Kabanata 18

40 2 0
                                    

Ngayon ko lang napagtanto ang mga kamalian ko sa dati kong buhay at ang makaramdam ng pagsisisi. Ganito pala ang pakiramdam na magkaroon ng normal na buhay. I mean, naranasan ko naman ang isang normal na buhay kasama ang pamilya ko, pero panandalian lang 'yon. Sinira ko 'yon dahil sa kagustohang magawa ang mga gusto ko. To satisfy my self.

Hindi ko man lang naranasan noon ang ma-inlove ng subra. Ang maramdaman ang ganito. Ang sarap pala sa pakiramdam. Akala ko kasi puro sakit lang ang mararamdaman ko kapag na-inlove ako, tulad ng nangyari sa akin noon. Alam ko sa sarili ko na hindi ko naman siya ganun ka-subrang mahal, nasa like stage palang ang nararamdaman ko noon sa ex ko. Pero nakaramdam parin ako ng sakit pero mas nangibabaw ang galit at inis.

Galit sa sarili ko na hinayaan ko ang sarili ko na magkagusto sakaniya, na pinag-aksayahan ko siya ng oras.

Akala ko noon, sa mga drama series, movie at mga libro lang nangyayari na kaya nilang ipaglaban ang pagmamahalan nila at walang kahit ano mang makakapaghiwalay sa kanila, kahit na alukin pa sila ng isang milyon o higit pa ng mga magulang nong partner nila. Akala ko puro kaartehan lang ang mga nakikita ko at ka-oa'han lang ang mga nakikita kong mag-jowa sa daan na halos batuhin ko sila dahil sa pangdidiri.

Pero tang*na! Hindi ko akalain na makikita ko ang sarili kong nakikipaglandian sa harap ng madaming tao. At alam ko sa sarili ko na kung ano man ang mga mangyari sa mga susunod, ipaglalaban at ipaglalaban ko siya, kahit na kamatayan pa ang kapalit non.

Oo, ganun ko siya kamahal. Ganoon ko kamahal ang isang prince Alviroz Merlion.

"Alviroz" tawag ko kay Alviroz habang naglalakad kami sa hallway papunta sa dorm namin. Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin siya.

"What's wrong?"

"Can I sleep with you again, tonight?"

"Wala namang problema, but are you sure?"

Tumango lang ako sakaniya.

"Okay"

Bumalik na ulit kami at umakyat na papunta sa fifth floor kung nasaan ang dorm room niya. Nasa third floor yung dorm room namin nila Akeya, kaya dumaan pa muna kami sa fourt floor bago kami nakarating sa fifth floor at naglakad lang ng ilang kilometro papunta sa kwarto niya.

"Maglilinis lang ako ng katawan" Sabi ko. "Can I borrow your shirt again?"

"Hhm."

Naghanap na ako ng damit sa cabinet niya at yung suot kong white long sleeve polo shirt kagabi ang kinuha ko ulit. Pumasok na ako sa banyo at naligo na. Sinuot ko lang ulit yung underwear ko at yung polo shirt. Pinunasan ko lang ang buhok ko hanggang sa hindi na 'yon tumutulo saka ako lumabas na ng banyo. Nakita ko si Alviroz na nasa may cabinet niya, mukhang naghahanap ng damit.

"Maliligo ka din?" Tanong ko.

"Yeah"

"Okay, una na ako sa kama ha"

"Go ahead"

Sumampa na ako sa kama at nahiga. Patagilid akong nakahiga. Gusto ko na sana matulog pero hindi ako makatulog. Maya-maya lang naramdaman ko ang isang mainit na yakap ni Alviroz sa 'kin mula sa likod ko. Dahan-dahan akong humarap sakaniya sabay unan ng ulo ko sa braso niya.

"Can't sleep?"

I just nodded. Nagkatitigan kami pero agad na bumaba ang titig ko sa mga labi niya. Naalala ko yung nangyari kanina. His lips is soft. Natigil ako nang bigla nalang niya inangat ang baba ko at inabot ang labi ko. Napapikit ako at tumugon sa mga halik niya. Lumalalim na ang halikan namin nang huminto siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reincarnated As A Demi-human Princess (Isekai Series 9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon