Red Pov
"So guys we're all complete naman we have another good news to all of you!!"
Hinayaan ko lang si ate magsalita kumain lang ako ng kumain, naramdaman kong may matang nakatingin sakin, tumingin naman ako sa gawi ni zack at bakas sa mukha niya ang lungkot, awa at pagsisi.
Malamig ko lang siyang tinignan.
"Hey bunso eat more!!" Pukaw sakin ni kuya ako na yung unang umiwas ng tingin sakanya, bumaling ang tingin ko kay kuya,na nilalagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko.
"Mamaya na kayong mag-usap na dalawa jan!! Makinig kayo sa sasabihin ni ate!!" Saway samin ni mommy sabay kaming tumango ni kuya.
Nakita ko ang paghawak ni ate sa kamay ni zack.
"We're having a baby!!" Masayang sabi ni ate kaagad kong nabitawan ang Kutsara ko dahil sa inanunsyo ni ate.
Napabaling ang tingin nila saking lahat.
"Why bunso?" Pag-alalang tanong ni mommy, napasulyap ako kay zack na nakatingin rin pala sakin ngayon.
"Nothing mom i'm just tired!!" Pagsisinungaling ko ang sakit na marami nakong nalaman ngayong gabi. Pinipigilan kong wag tumulo ang luha ko sa harap nila. "I'm sorry po mauna nako, may duty pa ako bukas!!" Pagpapaalam ko sakanila tumango naman sakin ang daddy ni zack, dali-dali akong umalis sa hapag-kainan at pumunta sa kwarto ko.
Magkakaanak na sila ni ate, bakit ngayon pa kong kailan na gusto ko na siyang maging boyfriend.
Pinahid ko yung luha kong tumutulo, nagbihis ako habang umiiyak subrang sakit sa part ko na nasa kamay na siya ng iba.
Pumasok ako sa gaming room ko at kinuha ang wine tsaka tinungga.
Umupo ako sa sofa at tumingala, bakit sa lahat ng pwedeng maging tatay ng anak ni ate si zack pa.
Natawa ako at napailing nalang dahil sa nangyayari ngayon. Habang umiinom ako ay may biglang pumasok sa gaming room ko napatingin naman kaagad ako sa pintuan at nakita ko si zack na nakatingin pala sakin tinaasan ko siya ng kilay.
Bakit nandito ang scammer nato?
"Why are you here zack?" Malamig na tanong ko sakanya he cleared his throat and walk towards me.
"I know you are mad at me!! I'm sorry red niluko kita, mahal na mahal kita red!!" Nakayukong sabi niya natawa ako dahil ito ang dahilan kong bakit siya pumunta dito.
Napakagat ako ng ibabang labi naramdaman ko din ang pag-init ng mata ko. "You know what zack i'm very happy that you're my suitor you feel me that i'm not alone kahit nanjan ang magulang at kapatid ko, pero iba ka sa kanila... Umasa sa mga sinabi mo!! Masaya bang kasama si ate? Pinaglalaruan mo lang ba ako zack sana pala bago ka pumunta sa Singapore sinabi muna sakin ang lahat para isang sakitan nalang!!" Natatawang sabi ko habang tumutulo ang luha.
Tumingin ito sakin at akmang lalapit pero tinuro ko siya.
"I'm sorry!! Ba-"
"Stop zack kahit anong sorry mo hindi na kita mapapatawad!! Congratulations to the both of you now you're free zack!! Wag mukong isipin dahil nakaya ko nga noong nangyari sakin ito pa kaya!!" Pinunasan ko ang luha ko, lumapit ako sakanya at niyakap siya.
"Hindi ko sinasadya red!! Mahal kita dito lang ako, ikaw ang tahanan ko!!" Bulong niya kumalas ako ng yakap sakanya at hinawakan siya sa pisngi.
"Wala namang tayo zack, alam kong nagsisi kana sa ginawa mo sana una palang ay inisip mo muna bago mo gawin yun, ikaw mismo ang naghahanap ng rason para tumigil ako!! Please take care of my sister and to your child zack, I'm okay good byee Zachary Sean Aguilar my first love." Sabi ko sabay talikod sakanya, hindi nako lumingon pa baka magbago ang isip ko at agawin ko siya kay ate, i know masaya si ate dahil magkakapamilya na sila ng ex-manliligaw ko.
Pinaubaya ko na siya sa ate ko i know alagaan siya ni ate at hindi talaga kami para sa isa't isa ni zack.
Pumasok ako sa kwarto ko at bumungad sakin si mommy na nakaupo sa kama ko.
Dali-dali akong lumapit kay mommy at kaagad siyang niyakap.
"Shhh bunso nandito lang si mommy!! Kahit wag mong sabihin sakin alam ko red!!" Seryusong sabi niya binaon ko lang ang mukha ko sa leeg niya at dun umiyak.
"Mom ang sakit!! Mahal ko siya!!" Parang batang sumbong ko.
"You know what iho wala akong may kinakampihan sa inyo pero you should move-on baka hindi talaga kayo!!"
"I know mom nakaka-move-on din ako!!" Sumisinghot nako dahil bumabara na ang sipon ko.
Nag emote ako dito tapos panira naman itong sipon ko.
"I'm here bunso!!" Kumalas ako ng yakap kay mommy hinawakan niya naman ako sa pisngi at pinunasan ang luha ko.
"Baka bukas wala na itong sakit mom!!"
"Matulog kana at babantayan ka ni mommy okay!!" Nakangiting sabi sakin ni mommy tumango ako at humiga tumabi naman kaagad siya sakin kaya niyakap ko siya.
Hinaplos naman niya ang buhok ko at kinakantahan pa ako.
________________