Chapter 10

1 0 0
                                    

"Aalis kan ba talaga? Kailan ang balik mo? Mamimiss kits H. " naiiyak kong sambit na ikinangisi ni H. "Ano kaba naman El! Para kang bata, babalik pa naman ako eh. " sabi nito at niyakap ako. Nasa airport kami ngayun at sunod na mag tatake off ang eroplano na sasakyan ni H.

"P-pero baka matagalan! " pag rereklamo ko na para bang batang hindi napagbigyan ang gusto. "Shh, wag kana umiyak dyan El babalik naman agad ako, emergency lang." Pagpapatahan nito saakin at hinimas ang likod ko na parang inaalo akong sanggol.

"Bumalik ka agad ha! Mamimiss kita H! " sabi ko at mag lalo pang hinigpitan ang yakap. Kumalas namn din siya nung nag paalala na yung flight na niya ang susunod. Pinunasan niya ang mga luha ko sabay halik sa noo ko. "Promise babalik agad ako El, mamimiis ko rin kakulitan mo." Sabi pa nito bago yakapin sila dad.

"Uuna na ako, mag ingay kayo dito, Anne ikaw na bahala kay El ha? " sabi nito kay Anne nung niyakap niya ito tumango namn ito bilang sagot. Ngumiti si Hiroshi saamin bago tumalikod upang umalis.

"Ano kaba namn hija! Para kang iniwan ng asawa! " saway ni mama nung umiyak nanaman ako. "Parang bata eh! " asik ni Anne at tumawa sabay punas sa mga luha ko. "Mabuti pat umalis na tayo. " sabi ni dad ngunit sbi ko ay paka tapos na lamang umalis ng eroplano na sinasakyan ni Hiroshi, pumayag namn ito at na upo kami malapit sa malaking salamin kung saan kita mo ang mga eroplano kapag nag take off. Maya maya pa ay tuluyan nang nakaalis ang eroplano kung nasaan si Hiroshi at ganun din ang ginawa namin.

"Inaaway mo tapos iiyakan mo lang din pala? Hayst pasaway. " sabi ni Anne at niyakap muli ako. "Anne naman! " reklamo ko na nagpatawa kay Anne. "Na'ko kayo talagang dalawa kayo ano. " si mama na napailing na lamang saamin. "Mag impake kana ng gamit mo mamaya Ella, para namn hndi kana masabagal kapag aalis kana. " sabi ni dad na ikinatango ko, oo nga pala kila lola na muna ako.

Ambilis ng oras at ngayon ay bakasyon na namin. Nandito kaya si Hiroshi? Sana ay nandito siya! Nagyon ay nandito kami sa may likod ng campus dahil sa last na namin itong practice dahil bakasyon na nga at sa susunod na mga bwan na ang graduation namin. "Teh! Omg! Gratsie to us!! Tapos na ang paghihirap natin! " pasigaw na bati ni Gabriel saamin. "Ingay mo bakla! Tangina wasak ear drums ko! " reklamo ni Angela na nakahawak sa tenga nya. "Alisin mo nlng tenga mo sis! " hindi nag patalo si Gabriel at sinagot si Angela na ngayon ay hindi na maipinta ang pagmumukha.

"Worth it ang pagod sa practice mga teh! " sabi ni Gabriel na ngiting ngiti na ngayon. "Truee." Pag sangayon ko saknya at tumango rin sila Anne at Angela. "Uy mga bossing! " si Dave na nagyon ay papunta sa gawi namin, kasama niya si Daniel na nasa tabi lang nito at seryoso ang pag mumukha.

"Hi babe! " malanding turan ni Gabriel at pumulupot pa kay Dave. "Uy gaga ka landi mo bakla makita ka nga ni Anastasia!" Saway ni Angela at hinila si Gabriel. "Inggit kalang kase wala kang fafa like Dave. " sabi ni Gabriel at umirap hinampas naman siya ni Angela dahil doon. "Wala boyfriend mo? " lahat kami napatingin sa nag salita. "What? Hindi nyo alam? " pagpapatuloy ni Daniel na ngayon ay nakatingin saakin. "May boyfriend ka sis? Punyeta ka tlaga sabi walang secret?!" Si Gabriel na nagyon ay handa na akong sabungin kung hindi lang hawak ni Angela.

"Gaga baka surprise niya sa atin! " sawak ni Angela at huminahon si Gabriel na naguln ay naka simangot na halatang nag tatampo dahil hindi ko sinabi, pero wala namn akong boyfriend eh! Panggap lang!
"So asan na ang boyfriend mo? " tanong muli ni Daniel. "Oo nga asan? " tanong din ni Gabriel. "Wala, busy. " sagot ko saanila.
"Tsk." Napangisi si Daniel sa sagot ko, ano bang problema nito?

"Ang totoong tanong dude asan na yung nililigawan mo? " tanong ni Dave kay Daniel at ngumisi. "Shut up dude. " asik ni Daniel kay Dave na tumatawa na ngayon.
"May nililigawan ka Daniel? " si Gabriel iyon. "Bingi ka teh? Saka pake mo ba kung may mga nililigawan yang mga yan?! " si Angela na iritado na at handa nang sunggaban si Gabriel. "May pake ako kase mga fafa ko sila! " turan ni Gabriel. Napangisi namn kami dahil doon.

"Ano bang name ng nililigawan mo Daniel?" Pati ako ay na curious dahil sa tanong ni Gabriel. "Dude ako na!" Maangas na interapsyon ni Dave kay Daniel na sasagot na sana. "Si Ylona Garcia yung nililigawan niya! " tila proud pa si gaga na siya ang nag pakilala saamin. "Ano ba Dave? Why drop name? " may inis sa boses ni Daniel halatadong ayaw ipaalam kahit kanino yung babae, seryoso ba tlga sya dun? "Kala namin Daniel si Stella yung balak mong ligawan! " si Angela na ngayun ang nag salita na pa palakpak namn si Dave kesyo daw dahil parehas sila ng akala.

"Ano ba kayo? Hayaan nyo na nga yung dalawa. " si Anne na mismo ang nag saway sa tatlo na naguusap usap ngayun tungkol sa kung sino ang liligawan sa hindi. "Sorry hehe. " napakamot tuloy si Dave sa noo niya at nanahimik, ganun din sila Angela at Gabriel. Grabe batas talaga si Anne.

"Guys punta tayo sa bahay nila Stella! Tiyak nag pahanda si Tita! " si Gabriel iyon sinaway naman agad siya ni Angela at tinakpan ang bibig. "Bakla ka! Kapal namn ng face mo! " pagbibiro ni Angela na napangisi rin sa sinabi. "Kala mo namn hndi makapal ang iyo! " pagpatol ni Gabriel kay Angela na ngayun ay nanggigigil na bangayan nato.

"Kahit kailan talaga tong dalawang to. " si Anne yun na napahawak na sa sintido dahil sa dalawa. Umayos namn ng tayo si Gabriel at sabing, "kahit bakasyon palang may pa handa na si tita ano? Pano pa kaya sa mismong graduation pa natin? " tanong ni Gabriel na tila inaasar pa si Angela.

"Oooppppsss! Walang away please. " awat agad ni Dave sa dalawa na handa nang magsabong. "Grabehan tong dalawa nyong kaibigan. Magkaibigan paba ito or magkaaway na? " napangising tanong ni Dave saamin ni Anne. "So pwede ba kaming pumunta? " nakangiting tanong ni Dave saakin. Tumingin naman ako kay Anne at humarap muli kila Dave. "Yes! Pwede naman tayo tayo lang namn dun saka puro business partner nila dad kaya tiyak na boring doon kapag wala kayo. " mahaba kong sagot na ikinatuwa nila.

"Pass ako dude, pinapapunta ako nila Ylona sakanila. " si Daniel iyong nag salita. Mehh wala namn akong pake kung sumama siya o hndi diba?... Iyon ang pinapaniwalaan ko pero sa totoo na dismaya ako hindi ko alam bakit pero..

"Nandiyan lang pala kayo mga bata kayo! Kanina pa kami dito nag hahanap ang lawak ng campus nyo! " si mama iyon na papalapit na saamin, lahat sila ay nag mano kay mama at dad. "Hehe sorry tita dito kase kami nag kabanggaan. " si Gabriel iyon. "HA?! ANONG BANGGAAN!? NAKOOO SINO ANG NAKABANGGAAN NYO?! " sigaw ni mama na mukhang hindi nakuha ang nais iparating ni Gabriel. "Ma hindi ho totally banggaan." Ani ko kay mama saka ito nakahinga ng maluwag.

"Ano ba namn kayo mga bats kayo! Masydo na akong natanda para sa mga salitang iyan. " sabi ni mama na ikinatawa namin. "Hindi halata tita! " si Angela iyon na nakangisi. "Sipsip karin pala sis? " ani ni Gabriel at siniko sa braso si Angela sabay hampas ni Angela sa kanya kaya napadaing ito. "Na'ko kayo ba ay pupunta mamaya? " tanong ni mama sakanila lahat namn sila ay tumango bukod kay Daniel. "Ikaw hijo? Hindi kaba sasama? " tanong ni mama kay Daniel. "Hindi ho tita, may dapat kase akong-" "pupuntahan niya jowa niya tita kaya hndi sasama! " si Dave ang pumutol kay Daniel. Nakatanggap namn ng batok si Dave mula kay Daniel dahil doon.

"Hay nako siya tara na habang maaga pa! Hiace ang dala namin kaya kasya tayo, halika na kayo! " yakag ni mama saamin at nauna nang naglakad kays sumunod kami. Nahuling dumating si Dave dahil amy sinabi pa si Daniel saknya bago niya ito pinasunod saamin.

Yskv370

When Ms. Delulu Meet Mr. Mixed SignalsWhere stories live. Discover now