Chapter 19
***Hinimas-himas ni Yumiko ang tiyan niyang bilog na bilog na. Kabuwanan na niya at ano mang araw o oras ay manganganak na siya.
May lungkot man siyang nararamdaman dahil hindi na naman niya makakasama si Kix sa panganganak ay pinili niya ang maging matatag para sa mga anak nila.
Handang-handa na ang lahat sa nalalapit niyang panganganak kaya walang pangamba si Yumiko na hindi niya iyon kakayanin.
The doctor advised that she should get a cesarian delivery and she kindly obliged. Mahirap man para sa kaniya iyon ay ayaw niyang mangyaring muli ang naging panganganak niya noon kay Koharu.
“Yumiko?”
Nilingon ni Yumiko ang pintuan, naroon si Kira at bihis na bihis na. Napagpasyahan kasi nilang i-celebrate ang pagbubuntis niya lalo na nang malaman nilang lalaki na naman ang magiging anak niya.
Hindi inalam ni Yumiko ang gender ng baby hanggang kabuwanan niya. Gusto niya sanang sabay sila ni Kix na alamin iyon ngunit naalala niyang sobrang tagal na simula nang makita niya si Kix.
Everything is set downstairs at siya na lang ang hinihintay kaya sinabi niyang bababa rin siya kaagad, kailangan niya lang ayusin ang buhok dahil basa pa ito mula sa pagligo niya.
Kira just nodded at her then went downstairs to check on their food. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang maikasal silang muli ni Shon at nabuo ang kanilang pamilya.
They went back to their old house but renovated some parts of it. Nagpupunta lang sila ng Greenwealth Village para bisitahin siya at si Koharu.
Aaron even have his own house now. Nang mailipat sa kaniyang pangalan ang lahat ng naiwang ari-arian ng mga magulang ay sinimulan na rin niyang asikasuhin iyon. Minsan pa nga ay sinasama niya si Koharu sa trabaho at tinuturuan ng tungkol sa negosyo na gustong-gusto naman ng bata dahil marami siyang natututunan.
Nang makapag-ayos si Yumiko ay bumaba na siya para saluhan ang mga bisita.
Ang mag-asawang Fujiwara, si Kristine, si Aaron at ang anak niyang si Koharu lang ang naroon ngunit ang mga hinanda ni Kira ay daig pa yata ang fiesta sa rami ng handa.
“May inaasahan po ba tayong ibang bisita?” tanong ni Yumiko. Diretsong-diretso na rin ang kaniyang pananalita at laking pasasalamat niya sa therapist na siyang gumabay sa kaniya kahit na marami pa rin ang humusga sa kaniyang pananalita, na nagpapanggap lang siya at cover up lang niya ang pagkuha ng therapist.
“Hindi ka pa nasanay riyan kay mama, Ate Yumiko. Noon pa man ay sobra-sobra na kung maghanda iyan,” natatawang sabi ni Kristine na nakayakap kay Aaron.
Matapos ang kasal ng mga magulang ay nagkamabutihan silang dalawa ni Aaron at kaagad na sinagot ang panliligaw nito.
Noong una para silang aso’t pusa ngunit kalaunan ay natutunan din nilang mahalin ang isa’t isa at nagbabalak pa ngang pakasalan ni Aaron si Kristine pagkatapos nito sa kolehiyo.
Kristine kindly said yes to his proposal and feels excited about their upcoming wedding. Dalawang taon na lang kasi ay magtatapos na siya sa pag-aaral.
Naisipan din ni Yumiko ang bumalik sa kolehiyo ngunit ang pag-aalaga sa ikalawang anak ang naiisip niya, at mukhang hindi niya rin magagawa iyon lalo na at mag-isa niya lang na magpapalaki sa kanilang mga anak ni Kix.
“Ang gusto ko ay busog kayo kaya dinamihan ko na ang handa. Saka excited na akong makita ang ikalawa kong apo.” Napayakap si Kira kay Yumiko, hindi niya mapigilan ang pagiging emosyonal.
Inalo-alo naman ni Shon ang asawa dahil hanggang ngayon ay nangungulila pa rin siya sa pagkawala ng panganay na anak.
Nang kumalma si Kira ay sinimulan na nila ang pagkain. Kung ano-ano pa ang kinuhang pagkain ni Koharu kaya binawal siya ng ina.

BINABASA MO ANG
AOS#1: Kix Fujiwara
Romance"Anonymous Organization Series 1" He's a notorious playboy. Breaking a woman's heart and dumping them after a one night stand is his hobby. He doesn't do love and will never believe in that word, not until he found something about the first virgin h...