'Try to forgave the sins of yourself before other'
"Bwakkk!" Wala na nalabas ko na lahat nung kinain namin kanina.
Sabi ko na nga ba, Umpisa pa lang masama yung pakiramdam ko. Sa tinginan pa nila kanina!
"Hinding hindi na ako sasama sa inyo!" Wala ako pake kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito.
Ang mahalaga mailabas ko ang sama ng loob ko.
"Konting-konti nalang! Isusuko ko na kayo sa mga magulang nyo! Pagod na kong pagtiyagaan yung mga kalokohan niyo!" Paano ba naman kasi, Dalin daw ba naman ako sa amusement park. E ito ang pinaka-ayokong Lugar sa lahat. "Ayoko nang sumakay dun ulit!!""Sige, pero isa pa!" May balak pa talaga?! Bahala sila dyan! iiwan ko sila.
"Birthday ko pero feeling ko pínapåtay niyo na ko." Sumbat ko. "Ano? happy na kayo? "
"Superrrrrr" -Sila.
"Dun naman tayo sa ferris wheel! Hindi don nakakahilo di gaya dito sa roller coaster." huhh! Nag-suggest pa ang loka!
"Kayo nalang uuwi na ko."-me
"Di ka papapasukin sa inyo."-akisha
"At bakit hindi? aber?"-me
"Sabi ko samin ka matutulog." -Ava.
"Tara dun tayo sa may balloons. Dun, sure ako di nakakahilo. " Yun nalang yung nasabi ko. Tapos ang usapan. Ano pa bang magagawa ko. Ala nga namang matulog ako sa kung saan lupalop ng daan!
Lumapit kami dun sa mga balloon na nakagitna sa dart board.
"Kuya, magkano po isang dart?" Tanong ko dun sa lalaking may-ari yata nitong dart balloon (Diko alam yung tunay na tawag. Imbento nalang yan).
"5 pesos po isang dart. Mayroon din po kaming 20 pesos kung saan may limang dart. Oh diba po may freeng isa." Magiliw na paliwanag niya.
"40 pesos nga po." Pagkaabot ko ng bayad ay inabot naman agad sa akin ni kuya yung mga dart. Ang cute kasi nung teady bear. Gusto kong makuha. Para may partner na yung bear na bigay nila aki.
Sa unang subok ko ay himdi manlang tumama, ganon din sa sumunod. "May daya yata tong laro na to e." yung nalang ang sinabi ko. Naka-abang kasi yung dalawa sa akin. Ayoko kayang mapahiya no! Ako nag-suggest tapos palpak. Lima nalang tuloy yung natira.
"Ako nga Diyan, marunong ako niya e." Mayabang na sabi ni akisha. Hindi naman tumama. "Isa pa." Ganun din.
"Sinayang mo lang yung dalawa." Inis na sabi ko kay aks.Nag peace sign nman ito >_<v.
"Ako nga." Isa pa tong Ava na to.
"Pag iyan di tuma--" ayun na nga hindi ng tumama.
"Isa pa." Umisa pa nga.
"Sayang malapit na!" Pang-palubag loob na sabi ni Ava. Malapit daw e, Ni di manlang dumikit sa dart board. May balak pa sanang kunin nito yung last pero iniwas ko ito.
"Ako nalang baka tumama pa!" Nakakainis tong dalawa na to. Sinayang lang yung mga dart.
"Miss, ako na." Napalingon ako ng biglang may pamilyar na nagsalita sa likod ko.
Pagkalingon ko. Diko napansin na sobrang lapit na pala ng mukha niya sa akin. Konti nalang mag ki-kiss na kami. Nasa k-drama na ba kami? Yung magki-kiss ang leading lady?
Bigla akong lumayo dito. "S-sir saint."
He chuckle. "Wag mo na kong i-sir. Saint will do." Nakasmile siya sakin. Di naman ako maka-hindi dahil nakakahawa yung ngiti niya. Di ko namalayan na nakuha niya na pala sa akin yung dart.