"Follow your heart"
"Oh? ba't tulalay ka dyan?" naputol ang pagiisip ko dun sa lalaking akala mo si grumpy ng seven dwarfs pero siya yung matangkad na version. hihihi. "Iniisip mo pa ba yung sinabi ni madam? Wag mong dibdibin yun, wala ka nun. "
Aba't epal to ah. Pinutol na nga niya yung pagde-daydream ko e.
"Bastus ka a! Bakit? meron ka non! " Nilapit ko pa ang dibdib ko sa kaniya. Nasa staff room nman kami kaya ayos lang gumawa ng kagagåhan. Bale 30 minute break kami. Nagdadaldal na naman siya kasi wala kaming ginagawa. Katatapos lang kasi namin magpunas ng mga tables. Konti ng naman ang costumer kasi nga may pasok sila. Mga 4 pa ng hapon hanggang gabi dinadayo itong coffee shop.
Inirapan niya ako. "wala," mahina niyang sabi. hahahaha. "E bakit kaba kasi tulala?"
"E may nakabanggan kasi ako kanin--" Naputol yung sasabihin ko ng bila nalang siyang sumingit.
"Asan na?! Bat hinayaan mong banggain ka?!
anong nangyare?" She hysterically ask."E kung patapusin mo kaya ako?" Pasaring kong tanong sa kaniya with matching raising brow payan.
"Sabi ko nga."
"So eto na nga, Nung tumatakbo ako papunta sa'yo napansin ko na di nakasitas yung sapatos ko. Then yun, nabangga ako sa kaniy--"
"Ay? antanga mo sa part na yon. Bat ka kasi tumakbo. Alam mo na maliit lang yung shop. So, ano yung nangyari pagkatapos?"
"Ikaw nalang kaya yung mag-kwento?" naiirita na ko singit ng singit. Sa singit ba to pinanganak ni tita? Matanong nga.
"Eto na. Shut up na ko" She said habang parang sini-zipper yung bibig niya.
"So, yung sinigawan niya ko tsaka umalis na."
" E gagô pala yan e. bat mo hinayaan na ginanon ka lang? Dapat sa mga ganon hindi na pino-problema. Sakit lang sila sa ulo."
"Gwap--"
"Asan?"
"Bakit?Aawayin mo? Wag na."
"Sabi mo gwapo?"
"Oo nga."
"O tara na. Masilay. " Napa nganga ako sa sinabi niya. Akala ko ipagtatanggol ako. Aagawan pala ko. Oo, crush ko siya masama??
"Ayoko akin na yun."
"Hayy. Sigi na nga papaubaya ko na siya sayo."
Parang ang labas ako pa ang nag agaw ah?
"Hoy ano? Magdadaldalan nalang kayo diyan? Hindi na kayo mag ta-trabaho? Over break na kayo. Gusto niyo atang mabawasan ang sahod niyo" Ay andyan na ni madam.
Nagkatinginan kami ni ava at dali daling bumalik sa mga gawain na naka assign samin.
***
Bandang alas-sais ay nakita ko nanaman yung lalaki na nakabungguan ko kanina. Mukang may inaantay.
"Sir ano po ang order niyo?"
"It's you again!"
"Yes sir, It's me. I sincerely apologize about my behavior earlier. I don't mean to bump to you."
"Okay apology accepted." Ha? ganon lang yon? halos dumugo yung ilong ko kaka_ingles.
"Yun na yun?" oppsss nasabi ko pala.
"Anong yun na yun?"
"Wala sir, Now, May I know your order?"
"One black coffee and one caramel macchiato." Sinulat ko sa sticky note na hawak ko yung inorder niya. Ackkk ang lalim nung boses niya. Diko kasi napansin nung una kasi nga sigaw si ng sigaw.
"Yung lang po sir?"
"O add 2 slice of strawberry cake and I waffle, That's all." Buti nalang talaga nakapagtapos ako ng High school kung hindi mapapahiya ako dito.
"On the way sir, Just wait for a while." Parang hindi niya naman narinig yung sinabi ko kasi parang focus siya sa ginagawa niya. Sino kaya yun? Girlfriend?
E ba't bako namamakealam? Umiling nalang ako sa mga pinagiisip ko.
Pumunta ako sa counter at idinikit yung note sa dingding.
Minimalist lang naman kasi yung shop. Ang simple pero Ang elegante. Kahit si madam apaka elegante. Mayaman naman si ma'am pero di ko alam ba siya nagsasayang ng oras sa maliit na shop na to. Pero thankful parin ako kasi may trabaho ako. Dito lang kasi ako natanggap kasi hindi ako nakapagtapos ng College. Dahil nga walang pera.
Magastos kaya sa culinary arts. Hindi naman kasama sa scholarship yung mga needs kong gamit.
Tinawag ko si Ava kasi busy siya sa pagtuturo dun sa bagong kasama namin. Pogi kasi pero mas pogi yung si mr. Ocean eye. Tinuro ko sa kaniya yung note.
Pakalipas ng ilang minuto binigay sa akin ni Ava yung order ni mr. Ocean eye..
"O problema mo?"
"Ayun yung sinasabi ko sayo oh" Sabay turo ko dun kay mr. Ocean eye.
" You mean si Mr. Saint??"
"Kilala mo? at wow mister! "
"Hindi mo ba siya kilala?"
"Malamang itatanong ko ba?" pataray kong sabi sa kaniya habang nakatanaw doon sa saint daw. Kung kanina seryoso yung muka niya ngayon ay medyo nakakunot na yung noo.
"Wait lang bibigay ko muna to" Hindi pa man siya nakakasagot ay lumapit na ko kay mr.
"Sir here yo---"
"Where the bill?"
"huhhh?" kakabigay ko lang kaya ng food!
"Are you literally deaf?? I said bill. I have to go."
"Pero sayang yung food mo."
"If you want you can have that. Where's the bill?"
Lumapit ako Kay Ava para matapos na.
"Yung bill daw nung saint. di ko na siya crush." Nasasayang siya ng pagkain.
"ha? bill agad?" Kaya BFF kaming tatlo e. iisa lang ang takbo ng utak.
"Nasabi ko na yan. Parang may emergency. Dalian mo na."
Pagkaabot na pagkaabot niya ng bill ay pumunta nako agad kay saint. Baka imbis na saint, Maging devil.
"here your bill sir." Nakita ko na mahigit 1000 yung nasa bill. Yun lng yung inooder niya pero ang mahal na.
"Keep the change." Ang nakaipit sa bill cover ay 5k.
"Wait sir" Hindi na ko nakapagpasalamat dahil sobra sa sobrang pagmamadali niya.
'thank you' bulong ko habang naka ngiti. Malaki-laki rin to. Malaking dagdag ito sa ipon ko. Sana ayos lang siya.
Hindi ko na pansin na lumapit na pala sa akin si Ava.
"Hindi na daw niya crush." Nakahalukipkip na sabi niya.
"che! Diko na talaga siya crush! bumalik ka na nga sa trabaho mo!" Nakasimngot kunwari na turan ko.
"Sabi mo eh"
'Talaga."
Natapos ang araw na yun ng may malaking ngiti sa akin dahil may malaki ng nadagdag sa ipon ko. Di ko nalang sasabihin kay tita. Meron pa naman yung binigay ko sa kaniya ning nakaraan. hihihi.
At nakatapos na din ako ng isa pang chapter. O maaga to ah. Shaka mahaba.
Don't be shy. Penny of your thoughts??