Simula

28 3 4
                                    

" 'Di ka na ba talaga papasok? sayang yung scholarship mo." napalingon ako ng biglang nagtanong si Akisha.

"Sa susunod na pasukan nalang aks, mag-iipon palang ako eh." nandito kami ngayun sa plasa. Katatapos lang kasi namin bumili ng gamit niya sa pasukan. "alam mo namang walang pa kong badyet para dyan."

" If i know, dahil lang naman yan sa tita at tito mong matapobre!" Ayan na nga ba yung sinasabi ko.

"Wala naman sila kinalaman dito, ako ang may kagustuhang mag-aral kaya ako ang magti-tiyagang mag-ipon syaka di naman nila ko responsibilidad ." Totoo naman yun wala naman talaga silang kinalaman sa pagaaral, pasalamat pa nga ako at binubuhay nila ko.

"Wag mo na silang ipagtanggol," aba't inirapan pa'ko.

"Tusukin ko 'yang mata mo, gusto mo, hmm?" nakaturo ang dalawa kong daliri sa kaniya. "Di ko sila pinagtatanggol sinasabi kolang yung totoo. Di naman nila ko obligasyon, Para nalang sa pinsan ko."

Umupo ako sa swing pagkatapos kong ibigay sa kaniya ang kaniyang mga gamit.

"Kaya ka mina-maliit dahil ganiyan ka Aeya e'."

mabusit nga to hahahaha.

" Atleast matagkad ako! Di gaya ng isa dyan maliit!" pagtukoy ko sa kaniya.

Alam ko naman na gaganti siya kaya nagmamadali akong lumayo sa kaniya.

"Pinapatamaan mo ba ko?"

"Bakit? tinaamaan ka?"

" ah ganon!! " hinabol niya ko habang tumatawa.

Natapos nalang ang araw ng ganon lang ang ginawa namin.

Nang dumilim, iyon ang naging senyales na kailangan ko ng umuwi. Nang maalala ko na may gagawin pala ako ay agad akong nagyayang umuwi dahil baka mabugahan na ako ng apoy ni tita.

"Salamat ngayong araw aks, sa uulitin," Napabusangot naman siya ng sabihin ko yun.

" Anong uulitin, wala. Wala ng uulitin. Halos inubos mo na nga yung paninda nung ale kanina. Tapos may plano kapang mag pa_libre? ano ka gold? Dapat libre mo na sa susunod." Mataray at Halos magkadugtong na ang kilay niya sa pagkakabusangot.

"Sorry na, Super hungry lang talaga ko. Sige ba, Basta libre mo ulit ako. Yung mas madami pa dun, kinulang ako eh," She sarcastically laugh at my joke.

"Okay, Fine! Basta wag na wag mong gugutumin yung sarili mo kundin Påtây ka sakin." She strictly remind me.

" Aye aye captain!! Ang sweet ng bestfriend ko. Baka naman langgamin ako." hihihi. "I love you, Pero hindi tayo bati " Pabiro ko siyang inirapan sabay tawa. "Thank you for today. You make me super happy. You did a very great job."

" O sige na, tama na ang drama. Mauna na ko. Baka matalakan pako ni tita." I laughed at what I said. Matatalakan talaga ako kasi madilim na.

We bid our good bye at each other. Nang pumasok ako sa loob ng nabungaran ko ang aking pinsan na tinatalakan na naman ni tita. Sa tingin ko inutusan siya ni tita.

"Buti naman naisipan mo pang umuwi!" Sigaw sa akin ng akin ni tita.

" Sinamahan ko lang po si akisha na bumili ng gagamitin niya bukas para sa pag-aaral niya."

" Bakit? 'di niya ba kayang bumili ng mag-isa? Sinasabi ko sayo Aeya, lumayo ka sa babaeng yun. Wala kang mapapala dun. Ano bang maitutulong nun sayo,ha? babae?" Bulyaw sakin ni tita. Sigurado hanggang labas rinig yung seremonyas ni tita. Usapan na naman kami ng mga walang magawang marites.

" Mabait naman po siya. medyo pranka nga lang. " I slitely chuckled to lessen my nervousness.

" Ay bahala ka sa buhay mo. Bwîsít ka. Magsaing at maghugas ka na nga lang ng mga plato. Pati yung mga labahin tambak na naman. Makalayas na nga lang" Pangtapos ng sermon ni tita ay pumunta na ko sa kuwarto ko.

Maayos naman yung kwarto ko may maayos na kama at malinis na comfy.

"makapag bihis na nga lang"

Natapos ang araw ng ganon ang kaganapan. Wala naman ng bago dun.

Parang paulit-ulit lang. nakakapagod, nakakasawa . Pero ano nga ba ang magagawa ko mahirap lang kami.

Sabi ni tita, ibinigay lang daw ako ng nanay ko sa kaniya. Wala naman akong sama ng loob sa kanila. Gusto ko lang na makilala sila kahit ayaw nila sa akin.

Minsan ng pumasok sa isip ko na mag suïside pero hindi pwede, Paano sila? Yung mga bestfriend ko? Sila tita? Wala ng magta-trabaho para sa kanila. Hindi naman marunong maglaba si Jess. Wala namang Trabaho si tita at si tito naman kulang ang binibigay sa amin sa pag-co-constuction niya. Paano nalang sila?

Masaya naman na ako sa status ng buhay ko kaya thankful ako kay god dahil hindi niya ako pinabayaan.

...

COPYRIGHT © 2024 BY IRIS_LUNA7

PAALALANG MALALA NI AUTHOR...

THERE IS SOME GRAMMATICAL ERRORS. THE AUTHOR WASN'T PERFECT. MAY PAGKA-OVER, OVER DA BAKOD. CHAROT. MAIINIS KA DIN SA KATANGAHAN NI LEADING LADY. SAME FEELINGS SAME. SA GITNA PA NAMAN YUN. (Uyy! Spoiler.)

ALL RIGHTS RESERVED. NO PARTS OF THIS STORY IS REPRODUCED OR TRANSMITTED IN ANY FORM OR BY MEANS, ELECTRONIC OR MECAHINICAL, INCLUDING PHOTOCOPYING, RECORDING OR BY ANY INFORMATION STORAGE AND RETRIEVAL SYSTEM, WITHOUT THE PERMISSION OF THE AUTHOR, EXCEPT WHERE PERMITTED BY LAW.

THIS IS A WORK OF FICTION. NAMES, CHARACTER, SONG, BUSINESS, PLACE, EVENT AND INCIDENCES ARE MADE/PRUDUCT OF THE AUTHOR'S IMAGINATIONS OR USED IN A FICTITIOUS MANNERS.
ANY RECEMBLANCE TO ACTUAL PERSONS, LIVING OR DEAD, OR EVEN EVENT ARE PURELY COINCIDENTAL...



Babush na sa Author nyong unggoy. hahahaha

Silhouette of us (TRIO'S GOAL 1)Where stories live. Discover now