Kabanata 5

65 6 3
                                    

KASALUKUYAN kaming nakaupo sa ilalim ng puno ng Acacia, hindi kalayuan ang aming pagitan mula sa isa't isa. Pareho kaming nakasalampas sa katawan ng puno, nakatuon sa hiblang-dagitab ang nga tingin, at dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

Tumunog na ang kampana ngunit pareho kaming mga lunod sa kaniya-kaniyang problema you kaya hindi namin iyon alintana.

“Nais ko pang manatili rito,” sambit niya.

“Maging ako,” tugon ko.

“Palagi ka bang narito, Isabella?” tanong niya.

“Madalas po, Señor,” kaswal kong sagot.

“Daniel na lamang.”

Napalingon ako sa kaniya. Nasa kawalan pa rin ang kaniyang atensyon. Hindi niya ginantihan ang pagsulyap ko kung kaya't bumalik na lamang ako sa pagkakasandal.

“Anong nararamdaman mo tuwinang tinatawag ka nilang—” Tumikhim siya. “Paumanhin. Hindi ko dapat tinatanong ito,” nahihiya niyang putol sa sariling pahayag.

“Na isa akong hija de nadie? Tunay naman iyon, Se—ibig kong sabihin, Daniel,” alinlangan kong sabi saka mapait na natawa. “Ito ang ibinigay sa akin ng tadhana. Tinanggap ko na lamang,” dagdag ko.

Tumingin siya sa akin.

“Pero aaminin ko, masakit,” pagpapatuloy ko saka ko siya tinignan rin pabalik. “Sa loob ng ilang taon na araw-araw ko itong naririnig, masakit pa rin.”

“Hindi mo kasalanan ang kasalanan ng iyong ina,” wika niya.

“Hindi nais ng aking ina na maging isang bayaran. Ginawa niya iyon upang protektahan ako sa aking lolo at lola.” Muli akong tumawa upang hindi maramdaman ang bigat na balikan ang mga ala-alang iyon.

“Ngunit iyon ay nasa nakaraan na, hindi na mahalaga pa,” pagbabago ko sa usapan.

“Nais ko pang marinig ang kwento mo, Isabella,” sabi niya habang titig na titig sa aking mga mata.

Nabigla man sa kaniyang tinuran ay mahina ko na lamang ulit iyon na tinawanan.

“Walang espesyal sa akin,” magaan kong wika.

“Espesyal ka sa akin.” Natigilan ako sa kaniyang sinambit.

Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa kawalan bago muling nagsalita, “Mahal ko ang musika ngunit hindi iyon ang nais sa akin ng Papa. Nais niyang magtuon ako sa negosyo. Sinubukan kong talikuran ang bayang ito upang hindi na sa akin ipilit pa ang pamamahala sa hacienda, ngunit isang De Vera ang Papa. Wala siyang hindi kayang gawin. Labag man sa aking kalooban, ako’y napilitang bumalik.”

“Akala ko’y napundi na ang kislap ng pag-asang makakamit ko pa ang aking nais dulot ng aking pagbabalik. Ngunit nang marinig ko ang iyong tinig kagabi, tila muli mong binuhay ang kislap na iyon. Tila nagbukas kang muli ng panibagong kapitolo sa aking buhay.”

“Kaya’t hangad kong marinig ang iyong kwento, Isabella. Nais kitang tulungan.” Pagkatapos ay tumingin siyang muli sa akin.

“Ngunit—”

“Maaaring ako ang alay ng tadhana daan sa iyong pangarap. Gayundin din ikaw sa akin. Hindi ba't naniniwala ka sa tadhana?” putol niya sa mga sasabihin ko.

“Oo pero hindi ba't labag itong—”

“Ako ang bahala, binibini,” muling sambit niyang nagpahinto sa pagsasalita ko.

Hindi ko na napigilan pa ang mga ngiting matagal ko nang ikinukubli. Sumibol ang pag-asa sa aking dibdib sapagkat siya ang unang taong nais ilaban ang kakayahan ko.

Maaari nga bang ito na ang pagkakataon upang mabago ang aking buhay?

Kung tunay na tadhana ang may akda ng lahat ng ito, buong puso ko itong tinatanggap.

Namumuo na ang luha sa aking mga mata nang ako’y tumingin sa kaniya.

“Sabay nating abutin ang ating mga pangarap, Isabella,” wika niya.

Isang totoong ngiti ang namutawi sa aking labi saka ako tumango. Kasabay nito ay ang pagtulo ng aking luha.

“Sabay nating abutin, Daniel.”

Ngumiti rin siya pabalik, ngiti na puno ng pasasalamat. Maging ang mga mata niyang nakatingin sa akin ay nagpapahiwatig ng pasasalamat na animo'y hindi na masasambit pa ng kaniyang mga labi.

Sa lalim ng gabing iyon, ako’y nagpasya na buksan ang aking puso sa kanya. Mula sa aking mga alaala, inilahad ko ang kwento ng aking buhay, ang aking kaalaman mula sa aking pinagmulan, at ang mga lihim na aking itinago.

Ipinahayag ko ang mga pangarap na nabulok sa aking dibdib, mga pangarap na nabuo dahil sa mga pagsubok ng buhay.

Bawat salitang lumalabas mula sa aking mga labi, tuluyan kong ipinakilala sa kanya ang totoong Isabella Reyes. Na sa likod ng titulong hija de nadie, ako ay kagaya lamang ng iba–may kakayahan, may layunin, may pinagdaanan, ngunit nagpapatuloy na tawirin ang kalupitan ng buhay.

Denied by DestinyWhere stories live. Discover now