Chapter 18

1 1 0
                                    

Red Pov

Maaga akong nagising dahil sa ingay sa baba gusto ko sanang tignan kaso napagdesisyunan kong maligo muna ako bago lumabas ng kwarto nila mommy dahil mukha akong dugyot tignan.

Bumaba na kaagad ako ng pagkatapos kong maligo, i'm fresh na kaya so pwede na akong bumaba. Kinuha ko naman sa bulsa ko yung cellphone ko para tignan kong may chat ba sakin si zack, bumagsak ang balikat ko dahil sa group chat ang nag-chat nakalimutan kong imute.

Padabog akong pumunta sa kusina nakakagigil na talaga itong si zack.

"Bakit ganyan ang mukha ng bunso ko?" Napalingon ako dahil sa sinabi ni daddy, lumapit ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Daddy namiss po kita!! Akala ko ba nasa palawan kayo?" Malambing na sabi ko kumalas naman ako ng yakap sakanya.

"Sos ang bunso ko!! Ikaw nalang ang hinihintay naming bumaba dahil uuwi ang ate at kuya mo may good news daw silang sasabihan sa atin at gusto nilang kompleto tayo dito!!" Tumango nalang ako pinaupo ako ni daddy sa upuan ngumiti ito sakin sabay gulo ng buhok ko napanguso nalang ako dahil sa ginawa niya.

"Milk dad please."

"Okay bunso!!" Sabi niya at nag-umpisa ng timplahan ako ng gatas.

"You know what bunso namiss ko itong pagtimplahan kayo ng gatas na magkakapatid!!" Nakangiting sabi niya tsaka binigay sakin ang gatas.

Uminom ako ng kunti at tumingin kay daddy.

"Dad naman nag emotero ka ng taon." Natatawang sabi ko napatingin naman ako kay mommy na kakapasok lang.

"Ohh nandito na pala ang anak nating mantika kong matulog." Asar na sabi ni mommy lumapit naman ito kay daddy tsaka hinalikan niya si daddy sa labi, napangiwi nalang ako dahil dito pa talaga nag landian ang dalawang matanda nato.

"Ano ba yan mom!!" Inis na suway ko sakanya inikutan ko sila ng mata dahil tinawanan lang nila ako.

"Btw hon itong bunso natin may nanliligaw na daw sakanya!!" Subong ni mommy kaya nakatanggap ako isang batok kay daddy.

"Ikaw talagang bata ka hindi ka nadadala!!" Sermun niya tinignan ko si mommy ayun nakangiti siya sakin.

Grabe talagang mang-asar itong si mommy sana pala hindi ko nalang sinabi sakanya yun.

"Dad matino po siya okay ipakilala ko siya sa inyo soon!!" Sabi ko habang hinihimas ang ulo ko.

Umiling-iling lang si daddy kaya umiwas ako ng tingin, ganyan sila sakin protektado ako.

"Good bunso!!"

"Ohh tama na yan at ikaw naman hon support mo nalang itong bunso!! Halina kayo at papauwi na raw ang ate at kuya!!" Aya samin ni mommy kaagad ko namang inubos ang gatas, buti nalang hindi mainit.

Lumapit ako kay mommy at umakbay napagdesisyunan namin na sa sala nalang sila hihintayin.

Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko ngayon excited na kinakabahan basta iwan.

Ilang oras din kaming naghintay nila mommy sa pagdating ni ate at kuya puro kulitan at asaran lang kami ni daddy dahil si mommy ay nagluluto.

"HELLO EVERYONE!!" Napatigil kami sa paglalaro ni daddy at napalingon sa sumigaw, nakatayo si ate habang hawak-hawak niya ang maleta.

Kaagad akong tumayo at patakbong lumapit sakanya at dinamba kaagad siya ng yakap.

"Namiss kita ate!!" Sabi ko natawa lamang siya, napadako naman ang tingin ko sa pintuan nakatayo dun si kuya at malamig lang kaming tinitignan.

Kaagad akong kumalas ng yakap kay ate at pumunta sa gawi ni kuya tsaka niyakap din, lambing lang ang ko lang sakanya kaya nagkakaganito to.

"Miss kita kuya ko!!" Masayang sabi ko, itinulak naman niya ako kaya nagtataka ko siyang tinignan.

"Sos red nambola kana naman!! Sinabi sakin sa chat ni mommy na may nanliligaw na daw sayo!!" Malamig na sabi niya tumango nalang ako dahil sermon na naman ang aabutin ko sakanya.

"Kuya naman!!"

"Nako hayaan muna iyang bunso natin kuya, halina kayo at kumain." Aya ni mommy samin nauna na silang tatlo sa dining nakasunod naman kami ni kuya sakanila habang itong katabi ko ay nagsasalita hinayaan ko nalang dahil alam kong strict talaga siya pagdating samin.

"So anak anong good news ang sasabihin mo samin?" Tanong ni daddy kay ate nakikinig lang ako sa kanila habang ako dito lamon ng lamon. Napangiti ako dahil nilagyan ni kuya ng chicken curry ang plato ko, ngayon lang ulit kasi ako nakatikim ng luto ni mommy.

"Eat a lot red and payat muna!!" Asar na sabi sakin ni kuya, sinamaan ko naman siya ng tingin.

"You two quiet!!" Saway samin ni mommy.

"So this is it daddy i' m engaged na!!" Bakas sa mukha ni ate ang saya.

"Congrats anak/ Congrats ate ko!!" Sabay naming sabi, ngumiti lang si ate samin.

"And my another good news kami but hindi muna namin ngayon sasabihin baka bukas dahil pupunta yung fiancee ko dito bukas ipakilala ko sa inyo!!"

Masaya ako dahil sa wakas engaged din ang ate ko na upod ng suplada at workaholic.

Pagkatapos ng batian at kumain lang kami ng nag bonding.

_____________

Hello

My Strict CEO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon