CHAPTER 14

62 7 2
                                    

roni

Weeks has been past, lalo kong nakita ang pagiging maeffort ni Borj he always makes me smile at walang araw na hindi kami nagkikita mula school hanggang sa cafe dun lang kasi kami nagkakaroon ng time na kaming dalawa lang. Well nandun yung dalawa niyang friend pero hindi naman sila makalapit dahil oras ng trabaho nila kaya tinatawanan nalang sila ni Borj.

Hindi ko pa pala nasasabi kay kuya ang about kay Borj since umalis na naman siya kasama ang girlfriend niyang plastic sa ilang araw na magkasama kami sa bahay lumabas ang tunay niyang ugali. Yung ugali niya na akala niya lahat pagmamay ari niya one time she use my car without my permission diba? nakakainis yung ganun pero syempre kuya side on her sarap nila pag untugin.

Ngayon ang punta ni Borj dito sa bahay kaya busy ako including yung mga maids syempre need naming maglinis ng bahay sabi niya 4 siya pupunta dahil may inaasikaso daw siya.

Ng matapos ako sa paglilinis ay nagpahinga lang ako saglit it's 3 o'clock na kaya naligo na ako. Then after that i just wore a blackpants at pinaresan ko ng fitted white na top naglagay din ako ng kaunting make up para naman mag mukhang akong tao.

Hindi pa ako tapos sa pag aayos ko ay tinawag ako bigla ni manang.

"Roni, nandiyan na ang bisita mo!" sigaw niya mula sa labas ng kwarto ko kaya nataranta ako, Humarap muna ako sa salamin at huminga ng malalim bago bumaba para harapin si Borj.

Pagbaba ko, nakaupo siya sa couch ng makita niya ako ay tumayo siya.

"H-hi roni, good afternoon" bati niya. Ang pogi niya kahit ano talaga isuot niya bumabagay sa kaniya.

"Hello, sit down" sabi ko, then sabay kaming umupo.Lumapit yung isa naming maid na may dalang drinks.

"Ang laki pala ng House niyo" manghang sabi niya. Habang nililibot ang mga mata niya ang paligid. I just smile at him. "For you, you look beautiful" sambit niyang muli, inabot niya ang flowers ang haba naman ng hair ko.

"Thank you, bakit white and red?" kunot noong tanong ko. White and red kasi ang color ng flower na binigay niya. "Kasi kaya white dahil pure and red naman diba red is for love?so pure ang love ko for you" aniya, pakiramdam ko tuloy umiinit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Napaka bolero ha" sabi ko, para naman matago ang kilig ko. "Bolero?me? i'm just saying the fact" depensa naman niya.

Niyaya ko siyang mag meryenda habang nagkukwentuhan kami, puro complement ang naririnig ko kay Borj hiyang hiya na ako sa mga sandaling iyon kunware ko nalang siyang binabara para hindi niya mahalata na kinikilig ako.

Naguusap kami dito sa sala ni Borj ng biglang bumukas ang front doo and guess who opened it, my kuya's girlfriend.

"Oh, hi Roni" bati niya, then tumingin siya kay Borj. "May bisita ka pala?pakilala mo naman ako" sabi niya pa, kapal talaga ng mukha nito.

"Borj, si Deserie girlfriend ng kuya ko" saad ko, nginitian lang siya ni Borj.

"Manang, can you prepare this?pakibilisan kakain ako" sabi niya, sabay abot ng paper bag kay manang, kung maka utos akala mo bahay niya.

"Nga pala, your kuya mamayang gabi pa siya uuwi" sambit niya, saka siya tumalikod at nagpunta sa kitchen.

At dahil dumating siya nawala tuloy ako sa mood. "Hey, are you okey?" alalang tanong ni Borj.

"Wala, pwede ba dun nalang tayo sa labas?" anyaya ko, hindi kasi ako komportable sa babaeng yun. Tumango naman siya.

Sa front yard nalang kami tumambay, ang sama kasi ng atmosphere sa loob at baka ano pa ang masabe ko kapag naririnig ko yung boses ng babaeng yun. Ubod ng kaarte at nakakalimutan niya sigurong ako ang may ari ng bahay at hindi siya. Dito nalang kami na upo.

LOVER'S IN DEJA BREW Where stories live. Discover now