"Tama nga sila... " paninimula ko
"Tama sila, d-dapat hindi ako nag padala sa mga p-pinagsasasabi mo." Pagpatuloy ko sa aking sinasabi, hndi mapigilan ang paghikbi.
"Tama sila na gagawin mo lang akong tanga, dapat naniwala na agad ako sakanila. " dugtong ko pa habang pinupunasan ang mga luhang tuluyan ng kumawala.
"W-wait, Ella please let me explain first. It's not what you think! " Lalapit na sana siya saakin ngunit umatras ako, umiiling habang pag-atras.
"N-no, ayoko nang muling mag padala pa sa mga binibitawan mong salita Daniel! "
Pagpigil ko sakanya habang patuloy parin ang pag-atras."Stella... Please listen to me honey"
Malumanay nyang pag amo saakin, ayoko sa ginagawa ng kanyang malambing na boses sa akin. Hindi pwedeng mag padala nanamn ako sa mga pag ganyan nya."Don't touch my tiredness, your hands are no longer trusted. " sabi ko saknya at umatras. Nakita ko sa mga mata niya na nasaktan siya sa sinabi ko. Ano namn ngayun? Dapat lang na masaktan siya! Dapat nararamdaman niya rin ang nararamdaman ko!
Habang naatras hndi ko na pansin na may tao na pala sa likod ko, nagulat nalng din ako ng bigla ko syang na danggi at muntik na akong matumba kung hndi nya lang ako nasalo.
"S-sorry" paghingi ko ng paumanhin sa nabangga ko. Tiningnan ko kung sino iyon, ganoon na lamang ang gulat ko ng nakita ko si Dave, kaibigan ni Daniel. Kung hndi ko lang sila kilala baka napagkamalan ko na silang magkapatid. Halos lahat ay parehong pareho sila... Ang tanging na iiba ay ang kanilang mga ugali. Si Dave mabait, gentleman, palabiro at higit sa lahat ay gwapo, habang si Daniel naman ay kabaliktaran ngunit siya'y gwapo rin. Hindi ko alam paano sila naging magkaibigan eh.
"Dave! Ikaw pala, a-ah... Ano sorry pasensya na hndi ako nakatingin eh. " pagpaliwanag ko saka inaayos ang sarili.
"No need to say sorry, okay lang... Ikaw ba? Okay kalang? Bakit pag-atras ang lakad mo? " sunod sunod nitong tanong saakin.
"Ah.. Ano kasi eh"
"Stella." Tawag sa akin ng lalaking nasa likod ko. Ramdam ko na nasa likod ko sya at konti nalng ay magdikit na ang aming katawan. Saka lamang napunta saknya ang aming atensyon ng tawagin nyako.
"Oh tol nandyan ka pala, kanina pa kita hinahanap. Bebe time ba kayo? " pabirong tanong no Dave saamin at tumataas taas pa ang dalawang kilay. Parang gusto ko tuloy ishave yung buhok nya sa kilay nakakairita tlga ang lalaking ito.
"Bakit may emergency ba? " tanong ni Daniel. "Pwede paki sabi agad? May importante pa kase kaming paguusapan ni Stella. " seryoso ngunit may kuryosidad sa muka nito. Habang nag uusap sila ay naisipan ko ng kunin ang pagkakataon upang tumakas kay Daniel, malamang sa malamang hndi niya nanamn ako titigilan hanggat hndi ko siya pinapakinggan. Hindi na ako mag papaloko sa mga salita nya, hnding hindi na.
"Uys Ella, nandyan kalang pala halika na malalate na tayo sa next subj. " Sabi ni Anne saka ako hinila, ngunit nag matigas ako kaya napatigil kami.
"May problema ba Ella? Wait umiyak kaba?!" Binitawan nya ang braso ko at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Wala, napuwing lng ako" sabi ko sknya saka inaliw ang mga kamay nya at pinunasan ang muka ko. Tumanggo naman sya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Si Daniel ba? " tanong nya bigla sakin habang nasa hallway kami. Taning tango nalng ng ulo ang naisagot ko dahil sa kawalang ng interes magsalita.
"Hindi ba't sinabihan na kita? " Ayan na mag sisimula na sya mang sermon.
"There you are, kanina pa kita hinahanap please Honey let me explain? " nagulat kami parehas ni Anne dahil bigla nalang lumitaw sa kung saan si Daniel.
"Hoyyy! Lalake ka tigil tigilan mo nga kaibigan ko! Pwede bang iba nalng bulabugin mo?! " Sigaw ni Anne kung kaya't nakuha namin lahat ngn atensyon dito sa hallway. Inaawat ko namn siya pero ang tigas ng ulo nitong babaeng ito.
"Hoy! Ang ingay ingay mo naman Anne, itikom mo nga bunganga mo kahit minsan" si Dave. Lumapit siya kay Anne at saka ito hinila palayo saamin.
"Hoy! Teka lng isa karin eh! Bitawan mo nga ako! Stella hintayin mo ko mamaya sa labas! " nagpupumilit parin siya makawala sa hawak ni Dave pero parang wala lng kay Dave iyon.
"Hintayin mo lang tlga na makaalpas ako sa hawak mo makakatikim ka! " iyon ang huling dinig ko sa boses si Anne, kahit kailan talaga napaka lakas ng boses nya.
"Honey, let's talk please? " nauton sa nagsasalita ang aking atensyon at nawala ang aking mga ngisi sa bibig.
"Tungkol naman saan? Ayoko na, hndi nako maniniwala sa mga pinagsasasabi mo Daniel pwede ba?! Nakita ko na lahat! Nakita ko kung ano ang ginagawa nyo nung Chloè nayun! " pagmamaldita ko saknya, namumuo na nanamn ang mga luha sa aking mata...
"Hindi ganoon yon Ella, makinig ka namn sakin please?" May inis sa kanyang boses ngunit mas pinili nitong pigilan ang sarili... Tsk hindi sknya bagay.
"Tangina hindi ako bulag Daniel! Alam ko kung ano yung nakita ko! Hindi mo na yun mababago. Maghiwalay na tayo. " pakasabi ko nun ay naistatwa sya sa kanyang kinatatayuan at tuluyan narin akong tumalikod upang umalis. Nakita ko pang nakatingin saamin ang iilang students dito sa hallway dahil ang iilan ay walang klase sa gantong oras.
"Stella! " sigaw ng lalaki sa likod ko, ngunit hindi ko iyon nilingon. Natatakot ako na kung sakali mang lingunin ko sya ay tumakbo ako ng tuluyan saknyang mga bisig at patawarin siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapagod ako sa kakalakad.
"Stella! " hindi ko iyon ni lingon at pinansin.
"Nandito kalang pala eh, bwisit yun si Dave ngayun lang ako pinakawalan. " Si Anne pala, nilingon ko sya at yumakap saknya.
"Hushh... Naiyak ka na naman, siya nanamn ba? Bwisit tlga yun sarap nila paguntugin ng kaibigan nya. Wag kana umiyak dyan, tara mag icecream nalng tayo." Sabi ni Anne at kumalas sa pagkakayakap saakin saka pinunasan ang mga luha ko.
"Hi kuya, isang chocolate at isa ring strawberry icecream" si Anne ang pumunta sa counter para bumili habang ako ay nag hahanap ng mauupuan namin.
"Oh ayan na, cheer up sis i icecream mo yan" pabirong sabi ni Anne na nakapatawa saakin. Nag tagal kami roon ng halos 30mins okay lang naman iyon dahil nalate namn na kami sa last subj namin kanina dahil kila Daniel.
"Tara balik tayo sa campus, may nalimutan ako pero okay lng namn kung hindi ka sasama anong oras narin naman eh baka hinahanap kana nila tita. " si Anne, hindi ko masydo naintindihan yung sinabi nya dahil sa malayo ang lipad ng isip ko.
"H-ha? O s-sya sige sasamahan nalng kita, pahatid nalng tayo kay manong peter." Sabi ko saknya at inayos ko na yung mga gamit ko.
"Sure kana? Ikaw nag sbi nan ha baka ako birahin ni tita nan" natatawang sabi ni Anne saakin.
"Hindi yan, tara na" sabi ko saknya at tuluyan na kaming umalis.
"Manong Peter, pwede padaan muna sa school? May nakalimutan daw si Anne eh" sabi ko sa driver namin habang sumasakay sa kotse. Sumagot naman agad si manong at idinaan kami sa school.
"Hoy teh, sure kana okay lang? Baka umaaligid dito si Daniel adik pa naman yun lalo na yung kaibigan nya yung asungot na si Dave. " sabi sakin ni Anne habang nag lakakad tumawa nalang ako bilang sagot.
"Tawa tawa ka dyan mamaya hilahin ka nun ni Daniel umiyak ka dyan- Ella? Stella?! Hoy! Teh asan kana?! Nagbibiro lang namn ako! "
"Gaga nandito ako, may nakita lng ako dun sa tabi. " pagpapaliwanag ko.
"Gaga ka! Kala ko naging totoo na mga sinasabi ko, dapat tlga nag iingat nako sa mga pinag sasasabi ko. " sabi nito at tinakpan ang kanyang bibig.
"Buti namn at natauhan kana" sabi ko dito ng pabiro tumawa namn kami at hinampas nyako grabe hndi sknya mawawala yun.
Yskv370
YOU ARE READING
When Ms. Delulu Meet Mr. Mixed Signals
RomanceAnong gagawin ni Stella kung siya ang napiling pag tripan ng isa sa sikat na lalaki sa kanilang Campus? Makakawala ba siya sa mga mapang akit nitong ginagawa? O tuluyan nalng siyang magpadala sa kanyang nararamdaman?