CHAPTER 16

143 5 0
                                        

Chapter 16
***

Hinubad ni Kix ang coat at pinunit iyon saka niya tinali sa brasong nadaplisan ng bala bago tumakbo pabalik sa bulwagan.

Wala siyang ibang iniisip sa mga oras na iyon kundi ang kaligtasan ng ama.

Hindi alintana ni Kix ang sakit ng braso. Wala rin siyang pakialam kung may makasalubong man siyang kalaban. Ang mahalaga sa kaniya ay makitang maayos ang ama at walang galos.

Natigilan lang si Kix sa pagtakbo nang makita niya ang mga kaibigan sa may kainan at tamad na tamad na nakahiga lang sa sahig. Ang ilan ay nakaupo lang at prenteng kumakain habang ang mga kalaban ay nakahandusay na.

They aren’t taking it seriously because the group of Debussy wasn’t a threat to them, but they have to cut their power before it became a hindrance.

Napahilamos sa mukha si Kix at nilapitan ang mga kasama upang bawalin sa kanilang mga kabaliwan.

The other side of the cruise ship is already on fire and people are starting to save their own lives, and yet his friends were still inside and playing restaurant simulation.

Binigyan ni Kix ng tig-iisang sapok ang kaibigan saka kinaladkad si Rentaro at Nephrite palabas ng kainan.

“You guys still have the fucking audacity to fucking play around when there’s already a fucking fire starting on the other fucking side of the ship,” he reminded them.

Parehong napaungot si Rentaro at Nephrite dahil ayaw pa nilang umalis doon at gustong ipagpatuloy ang kanilang laro na rarampa-rampa.

“Move your asses!” hiyaw niya sa mga kasama at agad naman silang tumalima.

Binitiwan na ni Kix ang dalawang kaibigan na siyang pasimuno sa mga kabaliwang ginagawa nila at madaling pinuntahan ang ama.

Dahil nasa kalagitnaan pa sila ng misyon ay nagseryoso na sila. Mabilis na inutusan ni Rentaro ang mga kasama na tapusin na ang buong mafia at dapat ay walang matitirang ni isang miyembro sa kanila.

Sabay-sabay silang tumango at sinunod ang kaniyang utos. Kahit na isip-bata pa ang susunod na magiging leader sa walang pangalan nilang organisasyon ay seryoso naman siya pagdating sa kanilang misyon at ilang bagay na alam niyang dapat seryosohin.

Nakahinga ng maluwag si Kix nang makita ang ama na kasama pa rin ang kaibigan nito. Nakaupo sila sa isang sulok kasama pa ang ibang mga tao na nakarinig din ng pagsabog.

May isang tauhan doon ng Mafia Debussy na pinapakalma sila dahil halos magpanic na ang ibang tao roon sa kanilang narinig.

Akmang lalapitan ni Kix ang ama nang may maramdaman siya sa likod at makarinig ng kasa ng baril.

“Take another step, Fortaleza and swear, you’ll never have the chance to live again.”

Ginalaw ni Kix ang mga mata pakaliwa at pakanan. Wala pang nakapapansin sa kaniya at sa lalaking nasa likuran niya. They didn’t even notice that the guy behind him is holding a gun and threatening him. Mabuti na rin iyon dahil ayaw niyang mag-alala sa kaniya ang ama.

Kix knew to himself that he can take care of the guy, what he do not know is how to not draw attention towards them. Alam niya kasi kung kikilos siya agad ay mas lalong magpa-panic ang mga tao. He needs to think fast and beat the guy behind him without alarming everyone inside the ballroom.

Huminga muna siya ng malalim at naisipang atakihin ang lalaki ng mabilisan sa likuran nito ngunit bago pa niya magawa iyon ay natumba na ang lalaki habang hawak-hawak ang kaniyang dibdib.

His fall is their cue to panic and run outside the ballroom. They can’t stand seeing a man bathing in his own blood in a cruise ship that is literally burning.

AOS#1: Kix FujiwaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon