Chapter 17

0 0 0
                                    

"Bakit ngayun lang kayo? " tanong ni mama sa amin. "Ahh ehh, may pinag usapan lang ma, " sagot ko saka umupo sa may bar counter. "Ano pala lulutuin mo ma? " tanong ko pa paka upo ko. "Cookies, tutulong ka? " tanong ni mama habang busy mag asikaso.

"Ako tita tutulong, ano po ba pwede kong gawin? " si Hiroshi iyon at lumapit kay mama. "Magbasag ka ng itlog hijo, paghiwalayin mo yung puti sa dilaw. " sabi ni mama at inabot ang tatlong itlog kay Hiroshi. "Tulungan na kita. " sabi ko saka tumayo sa pagkakaupo para kumuha ng lalagyanan.

"Tulong din ako guys! " ani ni Gabriel saka tumani kay Hiroshi. "Nga pala tita, kasama ko si Sakura pumunta lang siya sa bahay nila dito, susunduin ko nlang mamaya para makilala nyo. " ani ni Hiroshi, kahit na matagal na sila ni Sakura ay hindi pa namin ito nakilala sa personal, tanging video call lang. Base naman sa mga oras at araw na nag uusap kaming lahat ay masasabi kong mabait si Sakura. "Talaga ba hijo? Na'ko! Excited na tuloy ako. " sabi ni mama at lumapit sa gawi ni Hiroshi.

"Na'ko tita isa rin si Sakura, excited na siyang maka bonding itong si Stella. " sabi nito at tumingin saakin, nginitian ko lamang ito. Ano kaya itsura ni Sakura sa personal? Baka mas maganda siya! "Hija wag babagal bagal, pumarine kana at ibigay mo kay Hiroshi iyang hawak mo. " sabi ni mama saka nag asikaso ng iba pang kakailanganin.

"Anong oras na? " tanong ni Angela. "Oras mo na sis. " sagot ni Gabriel kaya naman hinampas siya ni Angela. "Bwisit ka, sumama ka sakin kung ganun. " sabi pa nito saka umirap. "6:21p.m. na, bakit? " ako na ang sumagot sa tanong niya dahil sa hawak ko rin namn ang cellphone ko. "Wala lang, just checking gusto ko na rin makilala yung Sakura na pinagsasasabi niyo. " ani nito at bumalik sa pagkakahiga niya sa sofa. "Baka biglang umayaw si Sakura kapag nakita ka sis, mag tago ka nalang. " sabat ni Gabriel saka tumayo upang hindi maabot ni Angela. "Gaga! " sigaw ni Angela saka ngumisi.

"Nag chat na si Sakura, sunduin ko lang. " ani nito saka nagpaalam kay mama at niyakap naman ako. "Ingat ka hijo. " ani ni mama bago sumabay kay H upang ihatid ito sa labas.

"Hindi ba't kalahati yan si Hiroshi? " tanong ni Dave na ikinatango ko. "Parang familiar yung mukha niya, parang nakita ko na sa-" hindi na natuloy ni Dave yung dapat nitong sasabihin dahil sa tumunog na yung oven, hudyat na luto na yung binake namin. Pinuntahan namin iyon ni Anne dahil nasa sala kami ngayun saka inilagay sa mga platito.

"Ano nga ulit sasabihin mo? " tanong ko ulit kay Dave ngunit dumating na si mama. "Hija, Stella pumarine ka at tulungan mo ako mag luto, ikaw rin Anne. " sabi ni mama paka pasok ng kusina kung nasaan kami. "Sige po tita, mag si labas na kayo dun kayo sa sala. " utos ni Anne sa iba dahil malamang sa malamang ay manggugulo lamang daw ang mga ito.

"Tita, si Sakura. Sakura, si Tita Lara.  " pag papakilala ni Hiroshi sa dilag na kasama niya. May suot itong mini skirt na lilac ang kulay, ito ay hindi ganoon kaikli saka blouse na kulay pink. Bumagay ang mga kulay na iyon dahil sa kaputiang angkin niya, may ngiti siya sa labi habang nakipag kamay kay mama. "Na'ko napaka ganda mong dalaga anak! " nasasabik na sabi ni mama saka niyakap si Sakura. "Hi tita, omg ang ganda ganda nyo rin po! " masiglang saad namn nito at yumakap rin kay mama.

"Gago bes, amputi! " bulong ni Gabriel kay Angela na ikinatango nito. "Dinaig ka teh. " dagdag pa ni Gabriel saka ito umiwas dahil hinampas nanamn siya ni Angela. "Mag si tigil. " si Anne iyon at ang maawtoridad niyang boses. "Si Gabriel nauna. " pag rereklamo ni Angela saka tumahimik.

Tinitignan ko mga kasamahan ko ngayun na nag uusap usap na, nakita ko na hinampas ni Anastasia si Dave na ngayun ay nakamot sa batok, siguro ay nahuli ni Anastasia na nakatingin ng matagal kay Sakura. Sila Anne, Angela saka si Gabriel naman ay nag babangayan. Nakatingin lang si Theodor kay Anne na may ngisi sa labi, pero hindi makakaila na ito ay na babagot. Ang huli kong tiningnan ay si Daniel na ngayon ay nakatingin saakin. Kanina paba siya naka tingin?

"Hoy! Baka matunaw si Stella, tigilan mo nayan! " pa bulong na sigaw ni Dave na nakakuha ng atensyon ni Daniel. Nagbangayan pa ang dalawa at nag tatawanan nakita ko rin na nakisabay si Theodor. Ibinaling ko nalang ang tingin ko kila Hiroshi na ngayun ay nakatingin saakin. May Ibinulong ito kay Sakura saka pumunta sa gawi ko, naka ngisi ang babaeng kasama niya papunta sa'akin.

"Hi! Finally nagkita rin tayo sa personal! " pag bati nito saakin saka hinawakan ang magkabila kong kamay. "Paawat tol, babae yan. Grabe nanliligaw ka palang sa pagkakaalam ko ah? Nag tatayo kana agad ng bakod? Pati babae? " narinig kong sabi ni Dave sa likod na ikinangisi nila. Hindi ko na lamang iyon pinansin sapagkat itinuon ko kay Sakura na ngayun ay naka ngiti na saakin.

"H-hi.. " medyo awkward ang sitwasyon na ito, hindi ko alam ano ang gagawin ko. Is it because ito ang unang beses na nag dala at nag pakilala si Hiroshi ng babae saamin? Pero nakausap ko namn siya hndi ko dapat na raramdaman ito. But still I manage to put a smile on my face.

"Sorry, medyo hindi pa nag sisink in sakin. " sabi ko at ngumis, tumawa namn si Sakura saka umiling iling. "No worries, sorry if medyo hndi mo maintindihan ang mga sinasabi ko, its just the tongue... You know, Japanese. " saad nito saka ngumisi. "Na'ko! Ayos lang, naiintindihan ko namn kahit papaano. " sabi ko saka umiling sa sinabi niya.

"Tama nadaw yan sabi no Daniel! " sigaw ni Dave sa likod. "Hoy! Umayos ka nga! Nakakahiya ka! " si Daniel iyon at tinakpan ang bibig ni Dave. "Pasensya na Sakura, ganyan talaga ang mga yan. " si mama iyon saka humarap sa mga kaibigan ko para pandilatan ito ng mata, epektibo naman ito dahil umayos sila.

"Hi, my name is Anne. " pagpapakilala ni Anne saka ngumiti kay Sakura. "Angela here. " "Gabriel, please call me Gabby. " saad ni Angela saka ni Gabriel, dahil sa sinabi ni Gabriel ay napangisi pa si Sakura saka tumango.

"I'm Dave. " saad namin nito, "si Anastasia, girlfriend ko. " pag papakilala nito sa katabi niyang babae. "Daniel." Maikling saad ni Daniel at tanging tango lang ang ibinigay.
Hinihintay namin na mag pakilala si Theodor pero hindi ito nag salita. "Uhm.. So sino siya? " tanong ni Sakura kay Hiroshi. "Na'ko pasensya na Sakura, si Theodor. " ani ni Anne saka itinuro si Theodor na nasa likod niya. Tumango naman si Sakura saka ngumisi. "Masungit... I see. " sabi nito na ikinangisi ni Anne. "Sa una lang yan, nakikiramdam." Ani ni Anne.

"Welcome Sakura! " bati nung tao na pababa ng hagdan, si dad. Ngumit naman si Sakura dahil doon saka lumapit upang magpakilala. "I'm your Tito Zild. " ani ni dad saka niyakap si Sakura side ways. "Tara na sa kusina at mag gabihan na tayo. Manang pakitawag yung iba. " sabi ni mama saka kami sumunod papuntang kusina habang si manang ay umalis upang tawagin yung ibang mga kamaganak namin.

Yskv370

When Ms. Delulu Meet Mr. Mixed SignalsWhere stories live. Discover now