' Trust god for a better life.'
Nakahanda na ako para pumasok sa trabaho ko.
"Hatid na kita. Pupunta din akong Campany. "
"Pupunta kang campany na ganiyang ang suot mo? "
"Bakit ano bang mali? " Tumingin pa ito sa suot nito.
Naka-pang pasok na kasi ito. Ang weird naman kung pupunta siyang company niya ng naka-uniform siya.
Anyways, that's his company anyway. "Dadaan lang naman ako para pirmahan yung mga papeles na sinend sa akin ni Arkin. papasok din ako pagkatapos." Kailangan i-explain? Tinanong ko lang. Tyaka Bakit mukha akong girlfriend dito na nagi-enterview.
"Oh edi tara na. Ano pang hinihintay mo?" Natatawa itong sumunod sa akin.
...
Pagdating ko sa shop ay nakita ko si akisha. Anong ginagawa ng babaeng ito sito? Wala ba itong pasok?
"-nakakainis talaga siya! " Yun ang bungad ko ng nasa pinto na ako ng shop.
"Salamat. Pwede kanang pumasok, Baka ma-late kapa." wika ko kay saint.
"Walang goodbye kiss?"
"Walaa! Pumasok kana. Dami mong alam." Umalis ito pagkatapos mang-inis.
"Oh bakit hindi ka pumasok? "
"Di mo ka nakikita? Puro putik ako!" Nun ko lang napansin na puro putik ang damit niya. Kawawa mukhang pahirapan ang paglalaba nito.
"Sorry naman. Ano bang nangyare?"
"Yung bwisit kasi na lalaking lagi ko sinasabi sa inyo. Bwisit siya, bigla ba namang tulinan yung pagpapatakbo ng kotse niya! Alam niya naman na nandun ako. He's so jerk! " Galit pa itong sumimsim sa dark coffee niya.
"Baka naman gusto ka lang pala nun? Nagpapa-pansin lang, ganon." Sabi ni ava. Nagbago naman ekspresyon ng mukha niya. Medyo lumambot pero bumalik ulit ang galit.
I feel something nosy...
"A-anong m-may..may gusto. W-wala! walang gusto sa akin yun! Gusto lang nun sirain ang araw ko! " Hahahaha halata.
"Okay sabi mo e." Nagkatinginan pa kami ni Ava at sabay na natawa.
Namula ang mga pisngi niya na parang kamatis. hahahaha
"Akin na nga yung susi." Inilahad nito ang kamay kay Ava. " Maka-uwi na lang. Mga shunga yung mga nakakakasama ko! Kainis! " padabog nitong isinarado ang pinto. I look at Ava. Inilagay ko ang index finger ko katapat ang bibig ko. Back and forth. Signaling her na lagot siya pag-uwi.
"Hoy! kasama ka don! Tyaka maiba tayo. Nakita ko kayong magkasama ni Sir Saint. Ano yun? May something." Tinaas-baba pa niya ang kilay niya. "Spill the tea, Bebs!"
"H-ha? W-wala yun. Magkaibigan lang kami."
"Bakit kayo magkasama? Tyaka bakit hindi ka pumasok kahapon? Hindi ka manlang nagparamdam! "
"A-no ganto kasi yun. " And the story telling happened.
"Sabi ko sayo e. Umalis ka na dun. Ayan tuloy umabot sa ganiyan." Malungkot n ahayag niya. Kumpara kay Aki, si Ava ay ang magaling magpayo. Si aki kasi may pagka war freak. "Maiba tayo. Kay Sir Saint ka nakatira?! Wahhh! Palit nalang tayo ng situation A! Sa apartment ka nalang, ako na dun. For sure, Ang ganda ng bahay non."
"Yeah ang ganda. May kwarto na nga agad ako e. Kaso yung first encounter nam-- " Wag nalang pala. Alam kong mag fri-freak out lang siya. Dun pa nga lang sa sinabi ko na kay saint ako nakatira gusto na akong agawan. Pag-sinabi ko pa kaya ito? Ano ako, Hilo?
"Never mind." With hand gestures pa yan gar!
Tatanungin pa sana niya ako kaso tinawag na kami ng mga kasamahan namin. Bale lima kami. Ako at si Ava as Waitress at Yung parang bartender. And the other two are the waiters. Si madam yung bahala sa cashier. Kaso wala yatang balak oumasok si madam. Mag- aalas-nuebe na kasi.
...
"Hayyyy! natapos din sa wakas. "
"Buti hindi nagpakita si madam! Kung hindi yari tayo." May kagaguhan kasi kami na ginawa ni Ava.
"Bwisit kasi yung matanda na Yun. Apaka manyak! Kung pwede lang manakit ng costumer, Hayyyss"
"Sinaktan mo na nga e!"
"Ay parang siya hindi nang-sabi ng bobö!"
"Epal Kasi! O-order ng burger, Mukha bang Burger King to?! Malaki naman sama yung nakasulat sa labas. Asar!" Sabay na reklamo namin.
"Mag-resign na kaya tayo?"
"Gaga! Saan naman Tayo pupulutin kung aalis tayo dito? Maisip nito!"
"May trabaho na ino-offer si Saint. Pwede tayo dun! Yung company na mina-manage niya. "
"Baka mahirap yun?"
"Anong mahirap?! Sira-ulo ka pala e! Ikaw nga itong nakapagtapos ng pagaaral. Tapos connected pa sa business. Paano naman ako? Bukod sa hindi natapos yung course ko, Hindi pa connected sa company nila!"
"Edi I-connect natin. " Tinignan ko naman ito ng nanlilisik na mata. Itinaas naman nito ang kamay niya.
"Suko na! Itanong natin kay madam bukas. Malaki naman yung sahod diba?"
"Naman! Galante kaya si saint! " Tiningnan naman ako nito ng nangkikilatis na mata.
"Puro ka nalang Saint! " Namula naman Ang pisngi ko. Narinig ko na may bumusina sa harap kaya napalingon kami.
"Speaking of the devil! " Bumaba si Saint sa sasakyan nito.
" Let's go baby." What?! Sa harap talaga ng kaibigan ko?!
"Sana all baby..."
"Friends lang kami. Ano ka ba. "
Tinusok-tusok ni Ava yung tagiliran ko. "Okay, sige, Kaibigan ha, Hindi ka-ibigan. Mauna na nga ako. Baka nakakaistorbo ako sa inyo, Nakakahiya naman." Lumapit ito kay Saint. "Ingatan mo best friend ko! Support kita." Tinapik pa nito ng dalawang beses ang balikat ni Saint. Oinagsasasabi nito. Binu-bugaw ba ako nito?
"Ava!!" Natatawa naman itong umalis.
"Pagpasensyahan mo na si Ava. Ganon lang talaga yun. May tililing."
"Actually, I like her!"
"Huhh? you like her?" Nanghinayang ako. Akala ko naman ako ang gusto ng lalaking to.
"No! I mean, I like her as a friend. She's ship you to me! permission nalang ni aki Pwede na kitang ligawan."
" Bakit sila yung tinatanong mo? Ako ba hindi mo tatanungin? "
Nagtataka ako, Bat sila ang tatanungin, Diba dapat ako?
"Unahin ang kaibigan, bago ang liligawan, para wala ng tanggihan. " Aba! Malakas ang tama! Bagay sila ang magsama!
"Paano naman kung hindi ako pumayag? "
Lumapit ito sa akin. As in malapit. Konti lang mahahalikan niya na ako. Come-on baby, near me... Aty ang lande. Nakakahawa pala ang kalandian."Dalawa lang naman ang pagpipilian mo. Papayag ka O papayag ka?"
"Wala naman akong mapagpipilian dun, isa lang naman yun!"
"Yun na nga e! Wala kang choice kung hindi pumayag! " Ay, Ang galing. Hindi na pala kailangan i-consult sa akin.
***
Hahahaha