Pagdating ng gabi, habang naghahanda ako ng dinner, ramdam ko pa rin ang awkward na atmosphere dito sa condo. Si Lan tahimik pa rin sa guest room na kwarto na niya, at kahit kumain siya ng breakfast kanina, halos buong araw hindi ko na siya naramdaman. Hindi ko alam kung dahil sa work niya o talagang ganon lang siya-hindi palaimik.
Nag-decide akong magluto ng pasta. Something simple and safe. Ilang sandali pa, narinig kong bumukas ang pinto ng guest room. Nilingon ko siya at nakita ko ulit ang pamilyar na malamig na ekspresyon niya habang naglalakad papunta sa sala. Mukha siyang bagong ligo, pero parang wala pa ring intensyon na makipag-usap.
"Hey, dinner's ready," sabi ko, pilit na ipinapakita ang kaunting ngiti. "I made pasta."
Tumigil siya saglit, parang iniisip kung lalapit ba o hindi. Pero eventually, lumapit siya sa dining table at umupo. Tahimik lang siyang tumitig sa pagkain, pero mukhang wala siyang balak magsalita.
Ipinag sandok ko siya ng pasta at nilagyan ng bread sa gilid. "Here you go," sabi ko, iniabot sa kanya ang plato. "Tapos may garlic bread din".
Tumingin lang siya sandali bago tumikim. Wala pa rin masyadong reaksyon sa mukha niya, pero at least, kumakain siya. That was a win in my part.
Habang kumakain, naisip kong subukan na makipag-usap. Hindi naman pwedeng ganito kami palagi-parang strangers na nakatira sa iisang bubong.
"So..." pagsisimula ko, medyo nagdadalawang-isip. "Since mukhang magkakasama tayo dito for a while, naisip ko lang na baka dapat pag-usapan natin yung mga rules dito sa condo. You know, para walang sabit."
Lan kept eating, not really looking up, pero at least hindi siya umaalis at halatang nakikinig, so I took that as a good sign.
"Okay, first rule, Clean up after yourself. Ayoko ng madumi, lalo na sa kitchen. Kung gagamit ka ng kahit ano like plates or utensils make sure malinis bago mo iwan," sabi ko, trying to keep it casual pero direct.
He nodded slightly, still not saying anything.
"Second, no bringing random people over. I know it sounds strict and not so me kasi alam mo naman siguro yung issues ko, but I'm not really into bringing girls here you know" I said, half smiling and look at him.
He looked up at me this time, finally reacting. "I don't bring people home."
It was a simple statement, cold as usual, pero at least nagsalita siya. I nodded. "Good to know."
Nagpatuloy ako. "Lastly... respect each other's space. Kung gusto mong mapag-isa, okay lang. Hindi kita pipilitin makipag-hang out or whatever. Pero kung may kailangan ka, feel free to let me know."
Lan nodded again, pero tahimik pa rin.
We ate in silence for a while, hanggang sa naisip ko na dapat magtanong naman ako tungkol sa kanya, kahit awkward. "So... uh, how's your work going? You're an artist, right?"
Tumingin siya sa akin, expressionless as ever. "Yeah. It's fine."
I cleared my throat, trying not to let the awkwardness get to me. "Okay, cool. Well, if you need anything, like space to work or quiet time, just let me know. Hindi naman ako maingay masyado."
Lan didn't respond, just continued eating quietly. Parang walang impact sa kanya ang sinabi ko, pero naisip ko na siguro ganon lang talaga siya cold, reserved, at hindi sanay makipag-usap.
Pagkatapos ng dinner, tahimik niyang dinala ang plato sa sink at hinugasan ito, which surprised me. At least marunong maglinis ng gamit, naisip ko trying to find some positives in this situation.
"Thanks for the food," he muttered softly habang bumabalik siya sa kwarto niya. Hindi ko in-expect yun, pero narinig ko siya, kahit mahina.
"Sure, anytime," sabi ko, medyo natigilan sa narinig. Maybe he's not so bad after all.