"Matagal pa ba? Hindi na ako makahinga sa katabaan ni Gabriel! " reklamo ni Angela, si Dave ay nag cecellphone samantalang si Anne ay tulog pati narin si Gabriel na ngayon ay naka yakap kay Angela.
"Malapit na siguro, tanaw kona dagat eh. " sagot ko sa tanong ni Angela. "Nag stop na sila, dito naba? " tanong ni Daniel nung huminto yung sinusundan namin.
"Dito na, nagsibabaan na oh. " sabi ni Dave saka ginising si Anne saka Gabriel. Agad naman nagising si Gabriel at nasobrahan sa pagka energetic at ayun na una pa saamin."Dave tulungan mo ako sa mga gamit. " sabi ni Daniel tumango namn si Dave saka dumaretso sa likod ng kotse ni Daniel at kinuha ang mga gamit namin. Nakikuha narin ako dun, yung kinuha ko lang ay yung mga kaya kong bitbitin. "Pumunta kana dun Ella, kami na dito. " sabi ni Daniel pero umalis na ako bitbit yung mga kinuha ko.
"Pasaway." Rinig kong sambit niya bago pa ako makalayo."Stella, susunod pala si Theodor sabi niya, ayos lang ba? " sabi ni Anne at kinuha ang iilan sa bitbit ko. "Syempre namn ayos lang. " sabi ko at ngumiti saknya. "Tara na mga bakla! Magbihis na tayo ng makakita na tayo ng mga fafa! " sabi ni Gabriel at dumaretso sa kwarto namin.
"Malandi talaga tong baklang to kahit kailan, tara na nga! " iritadong sabi ni Angela saka sumunod sa kaibigan namin.
"Na'ko talaga namn si Gabby. " napailing iling si Anne. "Baka mamaya maagang mabuntis anak mo Anne. " natatawa kong biro dahil parang nanay na namin siyang tatlo."Bumaba na kayo paka tapos niya mag si bihis ah! " sigaw ni mama sa malayo kaya sumunod narin kami sa dalawa. "Hoy! Tank top ko yan ah! " rinig naming sigaw ni Angela sa isang silid di kalayuan saamin. "Bangayan nanamn sila. " sabi ko. "Hindi kana nasanay. " sabi naman ni Anne at bubuksan yung pinto para makita namin na pilit hinuhubad ni Angela yung tank top na suot ni Gabriel dahil daw sa kanya iyon.
"Mag si tigil nga kayo! " pasigaw na saway ni Anne sa dalawa. "Anne akin yung suot niya! " asik ni Angela pero hindi gumawa o kumilos man lng ng kung ano. "Isauli mo nayang tank top nayan kay Angela, Gabby. " mahinahong utos si Anne ngunit bakas sa boses niya na nag titimpi lang ito. Mukang napuno na.
"Ano ba namn kase yan? Damit lang namn yan, meron ako dito Gabby hiramin mo nalng. " sabi ko saka binuksan iyong bag ko kung nasaan ang mga damit ko. "Ay pak! May two piece! Susuotin mo ba? " tanong ni saakin. "Dadalhin ko ba kung hindi? " tanong kong pabalang na ikinangisi niya.
"Bumaba naraw ho kayo sabi maam, kakain naraw para naman makapagenjoy na tayo. " sabi ni manang nakakapasok lang sa kwarto kung nasaan kami. Tumango namn kami at umalis na siya na siyang sabay na pagdating nung dalawa.
"Mag bihis na kayo, bilis bilisan nyo lang at kakain na tayo. " sabi ni Anne lahat kami ay nag asikaso na at nag bihis sinuot ko iyong two piece na dala ko pero nag suot parin ako ng maong na short saka puting blazer bago ako lumabas ng banyo. Ang natira nalang ay si Anne saka Angela."Ay tangina pak! Model ang atake! " si Angela iyon at umaktong kinukunan ako ng pic sinabayan ko namn ang trip niya at nag pose pose pa na ikinatawa naming tatlo.
"Mga gaga, tara na nga! " sabi ni Anne at lumabas na sumunod namn kami ni Angela habang nag kwekwentuhan."Picture taking tayo later mga teh! " sabi ni Angela na dala ang kanyang camera, kinukuhaan niya ng pic ang paligid na sa tingin niya ay maganda. "Uy bilisan nyo na nakain na sila. " ani ni Anne saka nag patuloy sa paglalakad.
"Dalian nyo na mga hija sumabay na kayo nangmakapag enjoy na kayo. " sabi ni mama habang nakain lahat sila ay nandito at nakain na. "Seksi natin maam ah! " sabi ni manang saakin nung tumabi ako saknya para kumuha ng makakain. "Nambola pa eh! " natatawa kong saad pati siya ay natawa. "Na'ko maam! Hindi lang naman ako ang na seseksihan sa'iyo, pati na si yung kaibigan nyong si Daniel oh. " nginuso ni manang si Daniel sa di kalayuan na nakatingin pala saamin. "Kanina payan naka tingin sa gawi nyo. " pagpapatuloy ni manang. "A-ah eh... Baka may tinitingnan lang dito sa may atin. " sabi ko kay manang, "Na'ko yun na nga! Ikaw ang tinitingnan! " sagot nito at napailing iling na may ngisi sa labi.
"Si manang talaga! " natatawa parin ako sabay tumingin sa gawi ni Daniel, nakatingin parin ito sa may gawi ko kaya chineck ko ang likod ko kung ano ang meron doon pero wala namn. Pag balik ko ng tingin ay palapit na siya na naglalakad papunta saakin. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.
"Oh? May nangyari ba? " tanong ni Anne nung nahalata niya. "H-ha? W-wala! Wala..." Sabi ko at nag lakad papalayo roon. Nakita ko na hindi huminto si Daniel at sumusunod saakin, teka wla namn ako atraso saknya ah? Huminto ako sa may malapit kila dad at umupo sa sulok sa may puno ng niyog. "Hey, iniiwasan mo ba ako?" Tanong ni Daniel saakin. "H-ha? Bakit namn kita i-iiwasan? " sabi ko sabay lunok sa kinakain ko.
"Ewan ko? May ginawa ba ako? " tanong nito saakin. Wala namn siyang ginawa, ewan ko rin pero nagwawala kase lagi puso ko kapag nandiyan s'ya. "Wala naman. " sagot ko sa tanong niya. "I wanna ask something Stella. " sabi nito saka umupo sa tabi ko. "Ano iyon? " tanong ko sakanya habang nakain. "Pwede bang manligaw? Don't worry nagpaalam na ako kay tito. " sabi nito, naubo tuloy ako bigla at agad agad naman siyang tumayo para kumuha ng tubig.
"Sorry Stella, here drink this. " sabi niya sabay abot saakin nung isang basong tubig at tinanggap ko iyon. "Dapat pala ay mamaya na kita tinanong about don. " sabi nito at hinahagod pa ang likod ko. "A-ayos lang, nabigla lang ako. " sabi ko at umayos na ng upo. "So what do you think? Pwede ba? " tanong ulit nito saakin. "Pumayag ba si dad? " tanong ko saknya pabalik, "Oo namn, malakas ako saknya eh. " nagbubuhat nanamn siya ng sarili niyang upuan. "Ganun naman pala eh, sige tutal pumayag namn na si dad. " sabi ko saknya. Napangiti namn ito sa sagot ko, pakatapos non ay nagusap pa kami dun hanggang sa matapos ako kumain.
"Uy hiramin lang namin si Stella ha, picture taking lang kami! " paalam ni Angela kay Daniel at hinila ako. Sumunod namn si Daniel saamin at tahimik lang itong nag mamasid saamin. "Binabakuran kana oh, ano ba meron sainyo? " tanong ni Anne at itinuro ang gawi ni Daniel. "Wala? Nanliligaw palang yan. " sabi ko, tila hndi namn sila naniwala na para bang may alam na.
"Ahh, kaya naman pala. O siya sige pose for me darling! " sabi ni Angela sinunod ko naman iyon hndi namn kami nag tagal dahil si Anne saka Gabriel pa at syempre si Angela ano! "Tapos na kayo? " tanong ni Daniel nung lumapit ako saknya, pumulupot namn agad sa bewang ko ang isa niyang kamay. "Tapos na ako, sila mamaya pa yata tatlo pa sila oh. " sabi ko saknya at nginuso yung tatlo na nag eenjoy kakapicture.
"Guys group pic! " sigaw ni Gabriel, tinawag namin si Dave saka kami nag picture. Sayang at wala yung jowa ni Anne saka ang kapatid nito. Oo hindi pa namn iyon kaclose pero kakilala namn iyon ng aming kaibigan kaya kaibigan narin ang turing namin doon.
"Gosh guys ang ganda ng sun sent! " sabi ni Anne. "Mas maganda ka love. " sambit ng isang malagom na boses sa likod namin lahat kami napatingin don at nandito na si Theodor saka ang kapatid nito. "Theo! " dali daling tumayo si Anne saka niyakap si Theodor. "Anastasia, buti nakarating kayo. " sabi ni Dave at tumayo sabay yakap kay Anastasia.
"Sorry super late, may emergency pa. " sabi ni Theodor. "Ulitin ang group pic guys kompleto na tayo! " sigaw ni Gabriel puwesto kami lahat at ang background namin ay ang sunsent. "Inabot na kayo ng gabi riyan! Nigth swimming ba kayo? " tanong ni mama na chineck kami dito.
"Yes tita! " sigaw ni Gabriel dahil may kalayuan na siya. Tumango namn si mama saka nagpaalam na uuna na siya.
"Wag na tayo mag tagal dito Stella, baka ubuhin ka. " sabi ni Daniel dahil malamig na ang tubig. "Grabe nayan Daniel! " sigaw ni Angela sa di kalayuan. "Inggit kalang! " sigaw ni Daniel na nagpatawa saamin.Yskv370
YOU ARE READING
When Ms. Delulu Meet Mr. Mixed Signals
RomanceAnong gagawin ni Stella kung siya ang napiling pag tripan ng isa sa sikat na lalaki sa kanilang Campus? Makakawala ba siya sa mga mapang akit nitong ginagawa? O tuluyan nalng siyang magpadala sa kanyang nararamdaman?