CHAPTER 10

566 15 0
                                    

Kinabukasan, tumawag si Tita Vien habang nakaupo kami ni Lan sa sofa parehong tahimik.

"Xian, Lan," panimula ni Tita Vien, "just a heads-up, ire-release na ng brand yung mga photoshoot ninyo today. Kasabay nito, isasabay na rin ang pag-announce sa media na yung unnamed guy na kasama mo Xian, is actually Lan Miguel. Expect some noise sa media, especially since this is Lan first-ever project sa harap ng camera."

Napatingin ako kay Lan na kalmado lang nakikinig. Wala siyang ipinakitang emosyon pero alam kong nasusubaybayan niya ang mga nangyayari. I nodded. "Okay, Tita. Thanks for the update."

Nang matapos ang tawag ibinalik ko ang tingin ko kay Lan. Tahimik siyang nakatitig sa labas ng bintana, mukhang iniisip ang mga paparating. Napaisip ako kung ano ang nararamdaman niya, considering na magiging mas visible na siya ngayon sa publiko. It’s his first exposure, and the media can be overwhelming.

"Lan," basag ko sa katahimikan. "Okay ka lang ba sa mangyayari ngayon? First project mo ito and the media will surely dig more about you."

Tumingin siya sa akin, tapos tumango ng bahagya. "I expected this. Hindi naman maiiwasan yan sa mundong ito, right?" tanong niya

Tahimik akong tumango, pero hindi pa rin mapakali. Kilala ko ang media—once they get a piece of you, hindi na sila titigil sa paghahanap ng mas malalim pang impormasyon.

Nagpatuloy ang araw nang may konting tension. Pareho kaming abala sa mga simpleng gawain sa condo, pero nararamdaman ko ang bigat ng paparating na atensyon. Nang tumunog ang phone ko nakita kong nagsisimula nang maglabasan ang mga articles at pictures mula sa photoshoot namin.

"Xian and Lan Miguel, the new faces of elegance and simplicity," isang headline ang nagsasabi, kalakip ang mga larawan namin ni Lan mula sa shoot—nakangiti ako sa camera habang si Lan naman ay seryosong nakatitig, pero undeniably captivating.

Nakita ko ang ilang posts online na nagtataka kung sino si Lan Miguel, at agad na sinubukan ng mga tao na alamin ang tungkol sa kanya. Dumagsa ang komento ng mga fans at curious individuals, lahat nagtataka kung paano siya napunta sa spotlight.

"Who’s this guy beside Xian?" tanong ng isa sa mga comments.

"He’s hot! And he looks mysterious," sabi pa ng isa.

Napalingon ako kay Lan, na hindi ko alam kung tinitingnan din ba ang mga balita o nagmamasid lang sa paligid. Tahimik lang siyang nakaupo habang pinapaliguan ng atensyon online, pero hindi ko mabasa ang nasa isip niya.

“Lan,” tawag ko, “you’re trending.”

Tumingin siya sa akin, tila walang epekto sa kanya. "Really?" tanong niya

Ngumiti ako ng konti. "Yep. Looks like people are very interested in you."

Huminga siya ng malalim at tumango. "It’s just starting," sabi niya. "Let’s see how this goes."

Nakaupo kaming dalawa, tila naghihintay sa paparating na whirlwind na hatid ng media attention. Habang patuloy ang araw, mas marami pang articles ang lumabas. Pareho kaming naging sentro ng atensyon, pero si Lan ang tila mas pinag-uusapan. Sa tuwing titingnan ko ang mga social media posts, halos lahat ay tungkol sa kanyang pagiging bago sa industriya at sa misteryosong personalidad niya.

Lumalim ang gabi at tahimik pa rin kaming dalawa ni Lan sa condo. Pareho kaming nag-aadjust sa buhay namin lalo na ngayong lumabas na sa publiko ang mga mukha namin. Si Shinzui, ang aming pusa ay abala sa paglalaro sa tabi ni Lan habang si Lan naman ay abala sa kanyang cellphone. Paminsan-minsan napapansin ko siyang nagbabasa ng ilang articles tungkol sa amin pero mabilis din siyang mag-switch sa ibang app.

"Alam mo," sabi ko bigla, "nakakatuwa ka panoorin habang karga mo si Shinzui. Parang nagiging mas relaxed ka kapag kasama siya."

Tumingin siya sa akin nang seryoso, pero may konting lambing sa mata. "Minsan, mas madaling makipag-usap sa pusa kaysa sa tao," biro niya.

Natawa ako

Tahimik ulit kami saglit hanggang sa narinig ko ang phone ko na tumunog. Si Tita Vien ulit, nagte-text ng updates tungkol sa media coverage at sa paparating na mga proyekto. Ibinaba ko ang phone ko pagkatapos basahin at tumingin kay Lan.

"Bukas, meron tayong meeting with the brand executives. They want to discuss the next steps, especially after the photoshoot release," sabi ko.

"Alright," sabi niya, tapos tumayo at naglakad papunta sa kusina. "I'm ready for whatever comes next."

Habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad palayo, naisip ko na siguro nga, kahit gaano ka-kumplikado ang buhay ni Lan, may bahagi sa kanya na handa talagang magbukas. At sa bawat araw na magkasama kami, unti-unti ko siyang nakikilala nang mas malalim, kahit na minsan napakahirap nyang basahin.

𝘊𝘢𝘶𝘨𝘩𝘵 𝘪𝘯 𝘏𝘪𝘴 𝘊𝘢𝘭𝘮 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon