Chapter 17
***Masakit pa ang ulo ni Yumiko nang bumangon siya. Hilot-hilot ang kaniyang sentido ay nilibot niya ang paningin sa kabuohan ng kuwarto. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang pamilyar na kuwarto nila ni Kix.
Inayos na ni Yumiko ang pinaghigaan saka bumaba na ng kusina para maghanda ng kanilang makakain. But knowing that she woke up really late, she knew that Kira must have cooked for them, or it could be Aaron.
Kung hindi kasi siya ang nagluluto ay sina Kira at Aaron ang nagluluto ng makakain nila.
Nang makababa siya sa kusina ay natigilan siya dahil sa nangyari kagabi. Malinaw na malinaw pa sa kaniya ang nangyari lalo na nang makita niya ang lalaking naliligo sa sarili nitong dugo.
“Yumiko, Hija!” Dinaluhan siya kaagad ni Kira na sobra ang pag-aalala. “Are you feeling okay now?”
Tanging tango lang ang sinagot ni Yumiko. Ayos naman na ang lagay niya ngunit matagal mawala ang takot sa kaniyang sistema dahil sa nasaksihan. Hindi man kasing lala sa mga magulang niya ay sapat na iyon para bumalik sa alaala niya ang gabi kung saan nakita niya ang sariling mga magulang na walang buhay at halos malunod sa dugo.
Iginiya siya ni Kira sa hapagkainan kung saan may nakahain nang pagkain. Kompleto na sila roon at mukhang may bisita pa sila.
“K-Kuya Xian?”
“Hi, Yumiko!” Matamis na ngumiti si Xian Ri, ang asawa ni Hana na siyang kumupkop sa kaniya nang palayasin siya ng tiyahin.
“Xian here is the one who saved you last night. Pinaliwanag niya sa amin na may nanloob dito upang tapusin ang buhay mo. Thank God that you’re safe,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Kira bago yumakap sa kaniya.
Nagtaka naman si Yumiko dahil alam niyang protektado ang buong village kaya hindi niya alam kung bakit may nakapasok. Mukhang nabasa naman ni Xian ang kaniyang iniisip kaya nagpaliwanag ito.
“If you’re thinking why there’s a man here last night knowing that the whole village is protected it’s because the man was a member here. I don’t wanna name the man but he’s a traitor among this organization and Grampa Saturn told me to look after the man and capture him. . . I just couldn’t bring myself not to torture him enough so I ended up killing him.”
Matapos niyang magpaliwanag ay kaagad siyang lumantak ng pagkain, walang pakialam kung may mga kasama siya at nasa ibang bahay. What Xian wants is to eat a good meal.
Nagpasalamat naman si Yumiko gamit ang sign language. Noon pa man nang nasa poder pa siya ng mag-asawang Skywalker ay alam na niyang may mga masamang gawain si Xian na nakasanayan na niya.
Just like Kix’s nameless organization, Xian’s job also seeks to protect humanity from harm and to those people who wreak havoc to the peaceful living.
“Are you okay, Mommy?”
Ngumiti si Yumiko sa anak saka nilapitan siya at hinalikan sa ulo. Tumabi na siya rito at sinabayan sa pagkain.
“Koharu is growing up so fast,” pagpuna ni Xian nang lunukin niya ang kinakain. “You know, you should totally visit Moonlight Cafe, my Everest is waiting for you. She’s five months pregnant now and has been craving for you.”
Tumango si Yumiko bilang sagot. Gusto niya ring bumisita sa kanila ngunit hindi lang niya maharap dahil na rin sa uri ng trabaho ni Kix.
If ever she wants to visit them in the cafe, she wants to be with Kix and Koharu. Gusto niya kasing pormal na ipakilala sa kanila si Kix dahil sa mga panahong walang-wala siya ay ang mga tao sa Moonlight Cafe ang tumulong sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/376616781-288-k348111.jpg)
BINABASA MO ANG
AOS#1: Kix Fujiwara
Romance"Anonymous Organization Series 1" He's a notorious playboy. Breaking a woman's heart and dumping them after a one night stand is his hobby. He doesn't do love and will never believe in that word, not until he found something about the first virgin h...