Nagsimula ang orientation at tahimik lang akong nakikinig. Tulad sa mundo ko, nagtatagal ang orientation dahil sa speech ng principal. Pagtapos ng orientation, pinapunta na kami sa kaniya-kaniyang classroom.
"One-B please follow me" Sabi ng isang babae. She's a teacher.
Sinundan lang namin siya, hanggang sa makarating na kami sa classroom namin. Magkatabi kaming umupo ni Akeya sa first row sa left side. Sa dulo ako naupo dahil kita doon ang bintana. This is my favorite spot.
"Okay listen. So wala tayong masiyadong gagawin." Sabi nito. "Introduction. Rules and regulations and voting for class president and vice president. So habang ginagawa natin ang introduction at pinapaliwanag ko ang mga rules and regulation, isipin niyo na kung sino ang gusto niyo iboto as president and vice." Paliwanag nito.
Nag-ingayan naman ang mga kaklase ko habang tahimik naman kami ni Akeya. Bahala na sila pumili, boboto nalang ako kung sino sa tingin ko ang deserving.
"Let's start the introduction. Say your name, age, what kingdom you belong and everything about yourself. Gandahan niyo, dahil dito kayo makakapili kung sino gusto niyo iboto." Saad nito. "Okay, I'll start the introduction. I am Ms. Alyna Alfesa. Twenty years old and I am from Crystal Kingdom. My ability is water and ice."
"You are so young, Ms. Alfesa"
"Yeah. Nagtuturo na ako after I graduated in this university"
"Wow" humahangang sabi ng ilang estudyante.
"Okay, let's start!"
Nagsimula na ang introduction at pinagmamasdan ko lang sila at pinag-aaralan ang bawat kilos at pananalita nila. I am doing this para alam ko kung sino ang iboboto ko.
"Next"
Tumayo na si Akeya dahil siya na yung next.
"Akeya Arakel. Eighteen. From Ruby kingdom. Fire is my ability." pagpapakilala ni Akeya.
"Tell us more about yourself" Sabi ni Ms. Alfesa.
"Uhm... I like reading books especially history"
"You said you are from Ruby kingdom, right?"
"Opo"
"I see. That's why your eyes looks different" Sabi ni Ms. Alfesa. "Okay you may sit down. Next please"
Tumingin sa akin si Ms. Alfesa. Tumayo na ako.
"Good morning. I am Zitania Catainy Anzura from Demi land, but I am currently living in Merlion palace as prince Alviroz Merlion servant. I am eighteen year old and my ability is strength" pagpapakilala ko. "Uhm... That's all" Sabi ko at akmang uupo na ng biglang magsalita si Ms. Alfesa.
"You are related to prince Alviroz?"
"Uhm... Not exactly related, Ms. Alfesa. I'm just a servant of him."
"That's why you are with him, a while ago" Sabi ng isa kong kaklase.
"Aww... She's so lucky." Sabi ng kung sino at doon nagsimula ang bulungan.
"Class quiet!" Suway ni Ms. Alfesa. "Ms. Anzura, you can sit now"
I just nodded then naupo na.
Nagpatuloy ang pagpapakilala at pinaliwanag na ni Ms. Alfesa ang mga rules and regulation dito sa university. Then kuwenento din niya kung paano, kailan at sino ang bumuo ng university na 'to.
"Okay, magsimula na tayong magbotohan. Sino ang gusto niyong i-nominate?"
"Ma'am!"
Lahat napatingin sa isang estudyante, nakataas ang kamay niya at halatang excited siya.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Demi-human Princess (Isekai Series 9)
DiversosBlaire Roxel, an assasin who got another chance to live again but in another world. A new world and a new new life.