"San kayo galing? Tara banana boat tayo! " sigaw ni Dave sa di kalayuan. Ibinaba na ako ni Daniel saka ako dumaretso na papunta sakanila. "Naglandian pa mga yan pustahan. " sabi ni Angela saka lumapit saakin. "H-hindi ah! " pagtanggi ko saka tumigil sa harap niya nung nagkasalubong na kami.
"Tara na, hati hati tayo sa bayad. " excited na si Dave sa banana boat kuno na sasakyan namin. Nag-agree namn kaming lahat saka nag hati hati sa bayaran. Hindi nag tagal ay may na bakante nang banana boat, pahirapan dahil marami ang turista dahil nga bakasyon na. "Teka nasa kwarto yung wallet ko. " sabi ko nung kinapa ko yung bulsa ko at wala roon.
"Balik agad ako. " dagdag ko saka naglakad na pabalik sa kwarto. Sa paglalakad ko nasalubong ko si mama na papunta rin sa direksyon ko. "Oh hija saan ka pupunta? Sabi nila Gabby balak nila mag banana boat ah? " tanong ni mama nung nakalapit na ako. "Naiwan ko yung wallet ma sa kwarto eh, kukunin ko lang po. " sagot ko sa tanong niya.
"Teka bakit pa kayo mag babayad? Kila tita ninyo to libre kayo dito. " sabi ni mama at iginaya na ako pabalik sa kinaroroonan nila Gabriel. "Mga anak bakit kayo mag babayad? No need na, sa kapatid ko to libre na kung ano man gusto nyong sakyan diyan. " sabi ni mama kila Anne nung malapit na kami. "Talaga tita?! Omg ha napaka swerte namin sainyo! " sabi ni Gabriel at niyugyog si Angela.
"Na'ko sige na pumunta na kayo d'on at baka maunahan pa kayo, andami pang parating oh. " sabi ni mama at ngumiti saamin, pumunta namn agad kami at nag sabi dun sa nag babantay. "Uy! Fafa yung nag babantay! " si Gabriel iyon sino pa ba? Lumapit kami at nag sabi na tita ko ang may ari ng resort saka may pahintulot namn mula sakanya sabi ni mama bago kami pina punta dito.
Sabi nung nag babantay ay may gumagamit paraw kaya nag hintay muna kami dito, napag isipan din nila Gabriel na mag picture taking kami at groupie. Pag pipicture lang ang ginawa namin pangpalipas oras, hindi namn nag tagal ay bakante na iyon at pwede na kami ang gumamit. Lahat kami ay nag enjoy sa ride naiyon minsan pa nga ay nahuhulog ang ilan saamin pero napapadalas ang kay Gabriel na siyang ikinakatawa ni Angela.
"Grabe ako yata ang napuruhan! Masakit malamang ang katawan ko mamaya! " pag rereklamo ni Gabriel nung nagsawa na kami at napagisipang magbabad na lang sa tubig. "Grabe pati ang tawa ni Angela. " saad namn ni Anastasia, makakatulong itong outing namin dahil mas nagiging ka close pa namin sila Theodor at Anastasia pero minsan lang talaga sila mag salita at parehas seryoso ang mga mukha.
"Anong oras naba? Baka ay mananghalian na tayo. " sabi ni Theodor na nanonood lang samin. "Kill joy ka namn kuya, mamaya pa yan mukang maaga pa nga eh!" Asik ni Anastasia sa kanya kuya na ikinairap nito. "I'm just worried na malipasan kayo ng gutom. " pagpapaliwanag nito. "Na'ko! Baka kay Anne kalang talaga nag aalala! " sigaw namn ni Gabriel na ikinangisi ni Theodor.
"Ano namn ngayon? Syempre ay si Anne nayan! " maangas na sabi ni Theodor."Maam, sir bumalik na raw kayo at mag bihis kakain na raw ho mamaya maya. " yung isa iyon sa kasambahay na kasama namin paka sabi nito ay umalis namn kaagad ito. "Tara na. " sabi ni Dave at inalalayan si Anastasia sa pag tayo. Lahat kami ay umahon na at pumunta na sa loob ng rest house para mag palit. "Gusto mo ba ng tsinelas? Para hindi mag ka buhangin yang paa mo? " tanong ni Daniel na nakahawak sa kamay ko. "Wag na, ayos lang. " pag tanggi ko saka naglakad muli.
"Ako Daniel gusto ko! " si Gabriel iyon na agad sinaway ni Angela. "Epal ka ikaw ba si Stella? Tara na bilisan mo! " asik si Angela at hinila na si Gabriel ngayun tuloy ay nahuhuli kami ni Daniel. Ayaw ko namn bilisan ang lakad ko dahil hindi namn mabilis ang kanya. "Dalian nyo na dude mamaya na kayo mag lampungan! " si Dave iyon na tumigil pa talaga para lang asarin kami at banggitin iyon. "Sira! Umuna na kayo! " sigaw pabalik ni Daniel at ngumisi.
"Siksikan tayo sa kama guys, yung mga boys nga sa lapag nalang. " sabi ni Angela. "Hoy! Anong sa lapag? Dalawa namn ang kama ah? Saka malaki rin! " Nakapamewang na pagtataray ni Gabriel. "Sabagay, pero antaba mo kase eh! " asik namn ni Angela. "Tama nayan. " mahinahon na saway ni Theodor sa dalawa. Wow parehas pa sila maawtoridad ni Anne. "Ano ba problema sa kama? Yung isang kama sa boys diba? " saad namn ni Anastasia. "Sus! Hindi kaya nangyari yung pinag usapan! " si Dave iyon na nakangisi. Alam ko tinutukoy niya, katabi ko kase kagabi si Daniel. "True." Singit ni Anne na naka ngisi rin.
"Edi mangyayari mamaya. " sabi ko na ikina yes ni Angela. Unang gabi palang naman kagabi eh saka katabi rin namin si Anne kagabi saka si Theodor nag kasya namn kami kinakaya namn ng apat ang kama. "Basta ha hiwalay na ang boys! Akin na ang mga fafa! " sabi ni Gabriel na may ngisi sa labi. "Gaga sa sofa ka! " si Angela iyon na dinilaan si Gabriel. "Inggit ka na namn! " ani namn ni Gabriel at nag simula na ang bangayan nila.
"Bumaba na kayo mga bata, kakain na ng tanghalian. " si manang iyon na kumatok sa kwarto namin at pinaalalahanan kami.
"Opo manang, susunod ho kami, " sabi ni Anne at tumayo na. Saka namn tumango si manang at umalis na. "Tara na tayo nalang yata ang hinihintay. " dagdag pa ni Anne at nauna nang lumabas ng pinto kasama si Theodor. "Tara na baks! " yaya ni Gabriel kay Angela saka ito hinila. Sumunod narin si Dave saka Anastasia habang kami ni Daniel ay nakasunod lang."Umuwi yung pinsan mo hija, baka gusto nyo ioccupy yung kwartong iyon. " si dad nung naka upo na kami. "Ang kaso nga lang iisa lang ang higaan saka 2 lang ang pwede. " pahabol na saad nito. "Kami nalng po tito. " si Angela yun sabay turo kay Gabriel. "Lah?! Pero kasama ko ang mga fafa! " pagrereklamo nito na ikinangisi ni dad. "Kayo ang bahala, magusap usap nalng kayo. " sabi ni dad at nag simula na kaming kumain ng tanghalian.
Yskv370
YOU ARE READING
When Ms. Delulu Meet Mr. Mixed Signals
RomanceAnong gagawin ni Stella kung siya ang napiling pag tripan ng isa sa sikat na lalaki sa kanilang Campus? Makakawala ba siya sa mga mapang akit nitong ginagawa? O tuluyan nalng siyang magpadala sa kanyang nararamdaman?