Kabanata 9

59 6 1
                                    

NAKASANDAL ang aking ulo sa balikat ni Daniel samantalang ang kaniyang kaliwang bisig ay mahigpit akong yakap. Marahang pinipisil naman ng kaniyang bakante kamay ang aking mga daliri, tila nakikipaglaro sa mga iyon.

“Napakasaya ko, sinta. Hindi ko lubos akalain na ako'y iyo ring napupusuan,” aniya nang may hinahong tinig.

“At bakit naman hindi mo inakala iyon? Hindi ka mahirap ibigin,”  mapagpakumbabang kong tugon.

“Sapagkat aking inakalang isang amo lamang ang iyong tingin sa akin, hindi na hihigit pa roon. Ang iyong pagkahinahon, ang iyong paggalang, at ang iyong mariing pagkatahimik. Lahat ng iyon ay hindi ko mahiwatigan ng pagsinta.”

Mahina akong napatawa sa kaniyang sinabi. “Isang kamalian ang lahat ng naisip mo. Mula noong ako'y iyong sinagip, sumibol na rin sa akin ang paghanga sa iyo. Ikaw ang hindi ko akalaing iibig sa akin. Langit ka at ako'y—”

“At ikaw ang pinakamakinang na tala na nag bibigay liwanag sa akin, mahal ko.” putol niya sa aking mga  sasabihin.

Tila natunaw ang aking puso sa kaniyang mga sinabi. Kumalas siya mula sa akin at hinawakan ang aking mga pisngi. Ginabayan niya ang aking mukha upang magtama ang mga tingin namin.

At ang kaniyang mga mata?  Napupuno ng lubos na pagmamahal at pangako ng walang hanggan.

“Tayo'y hindi magkaiba sapagkat pareho ang itinitibok ng ating mga puso. Palagi mo iyang tatandaan,” sabi niya habang nakatitig ng malalim sa akin.

Ngumiti lamang ako sa kaniya bilang sagot, ang mga ngiting iyon ay nagmula sa lubos na kasiyahan aking nadarama.

Wari'y isang hindi matukoy na pwersa ang marahang nagpaalab ng init sa pagitan ng aming mga mata. Habang dahan-dahang lumalapit ang aming mga mukha, hindi namin binitiwan ang pagkakatitig, ang bawat parte ng kaniyang mukha ay tila umukit sa aking isipan.

Mula sa aking pisngi, ang kaniyang kanang kamay ay  dahan-dahang pumailalim sa aking buhok patungo sa likod ng aking leeg. At nang marating iyon ay marahang humigpit ang kapit niya sa aking batok kasabay ng pagdikit ng aming mga noo.

“Ikaw ang aking bulawan, Isabella. Ang tanging irog ng aking puso,” sambit niya habang kaliwa niyang kamay ay dahan-dahang bumaba sa aking balikat, at humantong sa aking bewang.

Niyakap niya ang kaniyang braso doon at bahagya akong hinapit palapit sa kaniya na para bang nais niya akong ipagkait sa mundo.

Patuloy ang paglalapit ng aming mga mukha sa isa't isa at sa bawat segundo ay lalong tumitindi ang pagwawala ng aking puso, tila nais nito kumawala sa aking dibdib. Hanggang sa maramdaman na namin ang init ng hinga ng isa't isa.

Napakalapit namin na kahit hangin ay mahihiyang dumaan sa pagitan namin ngunit siya'y huminto na labis kong ipinagtaka.

“Pinahihintulutan mo ba ang bagay na ito, aking mahal?” naga-alala niyang tanong.

Tumango ako bago nagsalita, “Kahit anong ang gawin natin ay isang pagkakamali na ang ating pagmamahalan sa mata ng iba. Kaya't para saan pa ang pagpigil sa bugso ng ating mga damdamin?”

Hindi ko na kilala ang aking sarili sapagkat nang makitaan ko siya ng paga-alinlangan ay ako na ang pumutol ng mga iyon.

Sinakop ng aking labi ang kaniya kasabay ng pagyakap ng aking braso sa kaniyang leeg. Hindi nagtagal ay nagpatinaod na kami sa sensasyon ng pag-ibig.

Dahan-dahan kaming tumayo nang hindi binibitawan ang labi ng isa't isa at kasabay noon ay ang pagtunog ng kampana. Ang hudyat ng pananatili sa kaniya-kaniyang bahay ay tila naging hudyat naman ng pagkatagpo namin sa aming bagong tahanan–ang isa't isa.

Tinungo namin ang kalooban ng nag-iisang kubo rito sa dalampasigan. Napuno ang gabi ng tunog ng pag-iibigan naming dalawa, ng init na hatid namin sa isa't isa, at saksi ang gintong lugar na ito sa pinakamagandang kasalanang aming nagawa sa aming buhay.

SA aking pagmulat ay natagpuan ko si Daniel na naghahanda ng makakain. Nang marinig ang aking paggalaw ay agad na natuon sa akin ang kaniyang atensyon.

“Magandang umaga, mahal ko,” maligaya niyang sambit saka ako nginitian.

Hindi ako umuwi. Siguradong nag-aalala na sa akin ang itay. Sumilip ako sa bintana na nakabukas na at nakitang mataas na ang sikat ng araw.

“Oras na ba ng pananghalian? Nako! Kailangan ko ng umuwi,” natataranta kong sabi at sumubok na tumayo ngunit agad ring bumagsak muli ng makaramdam ng pananakit sa aking kaselanan.

“Ah!” inda ko kasabay ng mahigpit na pagkapit ko sa kumot na tumatakip sa akin, pansin ko pa ang bahid ng dugo mula doon.

“Isabella!” nagangamba niyang tawag sa akin.

Dali-daling siyang lumapit sa akin, bakas ng paga-alala ang kaniyang mukha.

“Labis ba kitang nasaktan? Ano ang iyong nais? May mga nakuha na akong pamalit mo na kasuotan. May mainit na sabaw rin diyan. Anong pagkain ba ang iyong naiibigan?” sunod-sunod niyang tanong.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili na mapahagikhik sa kaniyang inaakto. Para siyang paslit na nakagawa ng pagkakasala sa mga magulang.

“Ayos lamang ako, Daniel. Huwag mo ako masyadong alalahanin,” nakangiti kong sabi upang pagaanin ang loob niya.

Lumambot naman ang ekspresyon ng kaniyang mukha dahil doon.

“Kailangan ko na umuwi,” seryoso kong sambit saka aking hinawakan ang kaniyang mga kamay.

Ngumiti siya. “Nauunawaan ko, mahal ko, ngunit maaari ba tayong magsalo muna sa pagkain?” aniya.

Tumango lamang ako bilang tugon. Inalalayan niya ako sa pagtayo patungo lugar kung saan nakalatag ang aming pagsasaluhan.

Denied by DestinyWhere stories live. Discover now