Red Pov
Hindi ko alam ang naramdaman ko dahil sa sinabi niya nong nakaraang araw sakin na, yung sinabi niyang hindi na kami magkikita.
"Hoyy sis tulaley kana naman!!" Sita sakin ni Francis tumingin naman ako sakanya at hinampas siya.
"Alam mo ikaw ang epal mo!!" Inis na sabi ko pero tinawanan niya lang ako at inakbayan na kaagad ko ding inalis, kong maka asta kasi minsan to parang kapatid ko.
"Sos total wala pa namang doctor alam mo ba si baby zack ma-" Tinakpan ko ang bunganga niya dahil puro zack nalang ang lumalabas sa bibig niya.
"Wait sino ba kasing zack yan francis noong nakaraang linggo mo pa yan sinasabi sakin!!" Sabi ko bumuntong hininga naman siya tsaka kinuha ang cellphone niyang nakapatong sa lamesa at mukang may hinahanap.
"This sis ohh hindi mo ba siya kilala!! Taga bundok ka ata at hindi mo kilala ang gwapong CEO na sinasabi ko sayo!!" Sabi niya sabay paki ng picture, muntik pakong matumba dahil sa pagkabigla siya yung tinutukoy ni francis na zack.
Kaagad kong inagaw ang cellphone niya at tinignan ng mabuti baka kasi nagmamalik-mata lang ako, pero hindi siya nga talaga.
"Ohh ano gwapo hindi ba!!" Kinikilig na sabi niya, umiwas nalang ako ng tingin dahil sa kahihiyan.
Kinuha niya sakin ang cellphone niya at hinalikan si zack sa picture.
Bakit hindi niya sinabi sakin na isa pala siya CEO at famous pa.
Magsasalita pa sana ako ng may biglang may sumigaw sa labas ng tulong, kaagad kaming lumabas mukang emergency nga.
May ambulance na dumating kaagad nilang inilabas ang pasyente, bigla akong kinabahan dahil pamilyar ang nakahiga.
Nagulat ako dahil tama nga ang hinala ko siya, may ilang babaeng tumitili kapag nadadaan namin sila. Nakahawak si Zachary sa baywang niya puro dugo narin ang damit niya dahil ata sa sugat dun.
Dumiretso kami sa emergency room, hindi ako naka asign sa emergency room.
Nandito lang ako sa labas ng ER nakabantay parang may kong ano na pumipigil sakin na wag aalis dito.
Napalingon ako ng may biglang humawak sa balikat ko, bakas sa mukha ng kaibigan ni Zachary ang pagod mukang hindi siya nag-alala.
"Okay naba siya?" Tanong niya umiling lang ako.
"Hindi pa naman lumalabas ang doctor!! Ano ba ang nangyari bakit nagkasugat siya?"
"Umupo muna tayo!!" Aya niya tumango ako at umupo tumabi naman ito sakin. "He was shoot habang pumupunta sa company niya, hinahanap na ng police ang gunman and please take care of him muna dahil aasikasuhin ko ang company niya." Sabi niya tumango nalang ako.
Ganyan siguro sa bussines world maraming inggit.
Hinintay lang naming lumabas ang doctor. Habang ang kasama ko naman ay parang kiti-kiti dahil naglalaro ng ml.
Tumayo ako at nagpaalam muna kay kayden mag early out nalang ako wala naman na akong gagawin nanjan naman si francis.
"Hoy sis bakit early ka?" Tanong sakin ni Francis pinuntahan niya pa talaga ako dito sa ER para tanungin.
Si Kayden naman ay umalis muna bibili daw ng kape tsaka pagkain.
"Pinabantayan kasi sakin ni za- i mean si sir Zachary ng kaibigan niya." Sabi ko tumango lang ito at nagpaalam narin dahil tinawag siya sa 2nd floor ng hospital.
Ilang oras din kaming naghihintay sa labas ng ER at buti naman ay stable na yung pasyente, kaagad siyang dinala sa private room dito sa hospital.
Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya, namumutla siya napatitig ako sa mukha niya ang gwapo pala niya sa malapitan, kaya pala maraming humahanga sakanya. Matangos ang ilong, red lips at malaki ang ano.
"Crush mo ba ang kaibigan ko?" Muntik pakong mapamura dahil bigla nagsalita si kayden.
Lumingon ako sakanya at tinaasan ko ng kilay tumawa lang ito.
"Akala ko ba matutulog ka!! At hindi ko crush tong kaibigan mo no!!" Mataray na sabi ko tinaas lang niya ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko.
Bumalik siya sa pagkakahiga ako naman ay tumingin sa taong natutulog sa hospital bed.
Crush nga ba kita? Nong una pa lang ay iba na yung pakiramdam ko sayo.
Umayos ako ng upo tsaka kinuha ang cellphone ko tsaka naglaro nalang ng candy crush.
Napahikab ako dahil kanina pa ako inaantok, gusto kong matulog pero yung nurse dito ay pabalik-balik kaya hindi rin ako makatulog.
Buti pa tong si kayden ang sarap ng tulog niya samantalang lang dito antok na antok.
Mag-uumaga na pala pero itong dalawang to hindi pa rin nagigising.
Habang inaayos ko yung kumot niya ay biglang gumalaw ang daliri niya dahan-dahan naman niyang minulat ang mata niya.
Kaagad kong tinawag ang doctor para tignan siya. Buti nalang ay okay na at pinagbawalan lang ng doctor na gumalaw baka bumuka yung sugat niya.
"Thank you!!" Parang may kong anong humaplos sa puso ko dahil sa lambing ng boses niya.
"Welcome gawain namin na makatulong!!" Nakangiti sabi ko tumango nalang siya.
"Ano ba yan ang ingay!!" Napatingin kami sa nagreklamo. Tumingin ito samin mukang nagulat ito dahil gising na yung kaibigan niya.
"Bud welcome back sana namatay kana!!" Masayang sabi niya tumayo ito at yayakapin sana ang kaibigan niya ng pigilan ko siya. Baka masagi niya pa ang sugat nong isa.
_________________________
BINABASA MO ANG
My Strict CEO
Krótkie OpowiadaniaBestfriend series #4 Ceoxtambay Started: July 22, 2024