'Being tough is a decision'
Nang makalapit ito sy konti-konti ng sumara ang talukap ng aking mga mata.
'Nahuli na naman ako, Mahal ko. 'Nasaktan ka nanaman nila.'Di ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.
...
Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag.
Unang bumungad aa akin ay ang kulay itim na ceiling.
Ehh? Asan ba ako? Kinidnap ba ako? Wala naman silang makukuha sa akin...Infairness ang ganda ng bahay ng kidnapper. Ang lawak! Masam malaki pa yata to! Lakad lkas ako at may Apat akong pinto na nakita. Yung isa Obvious na veranda kasi tanaw na dito yung city. City? Paano ako naka-punta dito? Lumapit pa ako at in-slide ang pinto. "Wow ang ganda!" Ang daming building. "Sana dito nalang ako! Ampunin niyo na po ako!"
"Maganda talaga." Bigla akong napalingon ng may may magsalita. "Also, you can stay here. As long as you want you're welcome." He added.
"Saint?" Nung mapangtanto ko iyon ay napaayos ako ng tindig. Paano ba naman napayuko ako. Malayo kaya siya!
"The one and only." He huskily said. Itong lalaking to. Ayaw umayos. Kailangan pang may landi? Kung alam ko lang na gaganto siya, sana matagal ko na siyang linapitan. "You can use the bathroom. It's over there." He pointed his index finger in the door next to the veranda.
"O-kay" Nang isara niya ang pintuan ay dali dali akong pumunta sa tinuro niyang bathroom.
"Wow kahit banyo ang ganda. Kwarto ko na to ah!" Naisaturan ko nalang.
May nakita akong twalya na may note na nakalagay.
"here's the towel. You can also pick what you like next door ;)'
Ang sweet! May pa-note pa si mayor! Akala mo naman! Ackkkkk nikikilig nanaman ako!!!
Okay stop na! Umayos ka! Tandaan mo, hindi mo to bahay. Wag kang mag-ala taong bundok.
Lumapit ako sa tub. Alam ko naman pano ito gamitin. Nanonood kaya ako ng k-drama!
Pagkapuno ng tub ay nakita ko yung Parang sabon. "Alam ko to eh, Eto yung inilalagay sa Tub dun sa mga napapanood ko."
May label na nakalagay dito pero hindi ko naman maintindihan. Mabango naman. "Bahala na. Basta ganito yun."
Pagka-flip ko nung takip ng sabon ay sumakay na ako. Kinaw-kaw ko yung tubig pero ayaw naman bumula.
"Ehhh? bakit ayaw bumula? Yung sa mga napapanood ko ang dami ng mga bula! Madaya!!" Naiinis na wika ko. Hindi ko nalang prinoblema yon kasi alam kong sasakit lamang ang ulo ko kakaisip.Ginamit ko naman yung katabi nito. Siguro ito yung shampoo. Ang dami naman kasi ng gamit dito. Hindi ko tuloy alam kung alin ang kukunun. Pagka-pump ko ito sa kamay ko nun ay inilagay ko ito sa buhok ko. Kulay puti ito na parang foam. Ang sosyal naman ng lalaking to. Sana all mayaman!
Tumayo ako sa tub. Baka kasi mahaluan ng shampoo.
'Di ko napansin na hindi ko pala nasara ang takip ng sabon kaya, alam na ang next...
"wahhhhh! O-ouch! Ang sakit! "Naluluha kong subukan na tumayo pero hindi ko mailakad ang paa ko. "Ang sakit ng balakang at binti ko!" Pasaldak kasi ang bagsak ko. Bali una ang balakang.
Nagult ako ng bigla naman bumukas ang pintuan. "What happened?!"
"ahhhhhh---Ahhhhhhhh" Sabay na sigaw namin. Dali dali naman itong tumalikod. Namula ang mga pisngi ko ng tumalikod siya. Gumapang ako papunta sa towel na nakasabit kahit ang sakit ng balakang ko. Inmbinalot ko ito sa katawan ko.
"P-pwede k-ka nang humarap." Namumula parin ang mga pisngi ko. Nakakahiya! Nakita na niya! nakita niya!
"A-anong p-proble-m" Naputol ang kahihitang nararamdaman ko ng marinig ko ang sinabi niya.
"Pfffff" ang cute mag-conyo.
"Anong nakakatawa?!"
"Ang cute mo mag-conyo!" Mas namula ang mukha niya. Pati yung tenga niya namumula.
"Shut up! Iiwan kita dito."
"Joke lang ehh." He near and carries me in a bridal way. Biglang tumibok ng malakas ang puso ko. Sana hindi niya marinig.
"Ano ba kasi yung ginagawa mo? "
"Naliligo malamang! Kasasabi mo lang kanina!" Irita kong sabi. Kasalanan niya talaga to.
Makalipas ang ilamg minuto ay tumayo ito sa pagkakaupo sa kama. "Kaya mo nabang tumayo? Pwede naman ako na ang kumuha ng damit mo. Hindi pwede na ganyan lang ang suot mo. You know." Hindi maka-tingin na sabi niya. Nakakahiya naman na siya pa ang pagkuhain ko ng damit ko. Kaya ko naman na.
"hmmm.. Kaya ko na. "
"S-sige! linisin ko lang yung kalat sa Bathroom!" Nagmamadali naman itong pumuntang CR.
Iika-ika naman akong lumapit sa WALK-IN closet na nandito. Hindi ko na tiningnan pa ang naturang lugar at hinablot nalang ang una kong nakita. Isa itong White demin shirt at Black jogging pants. Yung undies naman ay nasa bungad lang din kaya kumuha na din ako.
Dun ako nagbihis kahit tatalon-talon ako.
"What stupidity you have done, Aeya?!" Problema non? Kanina ang sweet ngayun pa-what stupid-stupidity you have done.
Lumabas ako ng Wardrome ng nakabihis na. Alanga namang nakahubad ulit.
"Ano?!"
"Ano yung inilagay mo sa bathtub?!"
"Sabon malamang!" Pabalang na wika ko.
"Anong sabon?! This is shampoo." Ayy! shutek! Kaya naman pala ayaw bumula! Ano naman yung isa?
"Ano naman yung isa kong ginamit? alin dito?!"
Pumunta ako dun para ituro sa kaniya. "ito." sabay kuha ng shampoo.
Namula naman ito. Uyy! Kanina pa to mamumula ng namumula! Di pa ba siya move on? ako nga move on na e.
"Ano to?" Itinaas ko pa sa mukha niya. "C-cream."
"Akala ko shampoo! Para saan naman yun?" Wala kasi kami nun e.
"C-cream for private parts"
"E for private parts lang palae okay na yun--- private parts? You mean? you mean?"
Dahan-dahan naman itong tumango. Oh god! Eat me, Now!..
"Labas ka na." Mahina yata ang pagkakasabi ko nito kaya pinaulit nito. "Labas!! " Sigaw ko na namumula sa kahihiyan. "Wag ka munag papakita sakin!" sabi ko ng makalabas ito.
Ayoko na! Puro kahihiyan nalang! Hindi ko manlang natanong kung bakit ako nandito. Pinalayas ko pa.
Isinub-sob ko ang mukha ko sa unan. Di ko namalayang nakatulog na ako.
A/N:
Natatawa ako habang tina-type ko to. Ako nahihiya para kay Aeya.
Share your thoughts about this!!