Chapter 1
***Kix was happily humming on his way home. Excited na siyang ibalita sa mga magulang ang mataas na marka na nakuha niya sa klase. He was on top in their class, and he’s happy knowing that his parents will be proud of him because of his little achievement. Pero iba yata ang nadatnan niya. Imbes na ang nakangiting ina at ama ang nabungaran ay ang pag-aaway nilang dalawa ang kaniyang nakita.
Nagsisigawan silang dalawa habang ang kaniyang ina ay may hila-hilang maleta. Halatang paalis na siya at pinipigilan iyon ng kaniyang ama.
“You’re really leaving us for that man?!” hiyaw ng ama niya. “You know I can give you everything you want, you just have to wait. Kira, naman, kakatayo lang ng kompanya.”
Their life isn’t that much. May trabaho ang ina sa bangko samantalang ang ama niya ay nagsikap na magtayo ng sarili nilang kompanya. He’s almost successful as the other businessman out there.
Wala namang kaso sa kaniya ang yaman. Ang mahalaga ay kompleto silang isang pamilya at masaya. But seeing his parents right now, fighting and shouting with each other, mukhang masisira pa yata ang masaya nilang pamilya.
“I will leave, Shon. I will leave weather you like it or not!” hiyaw rin ng kaniyang ina.
This is the first time he have seen his parents fight and he doesn’t know what to do. Napaatras siya mula sa pintuan at nagtago sa isang haligi kung saan kitang-kita niya ang nag-aaway na mga magulang.
“Kira, ano ba?!” His father gripped his mother’s arm. Kaagad namang binawi ni Kira ang kamay at masamang tumitig sa asawa.
“Just let me leave me, Shon! Hindi ko na kaya pang manatili sa lugar na ito gayong buntis ako kay Chris!”
Natigilan si Kix maging ang kaniyang ama. Kira’s revelation shook them both.
Shon was unable to move so Kira had the chance to walk away.
“Oka-san,” Kix whispered but enough for his mother to hear it. Sandaling tumigil ang ina sa paglalakad nang makita siya.
“Shonen,” his mother called him by his first name. May dumaang lungkot sa kaniyang mga mata, but his mother chose to walk away from the both of them.
Nang tuluyang makaalis ang ina ay siya namang takbo ni Kix sa loob ng kanilang bahay. Nagwawala na kasi ang kaniyang ama at pinagbababasag nito ang lahat ng gamit na makita niya.
“Dad, please stop that!” Pinigilan niya ang ama sa pagwawala nito. Pero nang makita siya ni Shon ay kaagad siya nitong hinawakan sa braso at kinaladkad palabas ng kanilang bahay.
Binalibag siya ng ama sa kalsada na para bang isa lang siyang isang sako ng bigas. Kix endured the pain on his back when it hit the ground. Masakit ang likod niya pero hindi iyon ang tamang panahon para dumaing siya sa sakit. His father needs him right now.

BINABASA MO ANG
AOS#1: Kix Fujiwara
Romance"Anonymous Organization Series 1" He's a notorious playboy. Breaking a woman's heart and dumping them after a one night stand is his hobby. He doesn't do love and will never believe in that word, not until he found something about the first virgin h...