Chapter 5

1 0 0
                                    

"Ma nandito na po pala sila Hiroshi sa pinas, may alam po ba kayo tungkol dun? " sigaw ko nung makarating na kami ni H sa bahay.

"Yes hija, sabi nito ni Hiroshi wag daw ipag bigay alam saiyo eh. " sabi nito at lumapit saamin upang yakapin kami.

"Tara sa kusina mag bake tayo ng meryenda. " sabi ni mama na ikinatuwa ko namiss ko ang mag bake with mom dahil busy din siya minsan at ganun din ako.
"Mahilig talaga si Stella mag bake ano tita?" Rinig kong tanong ni H kay mama.
"Yup! Manang mana saakin! " proud na sabi ni mama.

"Anne! My friend! " sigaw ni H na kumuha ng atensyon namin, si Anne pala. Niyakap niya kami isa isa at nag mano kay mama.
"Sawakas pumunta karin Anne! May kakampi na ako. " habang nag aayos at kumukuha pa ng ibang kakailanganin sa kusina ay naaalala ko ang mga gagawin kong schoolworks kaya nag paalam ako na gagawin ko muna iyon. Gusto pa sana sumama ni Anne pero sinabi kong mas kailangan siya ni mama sa kusina.

"Bababa nalang po ako kapag tapos na. " pagpapaalam ko sabay lumabas ng kusina, nakasalubong ko rin si Manang na papuntang kusina bumati namn ito saakin at iyon din ang ginawa ko saka tuluyan nang umakyat papuntang kwarto ko. Mahigit isang oras din ang ginugol ko para lang matapos itong lahat.

"El? Busy kapa ba? Tapos na sila mag bake kakain naraw. " panglalaking boses iyon at alam kong si H yon dahil wala namn ibang lalaki sa bahay. "Patapos na, bababa nalng ako saglit nlng to promise.. " sagot ko saknya at nakarinig ako ng yabag na papaalis. Kalaunan ay natapos ko rin ang ginagawa ko kaya bumaba na agad ako.

"Ma kanino yung kotse na naka park sa tapat? "Curious kong tanong habang nakatingin sa labas papuntang kusina.
"Sa boyfriend ni Anne hija, halika na't maupo ka. " sabi ni mama, nabaling namn sakanila ang atensyon ko at nagulat ako nang may nakitang estrangherong lalaki.

"Sino siya ma? " tanong ko habang pinagmamasdan ang lalaki. "Where are my manners? I'm Theodor Galvan, Anne's fiance. " pagpapakilala nito, fiance? Teka huling huli naba ako sa balita?.
"Umayos ka nga Theo! " pabulong na sigaw ni Anne at saka hinampas ang braso ni Theodor. "What? Ano ang hndi ayos don? Dun rin nmn bagsak natin. " mayabang na tanong nito sa kaibigan ko na nagpairap saknya.

"Anyways, sige na kumain na kayo may nakasalang pa namn sa oven pakitingnan na lang ha? " pag papaalala saamin ni Mama. "So saan kayo nag kakilala? " curious na tanong ni H, nahuli pa ng mata ko ang pagkamangha sa mukha nung Theodor, hndi yata inaakalang mag tatagalog si Hiroshi, baka kanina pa tahimik to kaya ngayun lng niya napagtanto o di kaya panay ang english.

"We meet at a cafe, She's with a friend sa pagkakaalala ko ay ikaw iyon Stella. " nagulat ako dahil alam nito ang pangalan ko. "He is the one who hit on me first. " pagsingit ni Anne kay Theodor na ikinairap nito, grabe may attitude din.

"Anyways, nagkataon lang na nandun ako because I have a meeting there. Nagalit pa nga siya saakin dahil sumingit daw ako sa pila. " sabi nito at tumawa ng parang baliw. "Uhm... Weird. " sabat ko namn napatingin tuloy sila sakin. "Ano? " tanong ko saka itinaas ang aking kilay.

"Anyways, gaano na kayo katagal Anne? " tanong ko habang nginunguya yung kinakain ko. "Well, 8 months na kami. " sabi nito na ikinasamid ko, agad naman hinimas ni Hiroshi ang likod ko saka kandarapang nag abot saakin ng maiinom ni Anne. "Hala! Gago sign nayan na matetegi kana! " pag bibiro ni Hiroshi dahil don ay inirapan ko siya na siya namang ikinatawa nito.

"3months?! Bakit hindi ko man lang nahalata?! Wala ka man lang nabanggit saakin, baka mamaya balak mo sabihin saakin ay kung kailan ay ikakasal na kayo ha! " dinaig ko pa ang nanay ni Anne kung paano ako mag react nagyun sa nalaman.
"Anne's Mother 2.0" pag bibiro ni Hiroshi, itataas ko palang ang kamay ko ay umilag na agad ito. "Manahimik hampas lupa! " pagbibiro ko.

"Mag jowa ba sila love? " tanong ni Theodor na sabay sabay naming nilingon.
"Yuck! Kadiri namn! Mamatay nalng siguro ako! " pabiro kong saad at umaktong nandidiri. "Grabe ka namn sakin! Parang hindi mo ako pinsan ah! " pag rereklamo ni Hiroshi saakin. "Ay mag pinasa pala, sorry para kaseng magjowa kung umakto. " paumanhin ni Theodor. "See sabi sa inyo eh! " sabi ni Anne at tumawa, nahuli pa ng mga mata ko ang kamay niyang lumingkis sa bewang ni Anne na ani mo ay tatakas.

"Sleep over tayo dito! " Parang batang sigaw ni Hiroshi, sumangayon namn agad si Anne. "Sige sige! " saad ni Anne at tumingin sa nobyo nito tila nag papaalam. "Okay lang ba kung sumali rin ako? " pagpapaalam nito saamin, tumango namn si Hiroshi senyales na pinayagan niya ito.
"Sige sabihan ko lang sila manang iprepare yung malaking silid dito, dun nalng tayo. " sabi ko saka bumaba ng upuan. "Sama ako! " si Hiroshi na ngayun ay naka buntot saakin. "Manang?! " paghahanap ko kay manang, agad naman itong nagpakita saakin kasama yung isa pa naming kasambahay. "Pwede po paayos nung malaking guestroom sa taas? Mag ssleep over kase sila dito. " paguutos ko sa magalang na paraan. "Osya sige, kami na ang bahala. " sabi nito saakin at ngumiti, nginitian ko siya bago siya bumaling sa kasama niya. "Sabihan mo si Berta tulungan tayo sa pag linis, halika na. " sabi nito at nag paalam na aalis na.

"Pumunta kana sa kusina sabihin mo may aasikasuhin lang ako sa labas. " sabi ni Hiroshi na ngayun ay hawak na ang cellphone niya. Umalis nalng ako roon at bumalik na sa kusina, doon ko nadatnan sila Anne mukang nag kakasagutan. "Ahm... Kukunin ko lang yung cupcakes na natira. " sabi ko at kinuha yung cupcakes na natira sa tray, dadalhin ko kase sa office ni Daddy sa taas. "Mukang importante pinag uusapan niyo ah? Una na muna ako para hndi makaistorbo. " sabi ko saka umalis para hindi na nila mapigilan. Umakyat ako sa 2nd floor at pumasok sa pinaka dulong pinto. "Dad? Busy ka po? Nag bake sila mama ng cupcakes may natira pa gusto mo? " tanong ko kay daddy paka katok ng pinto. "Pasok hija, hindi namn ako busy. " sabi nito at tuluyan na akong pumasok, inilapag ko lang iyon sa center table at hindi sa office table niya dahil maaring may mga papeles na madumihan.

"Nakauwi na ho pala si Hiroshi Dad, kanina lang daw. " pagbalita ko kay Dad. "Nag sabi narin si kumpare about diyan, pero sabi ay huwag sabihin saiyo. " natatawa nitong kwento. "Nga pala dad dito daw sila matutulog, nandito rin kase si Anne saka yung jowa niya. " napahinto namn si dad sa pagkain at nag tanong. "Si Anne? May jowa pala ang dalagang iyon? " sabi ni daddy tila hindi rin makapaniwala. "Yes dad, nasa baba yung lalaki. " pagbibigay alam ko kay dad. "Talaga? Maka-usap nga, takutin lang natin. " sabi ni dad at parehas kaming natawa sa sinabi niya. Parehas at sabay kaming bumaba ni dad saka dumaretso sa kusina.

"Oh? Mr. Valdez? " panimula nung nobyo ni Anne, teka kakilala niya? "Good evening sir. Hindi ko namn nabalitaan na ikaw pala ang ama nito ni Stella sir. " sabi nito tila hindi rin makapaniwala katulad ni dad. "Mr. Galvan, ikaw pala kala ko namn ay sino na ang nobyo nito ni Anne, tatakutin ko sana. " natatawang sambit ni dad. "Anyways, good evening. " hindi pa namn ganun kadilim pero nag babatian na sila nun... Teka business partner yata ito ni dad.

"Sakto nandito namn na tayo Mr. Valdez pagusapan na natin ang kasundan sa kumpanya. " sabi ni Theodor. "Nako wag na muna hijo, nasa labas namn tayo at wala sa opisina kaya pwede mo akong tawaging tito. " pag tanggi ni dad sa nais ni Theodor. "Saka na natin pagusapan yung kasunduan sa meeting bukas, dont be late Mr. Galvan 10am iyon. " pag papaalala ni Dad saka ngumiti si Theodor at tumango.

Yskv370

When Ms. Delulu Meet Mr. Mixed SignalsWhere stories live. Discover now