VIII

4 2 0
                                    

'Mag-ingat na pagkakatiwalaan'






Lunes na ng gabi makauwi ako. Bumungad sa akin si tita na galit na galit.

Ang usapan kasi nila ni tita na isang araw lang ay nauwi sa dalawa kaya ito galit na galit.

Buti na nga lang naputol ang pag-sermon niya sa akin ng dumating si tito.

Nung dumating si tito ay nilayasan na ako ni tita. Pupunta na yata sa kwarto nila.

Galing nanaman si tito sa inuman.

Masama ang pakiramdam ko. Iba ang tingin saken ni tito na para bang may balak siyang gawin na masama sakin. Nakatingin siya sa aking mga hita. Agad akong pumasok sa kwarto ngunit sumunod siya saakin. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang aking hita at sabay sabing " wag kang sisigaw." Nakatapat pa ang mga daliri nito sa labi at nakangiti na parang manyak.
Natatakot na ako at naiiyak na ako. Nagpatuloy siya sa paghawak sa akin. Wala akong magawa. Hindi ko naman siya kayang itulak kasi malaki ang katawan niya.

"Wag po!" Sinampal niya ako ng subukan kong manlaban.

"Sige lumaban ka! Mas masasaktan ka lang!" Wala akong nagawa kung hindi umiyak at manalangin sa panginoon na tulungan niya ako.

Sinira ni tito Marcus ang damit ko. Makapal naman ito pero parang wala lang ito sa kaniya. Medyo namumula-mula ang mga mata nito. na tila mo'y adik sa kanto. Nagmistulang isa akong daga na nahuli ng pusa.

Kahit alam kong masasaktan ako ay sinubukan ko paring magsisigaw. "Tulong!!"

Tila nadinig naman ng langit ang aking hiling ng pakalabog na bumukas ang pintuan ng aking silid.

"Hayöp kang malandi ka! pinapatira ka na nga namin dito ganyan pa ang ganyan ang isukli mo sakin!" Galit itong lumapit sa akin at sinabunutan ako.

"Wala po---"

"Sumasagot kapa!" Lumapit sa amin si tito at malambing na hinawakan ang kamay ng asawa nito.

"Hon, ano na ang bahala sa pamangkin mo malandi. Paparusahan ko sa kapangahasan."

"Huyy! Akala mo hindi ko mapapansin hano! Bakit andito ka sa kwarto ng malanding to?!" Please, bitiwan niyo na tita yung buhok ko. Matatanggal na yung anit ko.

"Tinawag niya kasi ako! Magpapatulong daw. Tapos bigla nalang siyang naghubad."

"Buwisit ka talaga! Palamunin!" Ang sakit naman magsalita ni tita. "Lumayas ka dito!"

Tila iyon lang ang hinihintay ko at nailabas ko ang aking saluobin.

"Aalis po talaga ako!" Umiiyak na wika ko. "Hindi ko na kaya! Hindi ko na kaya yung pangmamal-trato niy-o" pumipiyok na sabi ko.

"Ayoko na! Tao lang ako! Napapagod din ako, lalo na sainyo na para kayong mga bingi! wala kayong iniintindi kundi ang mga sarili ninyo! Wala kayong ibang naririnig kung di ang gusto niyo lang pakinggan! Oo alam k-ko... Alam na alam kong ampon lang ako dito pero... Kahit kailangan hindi niyo ko tinuring na pamangkin, ni minsan hindi niyo ko tunuring na tao!" Pasaring na sigaw ko. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Mailabas ko lang ang saluobin ko. Matagal ko nang kinikimkim ang sakit na to. Ayokong mapuno ako at umabot sa sakitan.

"N-nabastos na ako... Ako pa rin ang mali! Nakikita niyo po ba itong itsura ko?" Nakakita ako ng awa sa mga mata nito ngunit sandali lang ito. "Kung hindi ka dumating baka na r@pe na ako!"

"Huwag ka ngang madrama! Umalis ka dito! Dali mo ang mga gamit mo! Hindi ko kailangan ng walang utang na loob na tulad mo!"

"Ang sakit mo naman pong magsalita. Bakit ganon lang sainyo kadaling palayasin ako? Bakit ganon kadaling sabihin yan! Turuan niyo naman po ako, Kasi ako hindi ako kagaya niyo. Hindi ako bato ang puso ko!" Humahagulgol ako ng iyak habang sinasabi ko yun. "Ano po ba ang ginawa kong mali sa inyo? Lahat naman ng gusto niyo ginawa ko na ah?! Ano pa ang kulang?! Ano pa?!" Nasasaktan ako sa sinasabi ko sa kanila pero gusto kong malaman nila kahit sa huling sandali na nasasaktan na nila ako ng sobra. "Tumigil ako sa pag-aaral dahil gusto ko kayong tulungan sa pang-gastos dito sa bahay! Hindi ko sinusumbat yon pero gusto ko lang naman na ma-appriate niyo yung ginagawa ko? Mahirap ba yun?" Siguro nga mahirap para sa kanila? Isa lang naman akong hamak na pina-ampon sa kanila dahil hindi kayang tustusan ang pangangailangan.

"Sige po, aalis ako. At kailanman hindi na ako magpapakita sa inyo. " Pagkatapos kong sabihin iyon ay kumuha ako ng damit at sinuot sa harapan nila.

Nakakita ako maleta sa gilid at sinaksak doon ang mga damit ko. Wala akong pakialam kung magusot man yun. Ang mahalaga mkaalis na ako sa bahay na ito. Hindi ako makahinga sa mga toxic na tao dito. May manyak pa na kasama.

Pagkatapos ko ilagay doon ay nagmamadali akong bumaba. Hindi parin tumitigil si tita sa masasakit na salita na sinasabi niya.

Hindi na lamang ako nagpa-apekto. Na sa unang pagkakataon nakapag-taingan kawali din ako.

Hindi lang pala si jess ang gagawa nito sa bahay na ito. Nkkktwang isipin na oinalayan na nga ako yun pa ang iniisip ko.

Sumulyap pa ako sa huling pagkakataon sa bahay na kung saan naranasan ko ang lahat ng sakit.

....

Naglakad lang ako ng naglakad sa kung saan ako dalin ng paa ko. Hindi na ako na ako nakapagpaalam kay Ava sa sobrang pagmamadali umuwi. Idagdag pa na low-bat ang phone ko.

May nakita akong mga lalaki na tambay na nag-iiniman.

"Hi miss byutipul!" pinagkiskis pa nito ang mga kamay. Ngumiti pa ito kaya nakita ko ang mga nabubulok nitong ngipin. Napangiwi ako.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. "Suplada ka ah! " Pinalibutan ako ng mga kasama niya. "Hawakan niyo."

Sabay na hinawakan ng dalawa pa nitong kasama anh mga kamay ko. Sinubukan kong tumakbo pero nahawakan ako nito. "Wag mo nang subukan miss." Natatawang sabi nito. Sumabay pa tung dalawa parang mga baliw.

Hinawakan nung lalaking bulok ang ipin ang pisngi ko. "Ang kinis! siguro masarap to." Manyak na tumingin ito sa akin. Nagtagal ang mga mata niya sa dibdib ko.

"Parang awa nito na pakawalan niyo na ako! " Nagmamakaawa kong wika. Ngunit parang wala itong narinig at inilapit sa akin ang mukha. Pumikit na lamang ako para tanggapin ang kapalaran ko. Napadilat ako ng hindi ko ito naramdaman. Lumuwag din ang pakakahawak sa akin ng dalawa.

Nakita ko sila na nakikipag-suntukan sa isang lalaki. Nang mapa-gawi ang tingin niya ay tyaka ko lamang ito nakilala.

"Saint..."

Silhouette of us (TRIO'S GOAL 1)Where stories live. Discover now