit na wag ipagkalat ang nangyari samin, pero ito siya ngayon nakangiti habang hawak-hawak ang isang pungpong ng red rose habang papalapit sakin.

"For you." Sabay abot sakin ng bulaklak kaagad ko namang tinanggap ito, first date namin to siya yung nag-aya, 4 days na ang nakalipas nong umamin siya at ito ngayon kami mag date.

"Thank you." Nakangiting sabi ko inalalayan naman niya akong umakyat sa kotse niya, para akong prinsesa dahil sa ginagawa niya.

Ngumiti lang siya sakin tsaka umikot na papuntang driver seat. Kaagad niyang pinaandar ang kotse tsaka umalis na.

Nasa hita ko yung bulaklak na binigay niya sakin, habang siya ay nakahawak sa kamay ko. Hindi mawala ang ngiti niya sa labi habang nagmamaneho.

Nakalimutan kong itanong sakanya kong saan kami pupunta pero hinayaan ko nalang dahil mukang ayaw naman niyang sabihin sakin.

"Btw love baka bukas hindi ako makakapunta sa condo mo dahil mag overtime kamo sa hospital." Sabi ko sakanya tumango naman siya tsaka hinalikan ang likod ng palad ko, napangiti ako dahil sa ginawa niya.

"Hmmm okay mag-iingat ka kumain ka sa tamang oras." Malambing na sabi niya sabay sulyap sakin at ngumiti.

Hindi nako sumagot sakanya sumandal nalang ako sa balikat niya naramdaman ko naman ang paghalik niya sa ulo ko.

"I love you."

"I love you too." Sagot ko nakatingin lang ako sa kamay naming magkahawak, bagay na bagay ang liit ng kamay at hindi naman mahaba yung mga daliri ko habang siya ang laki tapos maugat pa halatang nag work-out.

*****

Namangha ako dahil sa subrang ganda ng set up na ginawa niya, beach date pala ang gusto niya inalalayan niya akong bumaba ang pumunta kami sa gitna may naka set-up na, table and two chairs for us white yung color ang ganda tapos samahan pa ng preskong hangin at hampas ng dagat ang gandang pakinggan.

"You like it." Bulong niya nakatitig na pala sakin ngumiti ako sabay tango dahil totoo naman ang ganda.

"Yes love thank you for this day." He smiled at me and caress my cheek kaya napapikit ako dahil sa init ng haplos niya.

"You all deserve this baby, and ako sana ang magpapasalamat dahil tinanggap mo ako kahit noon ay kinakaladkad lang kita at ako pa yung may ganang magalit." Malamyos na sabi niya natawa nalang ako dahil naalala ko na naman yung ginawa niya nong una.

"Okay lang love, kong hindi mo ako kinaladkad noon baka hindi tayo umabot sa ganito." Ani ko sabay yakap sakanya subrang saya ko dahil first time ko lahat ng ito.

"Should we eat, i know you're hungry."

Kumalas ako ng yakap tsaka kami pumunta sa gitna, hindi pa rin mawala sa mata ko yung mga babaeng kinikilig, dahil sa kagagawan ng boss nila umupo na kami.

"This your own resort?" Seryusong tanong ko tumigil muna siya kakalagay ng pagkain sa plato ko.

"My mom bought me a resthouse here, this is my special place because this is the last remembrance of my mom before she died." Bakas sa mukha niya ang lungkot, kaagad ko naman siyang hinawakan sa kamay para sabihin na nandito lang ako at dadamayan kita.

"I'm here now love, don't worry i will do my best to make you happy." Nakangiting sabi ko ngumuso naman siya kaya nagtataka ko siyang tinignan.

Hindi ko ma gets kong ano yung ibig na sabihin niya, tudo nguso pa rin siya.

"Kiss.." Nahiya naman ako sa sinabi niya pakiramdam ko pulang-pula na ako dahil sa ginagawa niya, nako ngayon pa ako nahiya kong ilang ulit na kami nagkiss, marami pa namang tao ang nandito. "Sige na just one baby!! Hayaan mo na ang mga tumitingin satin hindi naman nila yun ipagsabi." Bumuntong hininga muna ako bago dumukwa sakanya at hinalikan siya sa labi, itong luko naman ay nakangiti ng malawak.

Gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil sa kagagawan niya.

"Kumain nalang tayo nagugutom nako." Sabi ko sabay subo ng pagkain yung kasama ko naman ay tuwang-tuwa habang pinapanuod akong tudo iwas ng tingin sakanya.

Sinipa ko naman siya sa ilalim ng lamesa dahil sa kalukuhan niya, oo marami din naman akong alam na kalukuhan kaso nong college pa yun, kasama pa ang barkada at wala pang mga pamilya.

Patuloy lang kaming kumain, maya-maya pa ay bigla siyang tumayo kaya nagtataka kong siyang tinignan ng nilahad niya ang kamay niya sakin.

"This is are first dance baby!! May i have this dance with you?" Hindi ako nagdalawang-isip pa tinanggap ko kaagad ang kamay niyang nakalahad, dumiretso kami sa gitna na may pusong hugis buhangin nay may nakapalibot ang red balloons.

Inilagay niya ang dalawang kamay ko sa batok niya at siya naman ay hinawakan niya ako sa baywang, napangiti ako dahil sa pagka-romantic niya.

Hindi ko expected na ganito pala ang first date namin.

"Thank you for this love hindi ako magsasawang sabihin sayo yan."

"Hahahahah!! always welcome baby." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi namula naman ako dahil sa ginawa niya.

__________________

My Strict CEO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon