5 months na akong nanliligaw ngayon kay Roni, and every single day lalo akong naiinlove sa kaniya sounds to cringe but that was true, may times na nagkakatampuhan kami minsan naman ay nagaaway daig pa namin ang mag couple diba?well dun na din ang punta nun, kidding masyado naman akong assuming.
Sa 5 months na iyon hindi din nawawala ang selos na nararamdaman ko lalo na kapag nagbibigay ng letter yung Seb na iyon, oo he still doing it nakakainis na parang kahit saan kami magpunta alam niya dahil nakakatanggap pa rin si Roni from him.
And until now we don't know kung sino ba talaga siya, hindi pa rin siya nakikipag meet kay Roni which is good, siguro ang panget nun kaya ayaw niyang magpakita o baka naman nalaman niya na sobrang gwapo ng manliligaw ni Roni kaya natatakot magpakita. Napaka confident ko naman masyado.
Ngayon nandito kami sa mall kasama ang barkada kakagaling lang namin sa cafe kasi sinundo namin si Tonsy and Michael.
"Ang relaxing ng cafe niyo" Missy said, first time kasi nilang makapunta dito, they knew na may cafe kami pero hindi sila nagpupunta nagpapadeliver lang sila hindi kasi nila trip tumambay sa cafe. "New tambayan" saad ni Jelai.
"Oo nga, malilibre din tayo ni Borj" sambit naman ni Junjun.
"Anong libre?malulugi kami lalo na pagdating sayo" biro ko. Natawa naman sila.
Maya maya pa ay dumating na sila Tonsy nagpalit kasi sila tapos na rin naman ang oras nila at may kapalitan sila so lalo namin silang papagurin dahil maggagala kami sa mall.
"Pagod na ang katawang tao ko!!" reklamo ni Michael. "Eto naman, libre ko" Yuan said.
"TALAGA?LIBRE MO KAMI?" sabay na sabi naming pito, napakamot siya sa ulo dahil si Michael ang kausap niya pero kami ang sumagot. "Si Michael ba kayo?" aniya.
Nagstay muna kami ng ilang oras dito sa cafe, mukhang ayaw na nilang umalis. We're playing boredgames para silang mga bata ang iingay.
We all enjoying the moment ng biglang may lumapit sa amin, dalawang lalake. I noticed that they're staring at Roni hindi sila napansin nito dahil kalaro niya sila Missy.
"Why?" seryosong tanong ko. "May problem po ba?" saad naman ni Yuan.
Umiling yung lalake.
"Nothing, can i talk to Ronalisa?" aniya, nagtaka ako bakit niya kilala si Roni. "Sis, tawag ka ata" rinig kong sabi ni Jelai.
Lumingon si Roni sa gawi namin na may halong pagtataka. "Ahm...yes?" aniya.
"He said, if he could talk to you, do you know him?" kunot noong sabi ko. "No, I don't know him" sagot niya.
"Sorry boys but my friend said that hindi niya kayo kilala so hindi niyo siya pwedeng kausapin" singit ni Yuan, ang Kuya ng lahat.
The one na makapal ang kilay ay ngumiti kay Roni. "I'm sorry h-hindi ako nagpakilala agad, anyways i'm Sebastian in short Seb i'm the one na nagbibigay ng letter sayo" saad nito.
Natahimik kaming lahat, what the so ito pala ang karibal ko ang dahilan ng paginit ng ulo ko at ang may ari mga letters na natatanggap ni Roni.
Well mas gwapo naman ako sa kaniya, mukha siyang tanga panay ang ngisi kay Roni. Isa yung kasama niya na panay naman ang tingin kay Jelai. Mga mukhang unggoy 'tong dalawa na'to.
"Ahm....i-ikaw pala yun?" nagaalinlangang sabi ni Roni. "Yup, Hi finally it's nice to meet you by the way this is Bryan my friend" saad ni Seb. Kairita yung mukha.
YOU ARE READING
LOVER'S IN DEJA BREW
Fiksi PenggemarBorj saw a girl sitting near the window of their cafe, he didn't know how he felt about her as if it was love at first sight, they became friends but could he admit his feelings to the girl? and would they be able to overcome the problem will happen?