CHAPTER 6

199 6 0
                                        

Chapter 6
***

Koharu pouted sadly as he heard what his Mom said. Nabasa kasi ni Yumiko ang naiwang note ni Kix na nakadikit sa refrigerator at sinabi na mawawala ang ama niya ng dalawang araw.

‘I’ll be gone for two days. Got work. You can go to the mall today, I already asked Delia to accompany you.’

Medyo nagtatampo si Koharu dahil gusto niyang palagiang kasama ang ama. But Yumiko made him understand that he has to do his job for them, so he can buy them anything they want.

“But, Mommy, I don’t want anything from daddy. I just need him to be with us.”

Yumiko smiled upon hearing that from her son. She’s so proud of Koharu. At a young age, he already know what’s between right and wrong.

“Don’t worry, son. It’s just two days, you have to understand.”

Tumango lang si Koharu sa sinabi ng ina gamit ang sign language. Nagpatuloy sila sa pagkain ng tanghalian at nang matapos ay sabay nang naligo.

Nakapagpalit na ng damit ang mag-ina nang tumunog ang doorbell. Pinasuot muna ni Yumiko ng sandals ang anak at binuhat pababa. Pinagbuksan niya ang taong kanina pa nagdo-doorbell.

Isang babaeng nakasuot ng pulang damit ang tumambad sa kanila. Matangkad ang babae na halos kailangan pang tingalain ni Yumiko.

Bigla siyang nahiya sa sarili nang makita ang babae. Kung ikukumpara kasi siya sa babaeng nasa harapan niya ngayon ay walang-wala siya.

Pang-modelo ang hubog ng katawan ng babae. Sexy siyang tingnan at napaka-sopistikada. Ang buhok niyang kulay brown ay umaabot sa kaniyang siko, unat iyon at kulot sa dulo.

Mataray ang mga mata niyang nakatingin sa kaniya, mahahalatang galing talaga siya sa isang mayamang pamilya.

Yumiko did came to a wealthy family, but that was once when her parents were still alive. Nang mamatay ang mga magulang niya ay napunta siya sa pangangalaga ng tiyahin, ang kapatid ng kaniyang ina, pero hindi naging mabuti ang tiyahin at pinalayas siya sa kanila.

Napatingin ang babae sa buhat-buhat na bata ni Yumiko. Napaatras pa siya nang makita ang bata at tila nahihiwagaang makita si Koharu.

“No way,” she murmured. “Is he Kix’s son?”

Tumango si Yumiko at binaba ang anak na kumapit kaagad sa kamay niya.

“He really look exactly like him, and I can’t believe that he will be the first one to have a child in their group,” the woman said.

“And you must be Yumiko.” The woman flash her sweet smile at them and pinch her cheeks. “Hindi na talaga ako magtataka kung bakit ka nagustuhan ng babaerong iyon. You are so cute!”

Pinanggigilan pa ng babae ang mga pisngi ni Yumiko samantalang si Koharu ay salubong na ang mga kilay, hindi niya yata gusto ang babaeng pumipisil sa pisngi ng kaniyang ina.

“D-Delia?” Yumiko softly whispered the woman’s nickname. Of course, she knew the woman. She’s Garnidelia Gabriel, the queen campus of Skyford Academy when they were in high school.

No one even dared to bully her dahil protektado siya ng magkakaibigan, lalo na ng pinsan niyang si River.

“I’m surprise you know my name.” Delia chuckled. She’s quite famous though, lalo na sa larangan ng business.

“I st-tudied at S-Skyf-ford Ac-cademy,” Yumiko answered.

Kaagad na napakunot ng noo si Delia dahil sa utal-utal na sagot ni Yumiko. Napansin niyang hirap siyang magsalita.

AOS#1: Kix FujiwaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon