Chapter 18
***Napatakip ng tainga si Yumiko nang marinig niya ang hiyaw ni Griselda sa hallway. Papunta siya sa opisina ni Shon at kasama niya si Kira upang bisitahin siya ngunit ang bumungad sa kanila ay ang tili at reklamo ni Griselda.
“This is not fair! Why do they have to terminate my contract? Maayos naman akong nagtatrabaho rito! This is really unacceptable! I need to talk to that Shon Fujiwara.”
Maarteng naglakad palabas si Griselda upang puntahan si Shon sa opisina nito ngunit natigilan lang siya nang makita si Yumiko.
Automatic na tumaas ang kaniyang kilay at hindi nagdalawang-isip na lapitan siya.
“Well, what do we have here? Nandito na pala ang isang gold digger na sobrang galing kung magpanggap,” pang-iinsulto niya.
“No wonder your contract has been terminated. Mas magaling kasing umarte si Yumiko at dalang-dala niya pa kaysa naman sa iyo, walang talent at napaka-low class pa,” sagot ni Kira na may malawak na ngisi.
Bumaling ang tingin sa kaniya ni Griselda at siya naman ang tinaasan ng kilay. She didn’t know the old woman at wala siyang oras na kilalanin pa ang kung sino dahil mainit ang kaniyang ulo lalo na at tinanggal na siya bilang artista sa Fuji Studio Network.
“Oh? Tingnan mo nga naman, nagsama ka pa ng isang gold digger na katulad mo.” Tumawa si Griselda, nang-iinsulto. But Kira didn’t mind. Maraming beses na kasi niyang narinig ang salitang iyan at halos araw-araw na sinasabi sa kaniya noong kasama niya pa si Shon at maging noong nasa poder pa siya ni Chris. “Hindi na ako magtataka kung bakit nagsama kayong dalawa. Pareho lang naman ang ugali niyo, mga gold digger.”
“I should be really thankful that Shon terminated your contract. Hindi ka kasi nababagay rito,” pang-iinsulto pabalik ni Kira at doon na nawala sa sarili si Griselda.
She immediately pounce at Kira who’s mocking her with those kind of smirk. Hindi niya kinaya ang mga salitang binitiwan para sa kaniya kaya sinugod nkya ito, ngunit dahil alam ni Kira na susugod siya ay naiwasan niya ang kaniyang atake, dahilan para sumubsob sa sahig si Griselda.
“You bitch! How dare you to make fun of me! I swear I’m gonna put you to jail for ruining me! Siguro ikaw ang nag-utos kay Mr. Fujiwara na ipatanggal ako sa kompanya. Nilandi mo siya saka mo inutusang tanggalin ako dahil diyan sa babaeng sobra kung magpanggap na hindi siya nakapagsasalita!”
“That’s some serious accusation, Lady. Aminin mo na lang sa sarili mo na hindi ka talaga magaling umarte para magtagal ka pa rito sa kompanya. At sino ba naman ang tatagal sa ganiyang ugali? I’m sure that Shon terminated your contract because he’s already full of your bitchiness.”
Muling tumayo si Griselda upang sugurin siya ngunit hindi na niya nagawa pa nang hawakan siya ng dalawang guwardiya sa magkabilaang kamay.
Nakahinga ng maluwag si Kira nang kaladkarin siya palabas ng mga guwardiya. Ayaw man niyang makipag-away sa mga ganoong klaseng tao ay hindi niya hahayaang may mang-insulto kay Yumiko dahil walang laban ang babae. Bukod sa mahina ang depensa ni Yumiko ay hindi pa diretso ang kaniyang pananalita.
Kira also don’t want Yumiko to take another stress. Mas lalong makakasama sa batang dinadala niya. Malakas ang kapit ng bata ngunit kung duduguin siyang muli ay baka hindi na niya kayanin pa.
“I’m glad that woman is already out of here. I heard from the others that she’s really confident about herself and tends to insult others too,” bulong ni Kira kay Yumiko habang nakatingin sila kay Griselda na nagwawala at pilit na kumakawala sa hawak ng mga guwardiya.
“Are you girls okay?”
“Shon!”
The two of them turned to see Shon who’s already behind them. Kaagad na niyakap ni Kira ang dating asawa at sinabi sa kaniya ang ginawa ni Griselda.

BINABASA MO ANG
AOS#1: Kix Fujiwara
Romance"Anonymous Organization Series 1" He's a notorious playboy. Breaking a woman's heart and dumping them after a one night stand is his hobby. He doesn't do love and will never believe in that word, not until he found something about the first virgin h...