'Unahin lagi ang panginoon'
Naalala ko yung sinabi sa akin ni Ava tungkol kay Saint.Ang buo nitong pangalan ay Saint Monalve. Isa pala itong student -CEO. Akalain mo yun kaya niyang pagsabayin yon? Sinabi niya din sakin yung course nito. At marami pang iba na tungkol kay saint.
Okay kalimutan muna natin ang lalaking yun.
"Good morning philippines." maligayang-maligaya ko ng bati. Mahina lang dapat. Haba! ayoko ng masigawan hano!
Pagkatapos kong sabihin yun ay dumiretso na ako sw CR. Baka maunahan ako ni Jess. Mahirap na. Apaka tagal pa naman nun. Kala mo dun na balak tumira.
As usual. I do my morning routine while singing. Also, I exercise a little bit even though I only wear my towel. Ano naman ako lang naman mag-isa sa CR. Liban nalang kung may multo. Na 'wag naman sana.
Nung matapos ay lumapit ako sa damit kong nakasampay sa sampayan malapit sa pinto. "Shocks! Ba't ka nadumihan??"
Hindi ko naman kasi napansin na madumi pala yung sampay. Yung sampayan kasi namin ay gawa sa bakal. Puro kalawang na dahil siguro laging nababasa.
Buti nalang di masyadong pansin. 'Di na ako nagsayang pa ng oras at sinoot ko na ito.
Nung bumaba ako na nakita ko silang tatlo na kumakain na. Wow sino yung nagluto? Ngayun na lang kasi ulit sila nagluto. Lagi kasi ako ang nakatoka sa gawaing bahay dahil daw madami silang ginagawa.
"Aga po natin ah?" Nun lang nila ko napansin ng magsalita ako.
" Sa trabaho ka nalng kumain. Magfa- family bonding lang kami tsaka ubos na yung pagkain."
"P-pero. "
"Ano?!"
"W- Wala po. Sige po mauna na ko." Nakayukonako hanggang alabas ng bahay.
Napa-buntong hininga nalang ako. "Kaya mo yan! Laban lang Aeya!!" Hinayaan ko na pumatak ang luha sa aking mata at pinunasan ko ito agad.
at dahil maaga pa naman, naisipan ko na maglakad-lakad muna.
Nung medyo malapit na ko dun sa shop ay may nakita akong lalaki na naka-upo sa likod ng puno.
Nakayuko iti kaya hindi ko makilala. Pero parang natatandaan ko yung likod na yun.
Mas lumapit ako sa kaniya. "Kuya, ayos ka lang po? "
I asked him without hesitation.Kung titingnan ang damit niya ay mukha naman siyang mayaman.
After I asked that. He suddenly sobbed. Ano yung ginawa ko?!
Tumingin ako sa paligid kug may nakatingin. Baka kasi pagkamalan ako ang nagpapaiyak dito. Kinuha ko yung pinagkakatabi kong panyo. Nadulas kasi si tita nung nakaraan kaya nalaman ko na kasama yun nung bata daw ako.
"Oh kuya. Tagalin mo toh. Ingatan mo yan ah. Yan nalang kasi yung gamit ko na mula sa mama ko. Pasok po tayo sa loob, madumi po dito."
Pagkarinig niya non ay tumingala siya sa akin. Nung ko lang din na pansin na siya pala si saint. Pero ba't umiiyak to? Parang kahapon lang sinisigawan niya pa ko.
Tumabi ako sa kanina dahil mukang wala siyang balak tumayo. "Bakit nandito ka? Anong problema sir? baka matulungan kita." Akala ko hindi niya ko papansinin dahil kanina pa siya tahimik. Tumigil na din siya sa pagiyak.
"You wouldn't understand." Aba! Malamang! kung sabihin niya nalang kaya.
"Kaya nga po ako nagtatanong sir."
"Could you please stop saying sir. I know that you know my name."
"Edi wow. E kung magtagalog ka kaya! Baka nakakalimutan mo nasa pilipinas tayo! tyaka 'wag mong baguhinnyung usapan. Tatanungin ulit kita. Last na to ha?! Ba't ka umiiyak?"
"Se-gi..." Hahaha ang cute niya magtagalog, slang hihihihi. Iyak ka nalang.
"Ppphhh"
"What??"
"Wala.. Sige tuloy mo na yung kwento mo."
"Yung mahal ko, birthday niya ngayun." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Ha? birthday niya ngayun? what a coincidence.
" Talaga? Birthday ko rin ngayun. Send my regards to her. Hindi naman sa feeling close, pero ganon na nga."
I heard that he chuckled. Ackkk ang sarap pakinggan ng tawa niya. Yay! Achievement to par. Achievement!
Napatawa ko tong masungit na to? Ayoko na sa earth!!
Okay serious na.
"Bakit ka naman umiiyak? Birthday naman pala niya. Akala ko kung ano na. "
"S-she doesn't remember me."
"..." napatahimik ako dun. Nagisip ako nag sasabihin para mapagaan ko ang kalooban niya.
" G@go pala yun e! Sa pogi mong yan? Kinalimutan ka lang?!" Exaggerated kong sabi. Sinayang niya yung ganiyong kagwapong nilala.
"She doesn't know that I exist. She had her memory loss. Her memory changed. I also want that. Because all her life, she's miserable." Pagkatapos niyang sabihin yun ay naramdaman ko na parang kinurot ang puso ko. Akala ko malala na yung akin, may iba Pala na mas malala yung nararanasan. Apart from me telling that she had enough. That All she experienced was enough.
"A-ahm..." diko alam bakit bigla ko nalang siyang niyakap. "I wish she knew your existing." yun lang ang sinabi ko pero naramdaman ko na nababasa na yun balikat ko.
Ako din agad ang bumitaw dahil narin baka mahuli na ko sa trabaho ko. Busit na trabaho to. Panira ng moment.
"Uhmm.. una na pala ko may trabaho pa ko."
"Ha-Happy birthday pala."
"Thank you!"
Pagpasok ko sa shop ay hindi ko nakita si Ava. Asan na yung babaitang yun?
"Nauna ka na pala sa akin." Napalingon ako ng may biglang magsalita sa likod ko. "himala maaga ka!"
"Ava!" lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya.
"Asan na si aki?"
"Pumasok na. "
"May pinasabi siya sayo?"
"Huhh? wala. Bakit anong meron?"
Wag niyang sabihin na nakalimutan niya yung birthday ko?
"Wala ka bang naaalala? Anong araw na?"
"U-hmm, ah! " Lumaki ang ngiti ko kasi naalala niya na. Yun ang akala ko. "Byernes ngayun at bukas walang pasok si aki."
Nadismaya ako sa sinabi niya.
Tinalikuran ko siya kasi nanggigilid na yung luha ko. Akala ko maaalala nila. Best friends ko pa man din sila.
"huy!" Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin at nagpatuloy nalang sa pagpunta sa counter.
...
Bagsak ang balikad ko habang pabalik ng bahay. Madilim na sa labas kaya nagmadali na akong maglakad.
Pagkauwi ay dumiretso ako sa higaan ko. Pasubsok kong ibinagsak ang katawan ko sa kama.
Sa daming makakalimutan, Bat yung mahalagang araw pa?
A/N:
Ide-dedicate ko yung next chapter sa first voter ;)