CHAPTER 3

823 22 0
                                    

Pagmulat ng mga mata ko, ramdam ko agad ang bigat ng katawan ko sobrang pagod pa rin ako mula sa photoshoot kahapon. Parang bumagsak ang lahat ng energy ko at ayoko pang bumangon. Pero kailangan eh, may mga bagay pa akong aasikasuhin. Pinilit ko ang sarili kong bumangon at magtungo sa kusina para kumuha ng tubig.

Habang naglalakad ako palabas ng kwarto, napansin kong parang tahimik masyado ang condo. Usually, around this time ay tulog pa si Lan o tahimik lang sya sa kwarto nya pero ngayon, paglabas ko nakita ko siyang nakaupo sa sofa, nakatunganga lang sa isang plain canvas na nakatayo sa harap niya. Wala siyang ginagawa hindi nagsusulat, hindi nagpipinta tinititigan lang niya nang matagal yung canvas, as if waiting for something to happen.

Nagulat ako sa itsura niya. Hindi ko siya madalas nakikitang ganito, at mukhang mas malalim ang iniisip niya kaysa dati.

"Lan?" tawag ko, kahit alam kong narinig na niya ako paglabas ko pa lang ng kwarto.

Hindi siya agad sumagot. Tumigil lang siya sa pagtingin sa canvas at tumingin sa akin, pero hindi nagbigay ng kahit anong expression. Parang nasa ibang mundo pa rin siya.

"Okay ka lang?" tanong ko, nilapitan siya habang may hawak na baso ng tubig.

Umiling lang siya nang bahagya, saka muling bumalik ang mga mata niya sa blank canvas sa harap niya. Parang may gusto siyang sabihin, pero hindi niya mailabas.

"That's... a pretty blank canvas," sabi ko, pilit na binabasag ang awkward na katahimikan. "May naiisip ka bang ipinta o sketch diyan?"

Tahimik pa rin siya, pero ramdam ko ang tension. Parang frustrated siya, pero hindi niya alam kung paano ito ilabas. Tumayo ako at umupo sa kabilang side ng sofa, hindi ko siya masyadong pinipilit magsalita, pero nandiyan lang ako, in case gusto niyang mag-open up.

"Sometimes, it feels like a big wall," bigla niyang sabi, still staring at the canvas. "I know I have to create something, but nothing’s coming out."

Medyo nagulat ako na nagsalita siya, pero hindi ko ipinakita. Instead, I nodded, trying to understand. "Creative block, huh?"

He nodded slightly, pero hindi na ulit nagsalita.

I could relate. Sa trabaho ko bilang model, minsan hindi rin madali mag-switch into the right mood or mindset, lalo na pag pagod o emotionally drained. I guess kahit na artist siya at ibang mundo ang ginagalawan namin, pareho lang kami pagdating sa ganitong moments.

"Alam mo," sabi ko, tumingin sa kanya, "sometimes the best thing to do is just... step away for a bit. Give yourself some time. Hindi mo kailangang pilitin agad. It’ll come when you’re ready."

Saglit siyang tumingin sa akin, parang nag-iisip kung tatanggapin ba niya yung sinabi ko. Then he sighed, leaning back on the sofa, eyes closed.

"Maybe," he muttered, almost to himself.

Hinayaan ko lang siya. Alam ko na hindi madaling lumabas mula sa ganitong estado, pero at least, I was there, in case kailangan niya ng kasama.

Tahimik kaming nakaupo ni Lan sa sofa habang tinititigan pa rin niya ang blank canvas. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin, pero sa puntong ito, parang okay na rin na hindi kami mag-usap. Tahimik lang. Pero out of nowhere, binasag ni Lan ang katahimikan.

"May gagawin ka ba ngayon?" tanong niya bigla, na nagpatigil sa iniisip ko.

Napatitig ako sa kanya, medyo nagulat na siya pa ang nag-initiate ng usapan. "Uh, wala naman masyado. Bakit?"

"Ubus na yung stock natin," sabi niya nang diretso, parang walang ibang iniisip kundi ‘yun. "Kailangan nating mag-grocery."

Natawa ako nang konti, hindi dahil sa sinabi niya, pero dahil sa pagkakasabi niya—parang sobrang seryoso. Nasanay na akong si Lan ay palaging tahimik, kaya ang random niyang statement na ‘yun ay medyo nakakatuwa.

𝘊𝘢𝘶𝘨𝘩𝘵 𝘪𝘯 𝘏𝘪𝘴 𝘊𝘢𝘭𝘮 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon