"Hey, wake up!"
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at kinusot-kusot 'yon dahil malabo ang vision ko. Nang luminaw na 'yon ay agad kong nilibot ang paningin sa buong paligid. Purong puti lang ang nakikita ko.
"Hi, welcome"
Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Nakasuot siya ng mahabang dress at may suot na puting flower crown. She's gorgeous.
"Who are you?"
Nasa langit na ba ako? Pero imposeble, sa dami ng pinatay ko imposebleng sa langit ako mapunta. Kahit na masasamang tao din ang pinapatay ko, hindi parin ako tatanggapin sa langit.
"I'm Goddess Zaleria, Goddess of reincarnation." Sabi niya at bahagyang inangat ang magkabilang gilid ng saya at yumuko.
"Goddess of reincarnation?" Kunot-noong tanong ko habang tumatayo ng maayos.
"Yes, and I am giving you a chance to live again"
"R-Really?"
"Yup! But you can't go back to your current body."
"Wait... Why are you giving me a chance to live again?" Takang tanong ko. "As I know, Goddesses served God. Bakit mo tinutulungan ang isang tulad kong member ng isang assasin? A killer"
"Blaire, I'm not just giving you a new life. I am also giving you a chance na itama ang mga maling nagawa mo sa past life mo." Paliwanag niya. "Pero kung ayaw mo naman, it's fine. Ibabalik ko nalang sa lupa ang kaluluwa mo at hintayin mo nalang kung sino ang susundo sa 'yo."
A new life...
"O-Okay... Payag na akong i-reincarnate mo 'ko" sabi ko.
"That's a good decision" nakangiting sabi niya. "But for your information. Hindi kita ire-reincarnate sa Earth"
"Ha? Saan?"
"Sa ibang mundo"
"Ibang mundo?"
"Yup" She excitedly answered. "Where magic exist"
"Really?"
"Yup"
Woah! It getting more exciting!
"So? Are you ready?"
"Ouhm..."
"Then, good luck"
She snap her hand and suddenly it gets dark.
Blaire Roxel, may payapang buhay kasama ang pamilya ko. Have a lovable ang caring mother. A handsome businessman father. A sweet handsome older brother. Kung tutuusin, I have a perfect family, but I feel so unsatisfied with the life I have. I am looking for something exciting and thrilling.
Bata palang ako, nahilig na ako sa panonood ng mga action movie, siguro dahil na rin kay Papa na mahilig din sa mga ganoong genre at lagi ako noon nakikinood sakaniya. Hanggang sa nagsunod-sunod and I got obsessed with it, to the point na pumasok ako sa isang training school kung saan tuturuan ka kung pa'no makipaglaban, humawak ng baril at kung ano-ano pa and in two years, natutunan ko lahat 'yon.
At doon ko nakilala ang isang lalaking nag-alok sa akin na sumali sa organisasyon nila. Isang organisasyon na pumapatay ng may mga gustong ipapatay ng mga customer nila. Isang assasin group. First, I hesitated. Hindi ko alam kung legal or illegal ang organisasyon nila. Hindi ko alam kung sino ang owner o nagpapatakbo ng organisasyon, dahil tanging ang mga matataas ang posesyon lang ang nakakakilala sakaniya at ang nakakausap niya.
But to hear about the one to two years training, it gets me excited. Alam kong hindi pa sapat at kulang pa ang training na ginawa ko sa training school, kaya tinanggap ko ang offer niya dahil doon. At saka, excited din ako sa mission na sinasabi niya.
Noong una, training ang ginawa ko at isang taon lang ang naging training ko, hanggang sa sinalang na ako sa kauna-unahang mission ko. Madaling mission lang ang unang pinagawa nila sa 'kin. At ilang buwan lang, sinalang na nila ako sa seryosong mission. That's the first time I kill a person. Pero, ewan ko kung bakit hindi ako nakaramdam ng takot at kung nakaramdam man ako ng kaba dahil 'yon sa ayukong mag-failed sa mission ko at mapahiya.
Takot? Hesitation? No, hindi ko naramdaman 'yon. Excitement, yes. Doon ko naramdam at nakita ang matagal ko ng hinahanap. The excitement and thrill. Pero katagalan, unti-unting nawawala 'yon at parang hindi na ako masaya sa ginagawa ko.
Nagsasawa na ako...
I quit, but quitting means I need to die. One of the rules sa organization, ay kapag pumasok ka hindi ka na puwedeng lumabas. Makakalabas ka lang, kapag malamig na bangkay ka na. And that's what happen to me.
Regret? No, hindi ako nagsisi sa ginawa kong desesyon. Nadungisan man ang mga kamay ko, pero dugo naman 'yon ng mga taong mapang-abuso at sakim sa pera. Yung nangyari sa 'kin, kabayaran na rin 'yon sa mga kasalanang nagawa ko. Pagsisinungaling at paglilihim ko sa pamilya ko. Pero ewan ko kung swerte ba matatawag, na nagawa ko pang mag-message sa kanila.
"Sorry" ayon ang message na pinadala ko sa kanila bago ako bawian ng buhay. Alam kong hindi nila maiintindihan 'yon, pero maiintindihan din nila 'yon sa tamang oras. Kilala ko ang pamilya ko, alam kong hindi sila titigil sa pag-iimbistiga hangga't hindi nila nakukuha ang hustisya, lalong lalo na si kuya.
"Zitania"
Napalingon ako kay ina na kakalabas lang ng bahay.
"Ina?"
"Kakain na tayo"
"Sige po ina, susunod ako"
"Sige"
Zitania Catainy Anzura, a demi-human princess of Demi land. Daughter of Queen Liona Anzura and King Cathro Anzura. They're my new family. And yes, I got reincarnated as a demi-human, a half animal and human. Same ang appearance sa mga tao, pero ang tenga namin ay nasa magkabilang side ng ulo namin at may buntot. I'm a half cat same with my parents. My mother is a half white cat while my father is a half black cat. At kay ama ko namana ang kulay ko at ang asul na mata ko naman ay kay ina.
At tulad ng sabi ni goddess Zaleria, magic exist in this world. Pero sa mga demi-human, dalawang ability lang ang meron sila. It's strength and speed ablity. But since I'm a reincarnation, Goddess Zaleria gave me another ability. It's a healing magic.
I am currently a ten year old demi-human. And I am currently learning my healing magic. Pero hindi ko 'yon pinaalam kila ina o kahit kanino dahil tulad ng sabi ko, strength at speed lang ang ability ng mga demi-human.
![](https://img.wattpad.com/cover/373442946-288-k709309.jpg)
BINABASA MO ANG
Reincarnated As A Demi-human Princess (Isekai Series 8)
RandomBlaire Roxel, an assasin who got another chance to live again but in another world. A new world and a new new life.