Kabanata 11

108 9 0
                                    

"Zi"

Abala akong nagbabasa ng libro dito sa may upuan ko nang bigla akong tawagin ni princess Airy.

"Hmm?"

"May meeting kasi ngayon ang mga president, puwede bang Ikaw na ang umattend?"

"Okay lang naman. Pero puwede ba 'yon?"

"Don't worry, nasabihan ko na si Ms. Alfesa."

"Hmm... Okay"

"Thank you Zi! Kailangan ko kasing bumalik sa palasyo."

"No problem. Ano pala oras ng meeting?"

"After class"

"Okay"

Pagtapos nga ng klase ay agad na akong pumunta sa conference room. Pagdating ko doon, kumatok ako sa pinto at binuksan 'yon. Lahat ng taong nasa loob ay napalingon sa akin. Thank God, tatlo palang sila.

"Excuse me" Sabi ko at naghanap na ng mauupuan. Isang mahabang lamesa ang nasa gitna. Naupo na ako sa silya sa bandang gitna ng lamesa. Nilapag ko ang bag ko sa sahig sa gilid ng inuupuan kong silya. Kinuha ko ang notepad ko at ballpen. Kinuha ko rin ang libro ko para magbasa habang naghihintay.

Mukhang matagal kaming maghihintay.

Bumalik sa alaala ko yung mga panahon na dumadalo ako sa meeting ng mga assassin. Pinag-uusapan namin kung paano namin papatayin ang mga biktima namin. Kadalasan, kapag presidente at may matataas na posesyon ang dahilan ng pagkakaroon ng meeting.

"Hi Zitania"

Napaangat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Si ate Aleya.

"Ate Aleya" tawag ko sakaniya.

"Ikaw pala president sainyo?" Tanong niya at naupo sa tabi ko.

"Substitute. Wala kasi si princess Airy."

"Pareho tayo. Dapat talaga si prince Alviroz ang nandito"

Napalingon ako sakaniya.

"Nasaan siya?"

"Kailangan niya daw umuwi ng palasyo nila"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni ate Aleya. Is it just a coincidence?

Nagsimula ng magsidatingan ang iba pa hanggang sa nagsimula na nga ang meeting. Pinag-usapan lang namin ang mga darating na event ng school. Tulad ng festival at anniversary ng school. Napag-usapan din ang mga problema nila sa kani-kanilang classroom.

"Ikaw Zitania, wala ka bang ise-share na problema sainyo?" Tanong ni ate Aleya at lahat naman sila napalingon sa akin.

"Uhm..."

Iniisip ko kung may problema sa classroom namin, pero wala naman akong maalalang problema. Wala din sinabi si princess Airy na sabihin ko dito sa meeting.

"Wala" Sabi ko. 

"Ehh? How about cleanliness? Tulad ng sinuggest ni president Lean."

Oh yes, princess Lean is here.

"Wala naman problema doon. Malinis naman ang classroom namin lagi."

"How? I mean, ang alam ko walang naglilinis sa classroom ng juniors" tanong ng isa sa mga president.

"Hmm... May schedule kami. Everyday, may isang grupo ang naka-assign na maglinis. Kaya palaging malinis ang classroom namin."

"Ahh... That's a good idea" someone said.

"Sa mga classmate mo, wala bang problema?"

"Uhm... Wala naman. Everyone is doing good. Walang nale-late. No one skip the class, except kapag valid ang reason."

Reincarnated As A Demi-human Princess (Isekai Series 9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon